2 PATAY, 4 SUGATAN SA PAMAMARIL SA PARAÑAQUE

PATAY ang dalawang indibidwal habang apat ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa basketball court sa isang condominium compound sa Brgy. Marcelo Green sa Parañaque City noong Miyerkoles ng gabi.

Batay sa ulat ng Southern Police District, habang naglalaro ng basketball ang mga biktima dakong alas-8:00 ng gabi ay bigla na lamang nakarinig ng malakas na kalabog

Kasunod nito ay biglang pumasok ang suspek sa main gate ng basketball court at agad na pinaputukan ang grupo ng mga naglalaro.

Kumaripas naman ng takbo sa iba’t ibang direksyon ang mga nanonood sa basketball court para hindi matamaan ng ligaw na bala.

Kaagad tumakas ang suspek palabas ng main gate ng condominium complex matapos ang pamamaril.

Tukoy na ang suspek sa krimen na subject ngayon ng follow-up operations ng mga awtoridad.

(TOTO NABAJA)

43

Related posts

Leave a Comment