DALAWANG Koreano ang namatay makaraang pagbabarilin ng riding in tandem habang lulan ng taxi sa Adriatico Street, Malate, Manila noong Biyernes ng gabi.
Base sa ulat ng Manila Police District, bandang alas-11:30 ng gabi nang makarinig ng mga putok ng baril sa lugar.
Pagkaraan ay natagpuang walang buhay ang dalawang biktima na walang nakuhang identification card para sa kanilang pagkakakilanlan.
Ayon sa nakasaksing barangay tanod, matapos pagbabarilin ay kinuha ng mga suspek ang bag ng mga biktima.
Natagpuan ng mga awtoridad sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang bala ng 9MM kalibreng baril ng mga suspek.
Hinihinala ng pulisya na “hitman” ang bumaril sa mga biktima.
Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen.
(RENE CRISOSTOMO)
112
