2 DALAGITA NASAGIP SA SEX TRADE SA TONDO

NASAGIP ng mga pulis ang dalawang menor de edad na babae na umano’y ginagamit sa sex trade sa magkahiwalay na operasyon ng Women and Children Protection Center (WCPC) sa Tondo, Maynila.

Unang nailigtas noong Oktubre 14 ang 14-anyos na dalagita na apat na araw nang nawawala. Ayon sa imbestigasyon, nasangkot umano ito sa sexual activities kapalit ng pera at madalas daw nakikitang labas-masok sa mga motel kasama ang iba’t ibang lalaki.

Matapos ang unang operasyon, agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at nasagip naman ang ikalawang biktima, isang 15-anyos na sangkot din umano sa parehong gawain.

Ayon kay Police Major Shari Vanneza Deseo, tagapagsalita ng WCPC, patuloy ang imbestigasyon para tukuyin ang mga nasa likod ng pagsasamantala sa mga dalagita.

Sa ngayon, nasa pangangalaga na ng DSWD ang dalawang biktima at tumatanggap ng counseling at tulong-pinansyal.

(TOTO NABAJA)

9

Related posts

Leave a Comment