HINDI simpleng kaso ang inihaing petisyong quo warranto ni Solicitor General Jose Calida sa Supreme Court (SC) laban sa ABS-CBN Corporation noong Pebrero 10, kaya hindi agad ibinasura ng mga mahistrado ang petisyong nagpapawalang bisa sa prangkisa ng nasabing numero unong broadcast company sa bansa. Ayon kina Rep. Rufus Rodriguez at Rep. Edcel Lagman, mahuhusay na abogadong kasapi ng mababang kapulungan ng Kongreso na pabor sa pagbibigay ng panibagong prangkisa sa ABS-CBN, mali ang petisyong quo warranto ni Calida dahil hindi “trier of facts” ang SC. Maraming abogado ang sumang-ayon…
Read MoreMonth: February 2020
MANDALUYONG JUDGE SWAK SA KASO
Pinapanagot sa paghawak sa P23-B SPPC case IREREKLAMO sa Korte Suprema at posibleng kasuhan pa ng usurpation of authority ang isang judge sa Mandaluyong Regional Trial Court dahil sa paghawak sa P23.9 Billion case na isinampa ng South Premier Power Corp (SPPC) laban sa Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM). Ito ang nabatid kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor, chairman ng House committee on public accounts na nag-iimbestiga sa P95 billion utang ng mga energy sector player sa PSALM. Sa pagdinig ng komite ni Defensor, hindi nagustuhan Leyte Rep. Vicente…
Read MoreBAGO MAMBIKTIMA NG PINOY POGO ISARA-SOLON
NANGANGAMBA ang mga mambabatas sa mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso na ang susunod na bibiktimahin ng mga Chinese criminal sa Pilipinas ay mga Filipino na mismo. Ito ang dahilan kaya umapela si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap sa mga otoridad na paigtingin ang kampanya laban sa Chinese criminals upang maibalik ang mga ito sa China sa lalong madaling panahon. “Kailangang maibalik agad sa China dahil kung mananatili ang mga iyan sa Pilipinas baka hindi lang ang kanilang kababayan ang bibiktimahin nila kundi mga Filipino na,” ani Yap. Ginawa…
Read MorePCL ELECTION NATIGIL SA DAYAAN
Pera ng bayan nasayang DAYAAN ang tinumbok na dahilan upang ipatigil ang halalan ng Philippine Councilors League (PCL) nitong Huwebes. Nadiskubre ng mga konsehal na mga taga-suporta ni Konsehal Jesciel Richard Salceda ng Polangui, Albay na mayroong “software glitches” sa isasagawang eleksyon nitong Huwebes. Nakita at nakumbinsi ang mga konsehal na minanipula ng kampo ni Konsehal Danilo Dayanghirang ng Davao City ang software na pumabor sa huli, sapagkat ang lumalabas na pangalan matapos ipasok ang pangalan ni Salceda ay Dayanghirang. “When you’re going to vote on a name of one…
Read MorePOC MAY EXTRA BUDGET SA OLYMPIC QUALIFIERS
NAGLAAN ang Philippine Olympic Committee (POC) ng emergency funds para sa posibleng pagbabago sa mga venue ng qualifying events sanhi ng coronavirus disease. Sinabi ni POC deputy secretary general at Ormoc mayor Richard Gomez, may plane tickets na ang mga atletang sasali sa qualifiers sa ibang bansa, pero dahil sa nasabing virus outbreak, may mga adjustment sa venue na paggaganapan ng qualifiers. “The Philippine Olympic Committee is also preparing extra funds together with the PSC (Philippine Sports Commission). Meron tayong naka-allot na funds sa ibang country. ‘Yung iba kasi may…
Read More10TH RONDA PILIPINAS: OCONER KAKAPIT SA LIDERATO
TARLAC CITY —Marami ang nagduda kung kayang magkampeon sa Ronda Pilipinas ng dating miyembro ng pambansang koponan at batang continental team na Go-for-Gold na si George Oconer. Kabilang ngayon si Oconer sa Standard Insurance-Navy team, na asam mapanatili ang pagkapit sa individual, overall at team classification sa pagbabalik ng 2020 LBC Ronda Pilipinas 10th anniversary race ganap na alas-9 ngayong umaga para sa 111.9km Stage 6 na magsisimula sa kapitolyo at matatapos sa Tarlac Recreation Center. Mula sa ikalawang puwesto ay umakyat si Oconer sa unahan ng general classification sa…
Read MoreSAN JUAN VS PALAYAN SA CBA FINALS
DINISPATSA ng defending champion San Juan ang Binangonan, 86-74, habang pinataob ng Palayan City ang Parañaque, 74-72, sa pares ng sudden death matches upang plantsahin ang titular showdown sa Community Basketball Association Pilipinas Executive Cup sa San Andres Sports Complex sa Malate. Sumakay ang San Juan sa mainit na mga kamay nina Arvin Gamboa at Justine Serrano upang biguin ang Binangonan na makatuntong sa finals sa ikalawang sunod na season sa community-based league na inorganisa ni CBA president Carlo Maceda. Tumapos si Gamboa na mayroong 18 puntos o 9-of-12 sa…
Read MoreEquestrianPH tuloy ang laban
IPAGPAPATULOY ng Equestrian Philippines ang kanilang pagpapaunlad sa sport kahit pa may isa pang national sports association na kinikilala ang Philippine Olympic Committee (POC). Sa katunayan ay hindi tumitigil ang EquestrianPH sa pagsasanay sa mga riders nila sa katauhan nina international champions Toni Leviste, Joker Arroyo at Colin Syquia. Sinabi ni EquestrianPH president Carissa Coscolluela, maraming kabataan ang mahuhusay na riders na kayang katawanin ang bansa sa hinaharap bagamat nangingibabaw ang politika na siyang sumisira sa nasabing sport. “We established EquestrianPH in 2018 because we want to continue the initiatives…
Read MoreMANIPULASYON SA PCL ELECTION
NABAHIRAN ng kontrobersya ang ginaganap na eleksyon ng bagong set of national officers ng Philippine Councilors League (PCL) nang mabuko ng kampo ni Albay municipal councilor Jesciel Richard Salceda ang panloloko umano ng kampo ni Councilor Danilo Dayanghirang ng Davao City. Kuhang-kuha sa video na dalawa sa sample votes na para kay Salcedo ay Dayanghirang ang lumabas sa voting machine. Maliwanag anilang kontrolado ng kasalukuyang opisyal ng PCL ang proseso ng halalan kaya dapat silang mapanagot. 226
Read More