SUSPENSIYON NI RODERICK PAULATE PINAGTIBAY NG SANDIGAN

roderick12

PINAGTIBAY ng Sandiganbayan ang naunang ipinataw na 90-araw suspension order kay Quezon City Councilor at aktor na si Roderick Paulate. Kasabay ito ng pagtanggi sa inihaing motion for reconsideration ng kampo ni Paulate, tumatakbong vice mayor sa lungsod, na nahaharap sa mga kasong graft and falsification dahil sa pagkuha umano ng nasa 30 ghost employees sa kanyang tanggapan. Sa resolusyon na may petsang March 29, isinaad ng Seventh Division na kulang sa merito ang inihihirit na mosyon ng 59-year-old celebrity politician. Una nang iginiit ni Paulate na ang pagsuspinde sa kanya…

Read More

PALASYO ‘DI NAGULAT SA PCIJ REPORT SA SALN NI DU30

up12

(NI BETH JULIAN) HINDI na ikinagulat pa ng Malacanang ang ulat ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) kung saan binigyan-diin ang pagtaas ng net worth ni Pangulong Rodrigo Duterte at pamilya nito. Sinabi ni Presidential spokesperson Atty. Salvador Panelo na tuwing election at campaign season nagiging paboritong paksa na ang yaman at ari-arian ng Pangulo at kanyang mga kaanak. Sa ulat ng PCIJ, ipinakikita ang nilalaman ng statement of asset, liabilities and net worth ng Pangulo simula 2007 hanggang 2017 kasama na rito ang SALN ni Presidential daughter Davao…

Read More

MAGKAPATID NA MAYOR, VM HULI SA BARIL, PAMPASABOG

camotes 123

(NI JESSE KABEL) IPINAGHARAP na ng reklamo ang magkapatid na alkalde at bise alkalde ng bayan ng San Francisco, sa Camotes Island, Cebu matapos makuhaan ng mga hindi lisensyadong baril, mga bala at maging pampasabog. Armado ng isang search warrant, sinalakay ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Branch (PIB) ang bahay ni Mayor Aly Arquillano at Vice Mayor Alfredo Arquillano. Nahulihan sila ng hand grenade, caliber .22 rifle, isang magazine ng caliber ng .45 pistol na may limang live ammunition, AR-15 rifle,at  isang live ammunition ng 9mm caliber pistol. Walang…

Read More

ITULOY ANG CENTRALIZED TERMINAL SYSTEM SA MGA PROVINCIAL BUS

BAGWIS

Pabor tayo sa plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na maglagay na lang ng common terminal sa bawat dulo ng Kamaynilaan para sa ating mga provincial bus. Ito naman kasi ang nararapat na sistema dahil talaga namang perwisyo ang dulot ng mga ito lalo na kapag humihimpil sa kanilang sari­ling terminal. Halos araw-araw ay umiinit ang aking bumbunan dahil sa mga provincial bus na may mga terminal sa bandang Taft Avenue malapit sa Buendia dahil pati kalsada ay inaangkin na nila at tinatambayan. Ang resulta ay napakatinding traffic samantalang…

Read More

PIA WURTZBACH, MARLON STOCKINGER HIWALAY NA

pia12

LATE last year pa, umugong na ang balitang hiwalay na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger. Nagsimula ito nang mag-post si Pia sa kanyang social media account ng, “No boyfriend? No problem!” Pero pinabulaanan ni Pia ang nasabing balita. Wala raw siyang sinasabing ganoon. Pero kahapon lang, kinumpirma ng batikang showbiz writer na si Ricky Lo na ang balitang hiwalayan ng dalawa ay totoo. Ito raw ang sagot sa mga tanong kung bakit walang pino-post si Pia lately (larawan man o update) tungkol…

Read More

BILYONG TUBO SA TUBIG MULA SA TUYONG GRIPO

USAPANG KABUHAYAN

Nagulat ang marami nang mag-anunsyo ka­makailan ang magkapatid na bilyonaryo na sina Jaime Augusto at Fernando Zobel de Ayala na inaako nila ang kasalanan sa naging pahirap na water shortage sa milyun-mil­yong residente ng Metro Manila nitong nakaraang buwan at bilang parusa ay inililibre nila ang bayad sa tubig doon sa mga lugar na tinamaan ng total cut-off. Isa ako sa mga hindi magbabayad ng water bill sa buwan ng Marso dahil isang oras kada araw sa loob ng dalawang linggo lang ang aming water supply sa Mandaluyong. Pero sa…

Read More

LUPA NA IPINAMANA NAGLAHONG PARANG BULA!

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, nais ko pong idulog sa inyo ang problema ng aming pamilya sa lupa mula sa aking mga ninuno. Nang mabili po ng lola ko ang property ay hindi nagawang mailipat sa pangalan niya. Sa halip ay ipinagkatiwala namin sa aming abogado ngunit wala pong nagawa. Ngayon ay ayaw na pong ibalik sa amin ang titulo sa pinagtiwalaan namin. Ang mga katanungan ko po ay kung mayroon po bang prescribed period ang pagpaparehistro ng lupa mula nang ito ay nabili at pagsasampa ng kaso? Ang masakit po nito, nang…

Read More

MATAPOS ANG TERMINO; GLORIA MAGIGING CONSULTANT NG PAMPANGA

gma12

(NI BERNARD TAGUINOD) HINDI pa tuluyang magpapahinga sa politika si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo pagkatapos ng kanyang termino bilang congresswoman sa Hunyo 30, 2019 dahil magiging consultant ito ng Pampanga. Nitong Biyernes ay ipinagdiwang ni Arroyo ang kanyang ika-72 taong kaarawan sa kanyang hometown sa Lubao Pampanga na dinaluhan ng ilang ambassador ng iba’t ibang bansa. “Sinabi ni (Pampanga) Governor (Lilia) Pineda na sabihin ko sa inyo na upang patuloy ko pa na matulungan ang Pampanga, ako ay magiging consultant ng probinsya,” ani Arroyo. Layon umano nito na patuloy…

Read More

PA MAGPAPASAKLOLO SA ANTI-CYBER CRIME NG PNP

cyber crime 123

(NI NICK ECHEVARRIA) BALAK ng  Philippine Army na lumapit sa  Philippine National Police (PNP) para hingin ang tulong ng Anti-Cybercrime Group nito upang matukoy at makasuhan ang mga nasa likod ng Pinoy Lulszec hacker. Ang Lulszec  ang grupong umaangkin sa pangha-hack sa data base ng Philippine Army at pinalalabas na nanakaw nila ang mga mahahalagang impormasyon pang-militar ng nabanggit na hukbo. Ayon naman kay Army spokesperson Lt. Col. Ramon Zagala, mga unclassified documents lamang ang nakuha ng Lulszec mula sa mga dump files habang inililipat ito sa isang third party…

Read More