2 NIGERIAN, 4 PA HULI SA DROGA

DALAWANG Nigerian citizens at apat na iba pa ang nadakip sa ikinasang anti-narcotics operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Mabalacat, Pampanga.

Ayon kay PDEA Public Information Office Director Derrick Carreon, bandang alas-11:30 noong Huwebes ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang kanilang mga tauhan sa San Juan Street, Villa Teodora sa Barangay Dau.

Sa nasabing operasyon ay nadakip ng mga operatiba ng PDEA Pampanga Provincial Office ang dalawang Nigerian national na sina Kingsly Anaelechi, 37, at Nelson Okafor Jr., 25-anyos.

Arestado rin sina April Wright, 25; Eric Desuyo, 29; Norwin Carpio, 20; at Ralph Joseph, 25, pawang mga residente ng Mabalacat, Pampanga.

Nakuha sa kanila ang 30 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P204,000; 30 gramo ng marijuana, at dalawang gramo ng kush o high grade marijuana.

Pawang nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JESSE KABEL)

 

146

Related posts

Leave a Comment