2 WANTED PERSONS TIKLO SA QCPD

INANUNSYO ni Quezon City Police District (QCPD) director, P/Brig. Gen. Danilo P. Macerin, ang pagkakahuli sa dalawang wanted persons sa bisa ng warrant of arrest, sa anti-criminality operations noong Abril 8 sa Quezon City.

Ayon sa ulat, nadakip ng mga tauhan ng Payatas Bagong Silangan Police Station (PS-13), sa bisa ng warrant of arrest, si Roberto Rivera, 23-anyos, residente sa #228 Gen. Francisco, Brgy. Bagong Silangan, Quezon City, dakong alas-6:45 ng gabi noong Abril 8 sa bahay nito.

Ang suspek ay inaresto dahil sa kasong paglabag sa RA 8353 sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ferdinand Campomanes Baylon, presiding judge ng Branch 77, Regional Trial Court (RTC), National Capital Judicial Region, Quezon City.

Inirekomenda ng korte ang piyansang P120,000 para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Tiklo naman sa Talipapa Police Station (PS-3), sa ilalim ng pamumuno ni P/Lt. Col. Cristine Tabdi, si Rejhomie Jose, 36, residente sa #12, Gloria Taas, Brgy. Tandang Sora, Quezon City, dakong alas-3:40 ng hapon noong Abril 8, sa bahay nito.

Inaresto ang suspek dahil sa kasong paglabag sa RPC Art. 365 o Reckless imprudence resulting in damage to property, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ayn Marie Grace G. Barit-Arig, presiding judge ng Branch 31, MeTC.

Inirekomenda ng korte ang paglagak ng P5,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng suspek. (JOEL O. AMONGO)

180

Related posts

Leave a Comment