DALAWA sa tatlong nagpositibo sa COVID-19 nitong Nobyembre 23 sa Navotas City ang namatay, habang isa naman ang naitalang nakarekober.
Umabot na sa 5,252 ang tinamaan ng COVID sa lungsod. Sa bilang na ito, 5,038 ang gumaling, 157 ang namatay at 57 ang active cases.
Samantala, ayon naman sa Malabon City Health Department, 10 ang nadagdag na confirmed cases nitong Nobyembre 23 at 5,742 na ang positive cases, 28 dito ang active cases.
Ang mga bagong kaso ay naitala sa Barangay Baritan (2), Catmon (1), Concepcion (1), Longos (2), Niugan (1), Tinajeros (1), at Tonsuya (2).
Sa kabilang banda, 12 pasyente ang nadagdag sa mga gumaling. Sila ay mula sa Barangay Baritan (3), Concepcion (1), Hulong Duhat (1), Longos (1), Niugan (1), Panghulo (1), Potrero (2), Tañong (1), at Tonsuya (1).
Sa kabuuan ay 5,496 na ang recovered patients ng Malabon at 218 na ang namatay.
Hanggang alas-9:00 ng gabi naman ng nasabing petsa ay 8,089 na ang confirmed cases sa Valenzuela City. Umabot na sa 7,764 ang gumaling, 248 ang namatay at 77 ang active cases. (ALAIN AJERO)
202 