2 DALAGITA NA-LOCKDOWN SA PILING NG RAPIST NA TIYUHIN  

CAGAYAN de Oro – Arestado ang isang 23-anyos na lalaki makaraang halinhinang halayin ang dalawang menor de edad na pamangkin habang umiiral ang lockdown sa Brgy. Puerto sa lungsod na ito.

Ayon sa impormasyon na ibinahagi ni Cagayan de Oro City Police Office spokesperson, P/Maj. Ivan Viñas, nangyari ang panggagahasa sa loob ng bahay ng mga biktima habang ipinatutupad ang general community quarantine sa lungsod.

Aminado umano ang suspek na paulit-ulit niyang ginawan ng kahalayan ang mga pamangkin na kapwa menor de edad.

Hindi na umano matiis ng mga bata ang malupit na karanasan sa kamay ng sariling tiyuhin kaya humingi ng tulong ang mga ito na maiparating sa mga pulis ang kanilang sinapit. (JESSE KABEL)

209

Related posts

Leave a Comment