NAGPISTA ang mga rice importer sa unang taon ng implementasyon ng Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law matapos umabot sa 3 million metric tons ang kanilang inangkat na bigas sa ibang bansa. Ito ang napag-alaman kay dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao kasabay ng kanilang kilos protesta laban sa bansa na nagpabagsak aniya sa mga magsasakang Pinoy. Ayon sa mambabatas, noong 2017, 6.56% umano sa total supply ng bigas sa bansa ang inangkat ng mga rice importer at tumaas ito ng 13.83% noong 2018 subalit mas lumala noong…
Read MoreMonth: February 2020
KAHIT MAAGANG MAGRETIRO NARCO COPS SWAK PA RIN SA KASO
HINDI kaligtasan para sa mga pulis na isinasangkot sa droga ang pagreretiro na iniaalok ng pamunuan ng PNP. Ito ang paniniwala ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa gitna ng batikos sa Pambansang Pulisya dahil sa pagtanggi na isapubliko ang listahan ng umano’y narco cops. Taliwas naman sa naunang pahayag ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa na hindi niya ikukonsiderang pag-amin sa kasalanan kung kakagatin ng ilang pulis ang alok na maagang pagreretiro, sinabi ni Sec. Panelo na kung tatanggapin ang optional retirement, pag-amin ito na sangkot talaga sa ilegal na…
Read More‘RED CARPET’ KAY TADURAN
KATULAD ni eight-division world champion Manny Pacquiao, natikman din ng sumisikat na si Pedro Taduran Jr, ang ‘red carpet welcome’ sa opisina ng Games and Amusement Board (GAB) sa Makati City. Walang alingasngas ang pagbabalik-bayan ng 23-anyos na pambato ng Libon, Albay ngunit siniguro ni GAB Chairman Abraham “Baham” Mitra, kasama sina Commissioner Ed Trinidad, Mar Masanguid at mga empleyado ng pro boxing agency, na matitikman ng Pinoy champion ang hero’s welcome. “Masayang-masaya po ako. Hindi ko akalain na bibigyan ako ng ganitong programa ng GAB,” wika ni Taduran. “Umasa…
Read MoreMagdamagang MPBL Lakan All-Star: SOUTH WAGI vs NORTH
SINIMULAN ng Huwebes ng gabi at natapos ng Biyernes ng madaling araw ang Chooks-to-Go MPBL Lakan Season All-Star Extravaganza sa MOA Arena, kung saan nagtala ang South ng 126-122 overtime win kontra North team. Si Batangas City Athletics guard Jeff Viernes ay kumamada ng pitong puntos, kasama ang huling apat para pangunahang muli ang Southerners laban sa Northerners, na kanila ring tinalo noong nakaraang taon, 109-84. Tinapos ni Viernes ang laro na may 28 points, six rebounds, six assists at two steals para hiranging MVP na may kaakibat na P50,000.…
Read MoreBINIBINING MARATHONER PAPARADA
BILANG paggunita sa Women’s Month, magkakaroon ng Binibining Marathoner 2020 sa MOA ground sa Marso 15. Ang Bb. Marathoner ay bukas sa mga babae at may pusong babae, ayon sa Cribs Foundation. Maliban sa 42.195-km marathon, mayroon ding 21-km, 10-km, 5-km, at 3-km Munting Bb. Marathoner para naman sa mga kabataang makikilahok sa event. May temang New Beginnings ngayong taon ang programa ng Cribs, na patuloy na tumutulong sa mga inabusong kabataang babae. At dahil Marso ay Buwan ng Kababaihan, nais ng Cribs na palakasin ang papel ng mga Piinay sa…
Read MorePagkansela sa Fiba Asia qualifier PABOR SA GILAS–DICKEL
NANGHIHINAYANG si Gilas Pilipinas interim head coach Mark Dickel sa pansamantalang pagkansela sa Fiba Asia Cup 2021 qualifying game kontra Thailand na nakatakda sana sa Pebrero 20. Ngunit gagamitin umano nila ang pagkakataon upang mas makapagprepara para sa naturang game. Ang mas importante, ayon kay Dickel: “Whenever the dates are, we will be more prepared.” Ipinagpaliban ng Federation International Basketball Association (FIBA) ang unang tatlong laro ng Asia Cup Qualifiers bunga pa rin ng coronavirus outbreak. Inihayag ng FIBA ang desisyon sa official twitter account nito. “Due to the current…
Read MoreANG TOTOONG MALAYANG PAMAMAHAYAG
MATAGAL nang suliranin ang malayang pamamahayag sa bansa. Panahon pa ng paghahari at kontrol ng imperyong Kastila sa Pilipinas mula Ika-16 na siglo hanggang Ika-19 na siglo ay isyu na ang malayang pamamahayag sa bansa. Noong panahon ng Kastila, totoong walang malayang pamamahayag sa Pilipinas. Isang kongkretong halimbawa rito ay ipinasara ng pamahalaang Kastila sa Pilipinas ang pahayagang Kalayaan ng K.K.K. Hindi nagustuhan ng mga Kastila at pamunuan ng Simbahang Katoliko ang sobrang tapang at napakatalas na mga artikulo, tula at balitang inakda nina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto at Pio…
Read MoreVFA SA CHINA, NO WAY
HINDI eksperto ang inyong DPA as in Deep Penetration Agent sa usapin ng national security pero bilang Filipino mayroon akong sariling opinyon at mga katanungan na alam kong hindi lahat ay sumasang-ayon hinggil sa plano ng gobyerno na buwagin ang Philippine – US Visiting Forces Agreement (VFA). Kapag tuluyan bang nawala ang presensya ng mga Amerikano sa Pilipinas, ang papalit ba ay ang People’s Liberation Army (PLA) ng China na matalik na kaibigan ni Pangulong Rodrigo Duterte? Hindi iyan malayong mangyari dahil sa ‘magandang relasyon’ ni Duterte sa China sapagkat…
Read MoreBODYGUARD NG MAYOR, TODAS SA KASAMAHAN
MASBATE – Patay ang isang bodyguard ni Mayor Arturo Virtucio ng bayan ng Aroroy sa lalawigang ito, makaraang barilin ng kanyang kasamahan matapos magkasagutan dahil sa pagkapikon ng suspek, nitong Huwebes ng madaling araw. Hindi umabot nang buhay sa Masbate Doctors’ Hospital ang biktima kinilalang si Renato Ragas, 42, civil security sa office of the Mayor ng Aroroy at residente ng Barangay Puro sa nabanggit na bayan, habang arestado naman ang suspek na si Julius Torres, 26-anyos. Sa imbestigasyon ng Aroroy Municipal Police Station (MPS) sa Police Regional Office (PRO) 5,…
Read More