2 PATAY, 14 SUGATAN, SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN

SOUTHERN CEBU – Dalawa ang patay habang 14 ang sugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng pampasaherong bus, dalawang motorsiklo at isang cargo truck sa national highway sa Barangay Uling, Naga City, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa report ng Naga City Police, nangyari ang aksidente dakong alas-10:45 ng umaga, nang magkarambola ang limang sasakyan na nagsimula sa delivery truck.

Kinilala ang mga namatay na sina Waynares Dien Parame, 23, driver ng motorsiklo, at ang helper ng truck na si “Junior”.

Base sa CCTV footage, patungo ang truck sa Poblacion nang mawalan ito ng preno at mawalan ng kontrol ang nagmamaneho na si Adonis Espera at nasabitan ang isang nakaparadang jitney bus na nasa kabilang lane.

Bumangga rin ang jitney bus sa isang motorsiklo sa parehong direksyon.

Nabangga rin ng truck ang isang motorcycle scooter na minamaneho ni Parame at saka bumangga sa likuran ng nakahintong pampasaherong bus.

Sa lakas ng impact, nawasak ang unahan ng truck at naipit ang mga pahinante at driver nito.

Sumabog din ang butane gas na dala nito at nasunog ang pahinante na ikinamatay nito.

Dinala sa ospital ang driver ng truck na si Espera at ang isa pang pahinante nito na si John Carlo Flores at ang driver ng isa pang motorsiklo na si Joseph Emmanuel Bacalla, 47-anyos.

Binawian din ng buhay sa ospital ang biktimang si Parame.

Habang dumanas ng minor injuries ang 10 pasahero ng bus.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple injuries and damage to property ang driver ng truck.

(NILOU DEL CARMEN)

334

Related posts

Leave a Comment