MRT-3 SUMAILALIM NA SA TRACK MAINTENANCE

mrt15

(NI KEVIN COLLANES) SUMAILALIM sa rail grinding activity ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nitong Miyerkoles ng gabi, matapos ang kanilang regular na operasyon. Sa inilabas na advisory ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na dakong 11:00 ng gabi nang simulan ang aktibidad sa northbound tracks ng MRT-3, mula sa Taft Avenue station sa Pasay City hanggang sa Magallanes station nito. Ayon sa DOTr, ang rail grinding ay ikinukonsidera nilang pinaka-epektibong paraan ng track maintenance upang kaagad na makontrol ang epekto ng rail fatigue. Isinagawa ang aktibidad, may dalawang…

Read More

9 KONTRATA SA FOREIGN LOANS REREBYUHIN NG OSG

OSG123

(NI BETH JULIAN) IBINIGAY ng Department of Finance (DoF) sa Office of Solicitor General (OSG) ang lahat ng kontratang pinasukan ng gobyerno kabilang ang loan agreements sa China. Ito ay kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa OSG at Department of Justice (DoJ)  na rebyuhin at pag aralan ang mga kontrata at foreign loans ng bansa at China para matukoy kung may mga paglabag ang mga ito sa Konstitusyon at hindi makabubuti sa mamamayan. Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, nasa siyam na kontrata ang kanilang isusumite sa…

Read More

CHINATOWN SA PQUE, PASAY UMUUSBONG

chinatown12

(NI DAVE MEDINA) MAYROONG umuusbong na bagong pamayanan ng mga Chinese nationals sa southern part ng Metro Manila simula nitong nakalipas na taon. Partikular na nagugustuhan ng mga Chinese mula sa mainland China at Hongkong  na maging lugar ng kanilang tirahan ang mga Lunsod ng Paranaque at Las Pinas dahil sa lapit ng distansya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), malapit sa mga lugar aliwan kagaya ng Entertainment City sa reclaimed area sa ASEAN business and entertainment district, mga hotel, condominium at casino. Sa tala ng Paranaque City at Pasay…

Read More

DFA CONSULAR OFFICE SA SUBIC BAY PLANONG ITAYO

dfa subic

(NI JAY-CZAR DELA TORRE) SUBIC BAY FREEPORT – Balak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magkaroon ng permanenteng consular office sa Freeport upang mas mapagbuti ang paglilingkod sa publiko sa Subic Bay area at sa kalapit na bahagi ng Central Luzon. Inihayag ito ni DFA Assistant Secretary Neil Frank Ferrer matapos magkroon ng passport processing project ang ahensiya sa Harbor Point Ayala mall, sa pakikipagtulungan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). “Ito ay ang aming pangako, ang dalhin ang aming mga serbisyo na mas malapit sa publiko, mas malapit…

Read More

DAGDAG-BAYAD NA INILABAS NG CHED SA MGA STATE U PINALAGAN

ched12

(NI BERNARD TAGUINOD) PINALAGAN ng kinatawaan ng mga Kabataan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 141 fees sa mga State Universities and Colleges na inilabas ng Commission on Higher Education (CHED) na sisingilin pa rin sa mga estudyante. Ayon kay Kabataan party-list Rep. Sarah Jane Elago, hindi makatuwiran ang mga bayaring ito dahil taliwas ito sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act  o Free Education law. “This is contrary to the spirit of the law and the aspiration of millions of Filipino youth and students who campaigned and fought for…

Read More

P86-B NAKOLEKTA NG BIR SA TRAIN ACT

tony lambino12

(NI BETH JULIAN) PUMALO na sa P86 bilyon ang nakolekta ng pamahalaan sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act para sa taong 2018. Mas mataas ito ng 108.1 percent kumpara sa target na P63.3 bilyon na TRAIN revenue collection sa 2018. Sa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Finance Asst. Secretary Tony Lambino, kung performance ng TRAIN revenue ang pag uusapan, magagawa nitong lampasan ang itinakdang target collection kung saan malaking bahagi rito ay nagmula sa tax, documentary stamp at buwis mula sa tobacco products. Samantala…

Read More

CHIN CHIN GUTIERREZ: ISA NANG MADRE NGAYON?

(NI RK VILLACORTA) ISA si Chin Chin Gutierrez sa mga aktres natin noon na bukod sa angking ganda ay magaling sa field ng pag-arte. Pero para sa iba, medyo may pagka-weird ang dating ng aktres sa paniniwala niya na lahat ng bagay (pati mga bato, lupa) ay may buhay. Siya si Chin Chin na iba ang paniniwala sa buhay na hanggang sa bigla niyang paglisan ay nakatatak sa isipan ng publiko na kaiba siya. The last update na nakara­ting sa amin ay nasa isang barangay siya sa isang bayan sa…

Read More

GRAFT CASE VS EX-DOST CHIEF, TULOY

dost12

(NI FRANCIS SORIANO) TINANGGIHAN at patuloy pa rin ang paggulong ng graft case ni dating Science and Technology (DOST) secretary William Padolina kaugnay sa maanomalyang car loan para sa mga empleyado ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice). Ayon sa Sandiganbayan 6th Division na may petsang March 28, nakasaad na bigo ang dating kalihim na makapaghain ng temporary restraining order (TRO) o writ of preliminary injunction mula sa kanyang petisyon sa Korte Suprema. Nakasaad din sa naturang dokumento na maaaring lumakad ang graft case ni Padolina kapag walang nailabas na TRO…

Read More

PNP TIKOM SA UTOS NG SC SA ‘OPLAN TOKHANG’

OPLAN TOKHANG12

(Ni FRANCIS SORIANO) TIKOM pa rin ang bibig ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) matapos maglabas ng resolusyon   ang Supreme Court (SC) hinggil sa datos ng ‘Oplan Tokhang’. Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, hindi pa niya umano nababasa ang nasabing desisyon na inaatasan ang PNP at kung mayroon man ay hihintayin din nila umano ang magiging kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanilang Commander in Chief at ipinauubaya ito sa Office of the Solicitor General. Dagdag pa nito na marami na aniya ang sinampahan ng kaso na kasalukuyan…

Read More