2 NASA DRUG LIST INUTAS SA LAMAYAN

LAGUNA – Kapwa patay ang dalawang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek habang nagsusugal ang mga biktima sa burol ng patay sa kanilang kapitbahay sa Barangay Parian, Calamba City, sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat ng Calamba City Police, kinilala ang mga biktimang sina Anthony Bataller at Ernesto Vista ng nabanggit na lugar, sinasabing nasa drug watchlist ng pulisya.

Napag-alaman, bandang alas-9 ng gabi noong Lunes, habang nagsusugal ang dalawa sa burol ng patay sa kanilang kapitbahay nang biglang dumating ang hindi kilalang mga lalaki at pinagbabaril ang mga ito.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi nabatid na direksyon,

Masusing iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. (CYRILL QUILO)

181

Related posts

Leave a Comment