2 PEDESTRIANS DEDBOL SA BUNDOL SA QUEZON

QUEZON – Patay ang dalawang lalaking pedestrian sa magkahiwalay na insidente ng bundol sa Maharlika Highway sa mga bayan ng Atimonan at Sariaya sa lalawigang ito.

Bandang alas-9:45 ng umaga nitong Martes nang mamatay ang unang biktimang si Angelito Cabangon Banton, 45, tricycle driver, makaraang mabundol ng isang c habang naglalakad sa gilid ng highway sa Barangay Magsaysay, Atimonan.

Arestado naman ang 53-anyos na driver ng van na si Domingo Lateral, taga Cubao, Quezon City.

Sa Sariaya, Quezon, agad ding namatay ang driver na si Vicencio Llames Jr., 51, matapos na mabundol ng isang hindi natukoy na sasakyan habang papatawid sa highway bandang alas-2:30 noong Martes ng madaling araw sa Barangay Sampaloc 2.

Ang naturang biktima na taga Donsol, Sorsogon ay nagpapahinga lamang sa kanyang ibinibiyaheng sasakyan at patawid sa kabila ng kalsada nang masalpok ng sasakyan na mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Maynila.

Isinugod ito sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Tinutunton pa ng mga aworidad ang driver ng nakabanggang sasakyan. NILOU DEL CARMEN

140

Related posts

Leave a Comment