IPINANGANGALANDAKANG MAY KAPIT SA CITY HALL AT QCPD FUN HOUSES SA QC MATIBAY ANG PADRINO?

MALAKAS umano sa lokal na pamahalaan sa Quezon City ang padrino ng mga bahay aliwan na may bold shows sa iba’t ibang lugar sa nasabing siyudad. May inisyal umanong “PM” at nagmamay-ari rin ng establisyemento at naging presidente ng samahan ang padrinong ito ng mga bahay aliwan sa Quezon City. Kung kayat hindi matitinag-tinag ang mga bearhouse o club na may bold shows dahil sa koneksyon ni alyas PM sa Quezon City government. Nabatid din na malakas din umano kay Quezon City Police District (QCPD) Director Sr. Supt. Ronnie Montejo…

Read More

APO KAY SARAH MAGPAPALAMBOT NG PUSO NI MOMMY DIVINE

JUST what can soften the heart of Mommy Divine on her daughter Sarah Geronimo? Answer: Apo. Nine months from now, or roughly, ay tiyak na mararanasan din ng Popstar ang maging isa ina maliban na lang kung wala pa silang planong magkaanak ng asawang si Matteo Guidicelli. Baka rin kasi may “pregnancy clause” sa ilang kontrata ni Sarah which does not allow her to carry a child, hindi natin alam. Kung ano’t anuman, of course, the next beautiful thing na inaabangan ng lahat ay ang napipintong pagbubuntis ng singer-actress. At…

Read More

JM DE GUZMAN MALAKI ANG TAKOT SA AMA

NAGKAROON ng hindi pagkakaunawaan si JM de Guzman at ang ama sa loob ng dalawang taon. Kinailangan pa umanong magkaroon ng mamamagitan na ibang tao bago pa tuluyang nagkaayos ang mag-ama. “’Yung huling away namin took us two years to process everything. Kasi ‘yung ‘hukay’ is malalim, since bata pa ako eh. So may kinailangan na mag-mediate like social worker para mag-meet halfway, magkaroon ng empathy,” pagtatapat ni JM. Kamakailan ay naging emosyonal ang aktor sa ‘Magandang Buhay’ nang marinig ang mensaheng ibinigay ng ama. “I always thrive to be…

Read More

JAMES BINIBENTA NA ANG BAHAY NILA NI NADINE

TAONG 2017 nang unang umugong ang balitang nagli-live in na ang magkasintahang James Reid at Nadine Lustre. Dahil sa isyu ding ito kaya nasambit ni Nadine ang mga katagang, “Come on, guys, it’s 2017!” Oo nga naman, 2017 na! Eh 1970s pa yata nauso ang living in o ang pagsasama ng dalawang taong hindi pa kasal. Pero noong taong iyon, hindi pa nila inamin ang kanilang pagli-live in. Nangyari lang ito noong March 2019 na – sa interview ni James sa “Gandang Gabi Vice” kung saan siya “nadulas” nang sabihin…

Read More

2 GRADE 10 STUDENT PATAY SA TRUCK

ISABELA – Patay ang dalawang Grade 10 student na binatilyo makaraang salpukin ng dump truck habang sakay ng kolong-kolong, iniulat nitong Martes sa lalawigang ito. Kinilala ang mga biktimang sina Hanz Charlie Viado at Jhonrence Esquivel, kapwa 16-anyos, at residente ng Rizal, Roxas, Isabela. Hawak naman ng pulisya ang suspek at driver ng dumptruck na kinilalang si Danilo Anog, 49-anyos at residente ng Sinamar, Roxas, Isabela. Batay sa report ng Roxas Police Station, nangyari ang insidente sa San Placido, Roxas, Isabela. Lumabas sa imbestigasyon, minamaneho ni Viado ang kolong-kolong sakay…

Read More

SUSPEK NA HOLDAPER NA KARNAPER PA NALAMBAT

11-ANYOS HINOLDAP ARESTADO ang isang lalaki dahil sa ibinibentang nakaw na motorsiklo, nakumpiskahan ng umano’y shabu at nangholdap ng isang 11-anyos na batang babae sa Valenzuela City, noong Lunes ng tanghali. Nahaharap sa kasong robbery holdup in relation to RA 7610 (child abuse), paglabag sa RA 6539 (Anti-Carnapping Act of 1972) BP 6 (illegal possession of bladed weapon) at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang arestadong suspek na kinilalang si Enrique Beranio Jr., 29, ng NPC Sukaban, Bagbaguin, Caloocan City. Sa report ni P/Cpl. Christoper Quiao sa…

Read More

SPA SA MAKATI P3-K ANG ‘SEX FEE’

13 BABAE NASAGIP SA RAID NAHULI sa akto ang isang therapist na magsasagawa ng ‘sexual extra service’ habang nasagip ang 13 iba pa sa isinagawang operasyon ng mga pulis sa isang spa sa Brgy. Poblacion, Makati City, nitong Martes ng madaling araw Sa pagitan ng ala-una at alas-tres ng madaling araw, maingat na isinagawa ng mga tauhan ng Makati SIDMS, sa pangunguna ni Police Major Gideon Ines Jr. at ng Women and Children’s Protection Section, sa pangunguna ni P/Lt. Mylene Juan, ang rescue operation sa mga massage therapist sa SPA…

Read More

PARA BALIKAN NG KA-LIVE-IN, LOVER BOY PUMATAY NG KAANAK

KORONADAL City – Sa ngalan ng pag-ibig, pinatay ng isang isang lalaki ang mag-asawang kanyang kaanak, iniulat nitong Martes ng umaga sa lungsod na ito. Ang nadakip na suspek ay kinilalang si Paul John Membrado, 19-anyos, obrero at residente ng Prk. Maligaya, Brgy. Magsaysay, Koronadal City. Habang kinilala naman ang mag-asawang pinatay na sina Arturo Aquino, 68, isang retiradong opisyal ng Philippine Army, Erlinda, 75, retired midwife, at kapwa residente sa nasabing lugar. Batay sa report ng Koronadal PNP, nadakip ang suspek nitong Lunes ng gabi sa isinagawang follow-up operation sa…

Read More

6 DRUG SUSPECTS SUMUKO 

MAGUINDANAO – Sumuko sa mga tauhan ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army sa Rajah Buayan sa lalawigang ito, ang anim na drug personalities nitong Lunes. Kasamang isinuko ng anim na mga suspek na pansamantalang hindi muna ibinunyag ang mga pangalan para sa kanilang seguridad, ang limang malalakas na kalibre ng armas. Ang anim na mga suspek na sangkot sa operasyon ng ilegal na droga sa Central Mindanao, ay boluntaryong sumuko matapos mahikayat ni Lt. Col. Elmer M. Boongaling, commanding officer ng 33IB at PNP Maguindanao. Sa isang simpleng seremonya,…

Read More