2 CCC NG PORT OF NAIA PINASINAYAAN

Pormal na pinasinayaan ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawa (2) pang Customer Care Centers (CCC) sa Port of NAIA at NAIA Central Mail Exchange Center (CMEC).

Ang Port of NAIA-CCC ay magsisilbi bilang isang One-Stop Shop o central hub para sa Customs-related transactions sa NAIA maging ang pagtanggap at pagre-release ng mga dokumento, pagbabayad, document tracking at general stakeholder information.

Habang ang NAIA-CMEC CCC ay magiging tahanan ng parcel-related transactions maging ng parcel ­tracking, shipment information, follow ups, parcel inquiries at alalahanin na may kinalaman sa pagtulong sa NAIA stakeholders sa pamamahala ng kanilang mga negosyo sa Aduana.

Layunin ng mga center na suportahan ang pagsisikap ng Bureau para sa ‘further re-engineer the BOC systems and processes towards a credible and effecient customs service, and fully implement No Contact Policy to eliminate corruption opportunities’.

Ang nasabing Customer Care Centers ay patatakbuhin ng isang team ng professional NAIA Customs Service ­Officers para matiyak na maayos at ligtas na paghahatid ng kanilang serbisyo.

Sa kabila ng pananalasa ng Covid-19 at mga pagsubok ngayon, ang Bureau of Customs Port of NAIA at kanilang suport CMEC sa pamumuno ni District Collector Carmelita Talusan ay pursigido sa pagpapagawa ng NAIA Customer Care ­Centers upang mapahusay ang kanilang ugnayan sa kanilang stakeholders.

Ito rin ay magsisilbi bilang isang pasasalamat sa lahat ng stakeholders at customs officers na sumuporta sa BOC at Port of NAIA sa buong nakaraang taon.

Kaugnay nito, ang Port of NAIA ay nananatili sa kanilang pangako na inisyatiba at mga pagbabago ng Bureau of Customs sa ilalim ng pamumuno ni Commssioner Rey Leonardo Guerrero.

Partikular ang pagbuo ng local Customer Care Centers na nakalinya sa Full Automation of Frontline Transactions and Enhancement of Stakeholders’ Engagement Program sa ilalim ng 2020 10-Point Priority Program ng Bureau of Customs. (Joel O. Amongo)

175

Related posts

Leave a Comment