2 KILLER NG MASAHISTA SA HOTEL, ARESTADO NA

ARESTADO na ang dalawang suspek sa pagpatay sa isang babaeng masahista sa isang hotel sa Sta. Mesa, Manila noong Oktubre.

Ayon sa Manila Police District (MPD), Oktubre 22 ng hapon nang mag-check-in sa hotel ang dalawang suspek at ang biktima.

Dalawang kuwarto ang inupahan ng lalaki para sa babaeng suspek at biktima na kanilang inarkila.

Kinabukasan, Oktubre 23, napansin ng hotel staff ang mga suspek na nagmamadaling umalis at pagkaraan ay nadiskubreng nakagapos at nakadapa ang masahistang biktima at wala nang buhay.

Sa isinagawang imbestigasyon, nalaman na sinakal ng kumot ang biktima na ikinamatay nito.

Puspusan naman ang isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad at naaresto ang babaeng suspek sa kanyang bahay sa Pasay City.

Inginuso naman ng babaeng suspek ang kinaroroonan ng lalaking kapwa suspek sa Naic, Cavite.

Parehong kinasuhan ng murder ang dalawa na kasalukuyang nakakulong sa Sta. Mesa Police Station.

(JOCELYN DOMENDEN)

73

Related posts

Leave a Comment