(Ni BOY ANACTA) NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang mahigit P8.9 milyong halaga ng smuggled na bigas mula sa Vietnam sa Port of Cebu noong Huwebes. Ang white rice na nakalagay sa 10 containers ay naka-consign sa Sagetics Enterprises na dumating sa daungan noong Nobyembre 12. Sa ginawang physical examination ni Customs Examiner Marc Henry Tan kasama ang mga miyembro ng Department of Agriculture Compliance and Regulatory Enforcement for Security and Trade Office (CRESTO), Bureau of Plants Industry at Philippine Drug Enforcement Agency nitong Disyembre 19, natuklasan na lima sa sampung containers ay naglalaman ng misdeclared ‘goods of glutinous rice’ o super malagkit. Nagpalabas ng Warrant…
Read MoreMonth: December 2019
MANILA WATER, MAYNILAD NAGPATAAS NG RATING NI DU30
(NI BERNARD TAGUINOD) NANINIWALA ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na ang pagkabog ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga oligaryo tulad ng Maynilad at Manila Water ang isa sa mga nagpataas sa kanyang ratings lalo na sa hanay ng mga mahihirap. “These trust ratings quantify the massive political capital President Duterte has and which he is willing to use against the oligarchs who have controlled Filipino lives for far too long, ani BH party-list Rep. Bernadeth Herrera. Base sa Pulse Asia survey, mula sa 75% na approval rating na ibinigay…
Read MorePADALA DUMAGSA DAHIL SA TAX-FREE BALIKBAYAN BOXES; GUIDELINES NILINAW NG BOC
MULING nilinaw ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang ipinalabas na guidelines kaugnay sa pagpapadala ng duty and tax free balikbayan boxes dahil na rin sa pagdagsa ng mga ito. Ayon sa BOC, sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), ang nagbabalik residente – overseas filipino workers (OFWs) at iba pang Filipino na residente na sa abroad, sa pagbabalik nila sa Pilipinas ay pinapayagang magdala o magpadala ng duty and tax-free balikbayan boxes sa kanilang pamilya o kamag-anak. Kasama sa pribilehiyong ito ang Qualified Filipinos While Abroad na OFWs na may valid passports na…
Read MoreP141-M SHABU NASABAT SA NAIA
MULING nakaiskor ang Bureau of Customs nang masabat ang panibagong kontrabando ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P141 milyon noong Miyerkoles sa loob ng FeDex warehouse sa Pasay City. Sa report na natanggap ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero mula kay Port of NAIA (Ninoy Aquino International Airport) District Collector Carmelita Talusan, nadiskubre ang mga pinaghihinalaang shabu na idineklarang speakers na galing sa United States of America matapos itong isailalim sa physical examination ng mga BOC personnel. Tumambad sa pinagsanib na elemento ng BOC, NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga kontrabando na ilegal na droga o shabu na umaabot sa 20.8 kilos na…
Read MoreMODERNONG TEKNOLOHIYA PARA SA IKABUBUTI NG SISTEMANG PANGHUKUMAN
Sa tingin ko ay nasa isip ng lahat na nangunguna ang Japan sa pag-develop at paggamit ng artificial intelligence (AI) upang punuan ang kanilang kakulangan sa manggagawa at gumamit ng mga robot upang gawin ang mga madadali at paulit-ulit na uri ng trabaho. Pero alam ninyo ba na pati ang China, kahit na ba sila ang may pinakamalaking populasyon sa mundo, ay pumasok na rin sa eksena at gumagamit na rin ng AI upang ma-automate ang mga serbisyong legal sa ilang mga komunidad nito? Nalaman ko lang din ito mula…
Read MoreBORACAY BALIK BILANG ISA SA WORLD’S BEST ISLANDS
(NI PAOLO SANTOS) BUNGA ng isinagawang rehabilitasyon sa isla ng Boracay at sa ilang buwang pagsisikap ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) muling naisaayos ang isla na tinawag noong “cesspool,” at muli itong itinanghal na isa sa best islands sa buong mundo ngayong taon. “We couldn’t be more proud of what Boracay has become after one and a half years of rehabilitation,” sabi ni Environment Secretary at BIATF chair Roy A. Cimatu. Ayon sa Conde Nast Traveler na kinikilala at pinagkakatiwalaan sa larangan ng lifestyle travel, ang Boracay ang best…
Read MorePNP HANDANG IPATUPAD ANG CEASEFIRE
(NI NICK ECHEVARRIA) HANDANG ipatupad ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang hanay ang 15 araw na ceasefire sakaling ipag-utos ito ng Pangulong Rodrigo Duterte ngayong holiday season. Reaksiyon ito ni PNP spokesperson P/BGen. Bernard Banac sa joint statement na ipinalabas ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) panel na nagrerekomenda sa Duterte administration at Communist Party of The Philippines ng unilateral at reciprocal nationwide ceasefire mula December 23, 2019 hanggang January 7, 2020. Nakasaad sa joint statement na ipinalabas…
Read MoreLTFRB INUPAKAN SA PAGTANGGAL SA HIGIT 17-K ANGKAS DRIVERS
(NI BERNARD TAGUINOD) BINAKBAKAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang opisyales ng Land Transportations Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos bawasan ang Angkas riders ng mahigit kalahati. Tinawag ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na “Grinch” ang mga opisyales dahil 10,000 Angkas riders lamang ang pinayagang maghanapbuhay mula sa kasalukuyang 27,000. “The Grinches in LTFRB just stole the cheers of Christmas from thousands of Angkas drivers who would be jobless come 2020,” ani Gaite. Sinabi ng mambabatas na hindi lamang ang mga Angkas drivers na inalisan ng hanapbuhay ang…
Read MoreZERO FOOD WASTE ISINUSULONG
(NI DANG SAMSON-GARCIA) NAIS ni Senador Lito Lapid na mabawasan, kung hindi man, tuluyang mawala ang pagsasayang ng tone-toneladang pagkain sa bansa. Sa kanyang Senate Bill 1242, nais ni Lapid na magkaroon ng regulatory system para sa promosyon, pamamahala at paniniyak na mababawasan ang food waste sa pamamagitan ng redistribution at recycling. Ito ay makaraang lumitaw sa 2018 Global Food Security Index (GFSI), na sa 113 bansa, nasa ika-70 pwesto ang Pilipinas sa antas ng seguridad sa pagkain makaraang makakuha ng score na 51.5 out of 100 dahil sa isyu…
Read More