2 MANGINGISDA MISSING SA TUMAOB NA MOTORBOAT

NASAGIP ang isang mangingisda habang nawawala ang kanyang dalawang kasama matapos na tumaob ang kanilang bangka habang sila ay nangingisda sa karagatan ng Tayabas Bay nitong nakaraang Linggo.

Ayon sa report, galing sa Dalahican, Lucena City ang tatlong mangingisda at namamalakaya sa laot sa pagitan ng Quezon, Batangas at Marinduque nang hambalusin ng malalaking alon ang bangka at tumaob.

Mapalad namang nakakapit sa tumaob na bangka ang isa sa mga sakay nito na si Alberto Cabiao, 53-anyos, at nagpalutang-lutang sa dagat hanggang sa mapadpad at masagip sa karagatang sakop ng Barangay Estrella, Naujan, Oriental Mindoro.

Ayon kay Cabiao, hindi niya alam kung saan napunta ang dalawa niyang kasama.

Nagsasagawa naman ng search and rescue operation ang mga awtoridad kabilang ang mga tauhan ng PCG, para sa dalawang nawawalang kasama nito. (NILOU DEL CARMEN)

59

Related posts

Leave a Comment