(NI CHRISTIAN DALE) INAANTABAYANAN ngayon ng Malakanyang kung ano ang susunod na mangyayari matapos na maisapubliko ang oust Duterte matrix. Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, bukas ang pamahalaan na maimbestigahan ang matrix upang malaman ang tunay partisipasyon dito ng mga sangkot na indibidwal. Aniya, nakaanbatay lamang ang Malakanyang sa kung ano ang magiging aksiyon ng Justice Department hinggil sa naturang isyu. Nauna nang sinabi ng grupo ng mga abugadong kasama sa matrix na kanila itong kukwestyunin sa Korte Suprema. Samantala, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador…
Read MoreMonth: April 2019
GASTOS NG COMELEC AABONOHAN NG DFA
(NI ROSE PULGAR) INIHAYAG ng Department of Foreign Affairs (DFA) na magpapaluwal muna sila sa gagastusin sa pagpapadala ng balota para maipadala na sa mga Filipino na rehistradong overseas voters sa kanilang gagamitin para makaboto sa eleksyon. Ito ay habang wala pang ibinibigay ang Commission on Elections (Comelec) na pondo para sa postage fees o para sa pagbili ng stamps at gastos sa pagpapadala ng balota sa koreyo. Nabatid na naantala ang Comelec sa pagreremit sa DFA ng pondo para sa postage fees dahil sa natagalan na pagsasabatas ng 2019…
Read More‘PERMIT TO CAMPAIGN’ FEE NG NPA BINABALEWALA NA
(NI JUN V. TRINIDAD) LUCENA CITY – Dalawang linggo bago isagawa ang eleksyon, karamihan sa mga kandidato sa Southern Tagalog region ay malayang nakakapangampanya kahit na hindi nagbayad ng “permit to campaign” (PTC) fee sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA). “Base sa aming impormayon at patuloy na monitoring, kakaunti lang sa mga kandidato ang naging biktima ng extortion ng NPA,” pahayag ni Major General Rhoderick Parayno, commander ng Army’s 2nd Infantry Division, sa panayam noong Biyernes. Ang operasyon ng Army’s 2nd ID ay sumasakop sa Calabarzon (Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon) at sa mga islang lalawigan…
Read MoreOFWs DAGSA SA TAIWAN, PERO PINAS ‘LAGPAK’ SA TAIWAN
(NI NELSON S. BADILLA) MAHIGIT 60 porsyento ng mga dayuhang manggagawa sa Taiwan ay overseas Filipino workers (OFWs), ngunit nasa 3% lang ang puhunang inilagak ng Taiwan sa Pilipinas. Ibinunyag ito ni Dr. Kristy Hsu, direktor ng Taiwan Asean Studies Center sa Chung Hua Institution for Economic Research (Chier), sa isinagawang symposium na inilunsad kamakailan ng Philippine Institute for Development Studies, Philippine APEC (Asia-Pacific Economic Cooperation) Study Center Network at ng Chier. Ani Hsu, nasa 122,000 lahat ang OFWs sa Taiwan na higit 60 porsiyento ang lawak kumpara sa bilang…
Read MoreALAGANG HAYOP PWEDE NA SA PUV
(NI DAHLIA S. ANIN) NAGLABAS ng memo ang mga transport official na papayagan nang makasakay sa Public Utility Vehicle (PUV) ang mga alagang hayop na nais isama ng kanilang amo sa byahe. Sa Memorandum Circular No. 2019-019 na may petsang April 15 na inilaba sa publiko noong Biyernes mula Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), papayagan nang sumakay sa mga PUV ang mga alagang hayop ngunit dapat ay nasa tama silang lagayan (carrier/carriages) at ilalagay sila sa mga nakalaan na compartment kung may ibang pasaherong kasabay. Nakasaad din sa…
Read MoreSHIPMENT NG ELECTION PARAPHERNALIA MATATAPOS NA
(NI MINA DIAZ) UMAASA ang Commission on Elections (Comelec) na matatapos nila sa susunod na linggo ang shipment ng mga gagamitin sa May 13 midterm elections. Ito ay matapos ang paglilimbag ng mga balotang gagamitin para sa darating na halalan na aabot sa 61 milyon. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, kasalukuyan nang isinasagawa ang pagbiyahe sa mga gagamiting election paraphernalia sa mga malalayong lugar sa bansa. Sinabi ni Jimenez na ihuhuli na ang paghahatid ng mga gagamitin sa mga malalapit na lugar tulad ng iba’t ibang lugar sa National…
Read MoreMAHIGIT 200 AFTERSHOCKS NAITALA SA SURIGAO
(NI DAHLIA S. ANIN) MATAPOS tumama ang isang 5.5 magnitude na lindol sa Surigao noong Biyernes ng hapon, nakapagtala na ang Phivolcs ng mahigit na 200 aftershocks. Ayon sa Phivolcs, tatlo lamang mula sa 200 na ito ang naramdaman ng mga tao sa lugar. Ang lindol ay nagmula sa paggalaw ng tectonic plates na may lalim na 11 kilometro. Ang sentro ng lindol ay naitala sa 70 kilometro TimogSilangan ng General Luna sa Siargao Group of Island at naganap ito ng ala-1:26 ng hapon. Naramdaman din ang Intensity II na…
Read MoreINSPEKSIYON SA MGA KOMPANYA IKINASA NG DOLE
(NI FRANCIS SORIANO) DAHIL sa naganap na magnitude 6.1 na lindol ay magsasagawa na ng inspeksyon ang Department of Labor and Employment (DoLE) sa dalawang kompanya na inireklamo dahil sa hindi pagsunod sa safety protocols. Ayon kay Assistant Labor Secretary Benjo Benavidez, may mga inspectors na sila na ipakakalat para sa iberepika ang mga ulat na natatangap ng ahensiya. Ito’y matapos ang sunud-sunod na reklamo ng ilang grupong manggagawa ng ilang mga kompanyang ayaw munang banggitin na pinabalik agad ang kanilang empleyado matapos ang lindol. Dagdag pa ng ahensiya, dapat…
Read MoreVICE, ANNE SANIB-PWERSA SA MMFF 2019 MOVIE!
(NI JONATHAN ANG) MALAMANG maging blockbuster sa Christmas Season ang pagsasanib-pwersa nina Vice Ganda at Anne Curtis. Malamang din na pang-MMFF ang first major film nilang dalawa together dahil Kapaskuhan ang target showing date nito. Matapos magbida sa magkahiwalay na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entries, namely Fantastica and Aurora, magkakasama sina Vice at Anne sa isang pelikulang wala pang working title, ayon pa kay James Banaag ng ABS-CBN Films. Abangan natin ang iba pang developments in the coming days tungkol sa film na ‘to ng dalawang regular “It’s…
Read More