2 DPWH OFFICIALS NA INIUGNAY SA ‘GARDIOLA NETWORK’ SINIBAK

SINIBAK na sa puwesto ni DPWH Secretary Vince Dizon ang dalawang opisyal ng ahensya na umano’y nagsilbing supplier at sub-contractor sa loob mismo ng DPWH, ayon kay Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda-Leviste.

Ibinunyag ng kongresista ang impormasyon sa harap ng media sa Lingguhang Kapihan sa Maynila. Ayon sa kanya, ang mga natanggal na opisyal—isang assistant secretary at isang director—ay nirekomenda sa DPWH ni dating Undersecretary Arrey Perez, na nagbitiw noong Oktubre 17, 2025.

May koneksyon umano ang dalawang opisyal kay CWSPL Rep. Edwin Gardiola.

“Companies connected with Gardiola have been able to secure P100-B in projects from the DPWH,” ayon kay Leviste, sabay diin na matagal nang umiikot ang alegasyon ng korupsyon sa naturang grupo.

Matatandaang si Gardiola rin ang pinangalanan na kabilang sa mga mambabatas na sangkot sa umano’y malakihang katiwalian. Naging viral pa nitong Lunes ang pag-walkout nito sa session matapos magtangkang magpa-selfie sa kanya si Leviste.

(JULIET PACOT)

40

Related posts

Leave a Comment