BULACAN – Arestado ang isang Science teacher makaraang ireklamo ng sextortion ng isang grade 9 student nang magbanta ang suspek na ikakalat sa social media ang kanyang hubad na larawan at video kapag hindi nakipagkita para makipagtalik sa abandonadong gusali ng Department of Education sa Barangay Guinhawa, Malolos City sa lalawigang ito, nitong Huwebes ng gabi. Kinilala ng pulisya ang suspek na si Lester Torres, 32, guro ng hindi pinangalangang eskuwelahan sa Malolos, inireklamo ng biktimang itinago sa pangalang Alma, 15-anyos na estudyante at residente rin ng lungsod. Ang suspek…
Read MoreMonth: February 2020
GUILTY SA PANANAKIT SA MISIS, NAGBIGTI
CAPIZ – Nagbigti ang isang mister dahil sa labis na pagdaramdam nang hindi pansinin ng kanyang misis ang paghingi niya ng paumanhin makaraang saktan ang ginang iniulat nitong Biyernes ng umaga sa probinsiyang ito. Kinilala ang biktima si alyas Tata, 37-anyos, residente ng Barangay Mainit, Cuartero, Capiz. Ayon kay Police Executive Master Sergeant Richard Franco, ng Cuartero PNP, natagpuan ang biktima habang nakabigti sa kusina ng kanilang bahay. Ayon sa imbestigasyon, umuwing lasing ang biktima at tinawag ang kanyang misis para hainan siya ng pagkain. Ngunit hindi siya pinansin ng…
Read MoreKOLEKTOR NG ODICTA DRUG GROUP, INILIGPIT
BACOLOD City – Hinihinalang iniligpit ang kolektor ng Odicta Drug Group makaraang matagpuan ang bangkay nito na tadtad ng bala at nakagapos ang mga kamay, iniulat nitong Biyernes ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang biktimang si Nathan Zerrudo ng Pavia, Iloilo, sinasabing collector ng Odicta Drug Group sa lungsod ng Iloilo, at kapatid ni Levy Zerrudo na kanang kamay ni alyas Dragon, pinuno ng nasabing sindikato. Batay sa report ng Bacolod Police Station-9, natagpuan ang bangkay ng biktima sa Purok Katipunan, Barangay Cabug na walang pang-itaas na damit,…
Read MoreEstudyante buking ng titser MARIJUANA SA LUNCH BOX
BULACAN – Kalaboso ang isang 16-anyos na estudyante makaraang madiskubre ng kanyang guro ang 21 piraso ng marijuana na binalot sa school paper at inilagay sa kanyang lunch box sa bayan ng Pulilan sa lalawigang ito. Base sa ulat na ipinadala sa Camp Alejo Santos ng Pulilan police, nagsagawa ang isang guro ng surprise inspection sa kanyang mga estudyante sa isang eskwelahan na hindi pinangalanan, bandang alas-3:40 ng hapon bilang parte ng school policy. Bunsod nito, nadiskubre ng guro ang marijuana sa loob ng lunch box ng suspek. Agad ipinaalam…
Read MoreDumiskarte ng pang-honeymoon, kasal naudlot BRIDE AND GROOM HULI SA P9-M SHABU
DAVAO City – Imbes na sa simbahan ay humantong sa selda ang pagmamahalan ng magkasintahan na ikakasal sana nitong Valentine’s Day, makaraang makumpiskahan ng tinatayang P9 milyong halaga ng ilegal na droga sa lungsod na ito. Arestado sa buy-bust operation ang mga suspek na sina Bembol Rabosa Papata at Jeanet Narcelo Saicon, pawang 46-anyos at mga residente ng Brgy. Pindasan, Mabini, Davao De Oro, gayundin ang kasama nilang si Rex Jocotmaya Comaña, 28-anyos, pawang mga residente ng Tagum City. Ang mga suspek ay nadakio ng mga tauhan ng Sta. Ana…
Read MoreNEGOSYANTE, PULIS ITINUMBA SA MAYNILA
PATAY ang isang negosyante at pulis makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa magkahiwalay na lugar sa Manila nitong Huwebes. Sa Sta. Cruz, Manila, patay ang isang 33-anyos na negosyanteng babae matapos tambangan habang sakay ng kanyang motorsiklo nitong Huwebes ng hapon. Kinilala ang biktimang si Mary Grace Li y Sandoval, isang online seller at residente sa Sta. Cruz, Manila. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas. Batay sa ulat ni Det. Richard Escarlan, bago mag-alas-4:00 ng…
Read More5 BUMBAY LAGLAG SA BI
ARESTADO ng intelligence agents ng Bureau of Immigration (BI) sa Mindanao kamakailan, ang limang Indian nationals na ilegal na naninirahan sa bansa. Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga dayuhan ay nadakip sa Davao City noong nakaraang Pebrero 4 sa operasyong isinagawa ng mga operatiba mula sa BI Intelligence Division Mindanao Task Group (MTG), sa pangunguna ni Intelligence Officer Melody Gonzales. Sinabi ni Morente, inisyu ang mission order na nag-awtorisa sa BI agents matapos makatanggap ng reklamo mula sa Davao City residents na may mga Indian na may notorious…
Read MoreRido, droga, politika SINISILIP SA PAGPATAY KAY MAYOR SABAL
BUMUO ng Special Investigation Task Group (SITG) ang Manila Police District (MPD) na tututok sa imbestigasyon hinggil sa pagpatay kay Talitay Mayor Abdul Wahab Sabal. Ito ang ipinahayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/MGen. Debold Sinas sa press briefing sa Station 10 ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Biyernes ng umaga. Si MPD Director P/BGen. Bernabe Balba ang mamumuno sa binuong SITG na siyang nangunguna sa imbestigasyon sa kaso ng pagpatay sa nabanggit na alkalde. Sinabi ni Sinas, tatlong anggulo ngayon ang kanilang sinisilip sa krimen tulad…
Read MoreNAKASAGASA SA 7 ESTUDYANTE, ADIK
NAGPOSITIBO sa paggamit ng ilegal na droga ang driver ng pampasaherong jeep na nakasagasa ng tumatawid na mga estudyante sa JP Rizal St. sa Makati City noong Huwebes. Bukod sa pagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga, wala ring driver’s license na dala ang driver na si Crizalde Tamparo dahil bago ang insidente noong Huwebes ay nahuli na siya at naka-aksidente rin kaya kumpiskado ang kanyang lisensya. Bagama’t nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga sa unang test, sinabi ni Makati police chief, Col. Rogelio Simon na isasailalim pa ang…
Read More