200 BARANGAY OFFICIALS SINUSPINDE, KINASUHAN SA SAP

MAHIGIT 200 barangay chairpersons na sinasabing sangkot sa maanomalyang pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) aid nuong kasagsagan ng COVID-19 pandemic ang kinasuhan o nasuspinde, ayon kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año.

Ayon kay Año, umaabot sa 183 barangay chairman ang nahaharap ngayon sa kaso habang may 89 ang kanilang pinatawan ng suspension.

Nabatid sa kalihim na Office of the Ombudsman ang maglalabas ng preventive suspension orders laban sa mga barangay chairman dahil sa nakitang probable cause sa umano’y malversation, corruption, estafa, at graft.

Ang Department of Interior and Local Government (DILG) ay nakatanggap ng 781 complaints, na kinasasangkutan ng 1,259 suspects. Nagsagawa rin ang DILG ng sariling imbestigasyon, ayon sa kalihim.

Bukod dito ang inilabas nilang show cause orders kamakailan laban naman sa 10 mayors na wala sa kanilang mga munisipalidad nang manalasa ang Super Typhoon Rolly sa bansa.

Sa mga nasabing kasong inihain, may 266 dito ang isinampa sa fiscal habang 29 ang ni-refer sa local courts habang ang iba ay sa Office of the Ombudsman.

Mga kasong paglabag sa Republic Act 3019 of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, RA 6713 Code of Conduct and Ethical Standards, and the Bayanihan to Heal as One Act ang isinampa sa mga barangay chairman habang ang iba ay robbery extortion and grave threats. (JESSE KABEL)

216

Related posts

Leave a Comment