2 CONTRACTOR NG GMA KINASUHAN NA

PORMAL nang nagsampa ng kasong kriminal ang Department of Justice (DOJ) laban sa mga independent contractor na sina Jojo Nones at Richard Cruz dahil sa umano’y sekswal na pang-aabuso sa aktor na si Sandro Muhlach.

Kinasuhan ng DOJ prosecutor ng Rape through Sexual Assault at two counts of Acts of Lasciviousness sina Nones at Cruz sa Pasay Regional Trial Court (RTC).

Walang inirekomendang piyansa ang DOJ sa kasong panggagahasa para sa kanilang pansamantalang paglaya.

Nasilip nila ang “prima facie evidence with reasonable certainty of conviction” para kasuhan sina Nones at Cruz ng sexual assault sa ilalim ng Article 266-A paragraph 2 (Rape) ng Anti-Rape Law. (JULIET PACOT)

125

Related posts

Leave a Comment