2 ESTUDYANTE NALUNOD SA WAWA DAM

RIZAL – Dalawang menor de edad na estudyante ang malunod sa Wawa Dam sa Barangay San Rafael, sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan noong Sabado, Enero 3.

Ayon sa Rodriguez Municipal Police Station, bandang alas-8:20 ng umaga nang i-report ang pagkawala ng dalawang biktima na isang 16-taong gulang na Grade 11 student, at isang 15-taong gulang na Grade 10 student.

Agad nagresponde ang mga pulis sa lugar at nagsagawa ng search and rescue operation katuwang ang mga residente sa lugar, hanggang sa marekober ang wala nang buhay na mga biktima.

Batay sa salaysay ng mga saksi, nasa excursion ang mga biktima kasama ang kanilang mga kaibigan at nagtungo sa Wawa Dam.

Tumalon umano sa dam ang dalawa ngunit tinangay ng malakas na agos at hindi na muling lumutang.

(NILOU DEL CARMEN)

91

Related posts

Leave a Comment