PCL ELECTION NATIGIL SA DAYAAN

Pera ng bayan nasayang

DAYAAN ang tinumbok na dahilan upang ipatigil ang halalan ng Philippine Councilors League (PCL) nitong Huwebes.

Nadiskubre ng mga konsehal na mga taga-suporta ni Konsehal Jesciel Richard Salceda ng Polangui, Albay na mayroong β€œsoftware glitches” sa isasagawang eleksyon nitong Huwebes.

Nakita at nakumbinsi ang mga konsehal na minanipula ng kampo ni Konsehal Danilo Dayanghirang ng Davao City ang software na pumabor sa huli, sapagkat ang lumalabas na pangalan matapos ipasok ang pangalan ni Salceda ay Dayanghirang.

β€œWhen you’re going to vote on a name of one of the candidates, ang lumalabas β€˜yung isa. There are a lot of councilors na ready na to vote at ang registered ay 15,888. They found out that there are glitches. Malaking aberya, in the first place pera ng bayan po ito. Saka po β€˜yung right po namin na pipili kung sino mamumuno, nationally,” banggit ni Bani Pangasinan Councilor Amelia Olores.

Si Dayanghirang ay muling tumatakbo sa pagkapangulo ng PCL samantalang si Salceda ay tumatakbo rin sa parehong posisyon.

Ayon sa impormasyon, matunog at mabango ang pangalan ni Salceda kumpara kay Dayanghirang.

Ang isa pang nabalitang reklamo ay magkaiba ang bilang ng mga bobotong konsehal.
Ang natukoy na mga dayaaan ang siyang ginamit na mga legal na batayan upang ideklara ang β€œfailure of election” sa nabanggit na eleksyon.

Nagpasya ang pamunuan ng PCL, sa pangunguna ng pangulo nito na si Konsehal Dayanghirang, na magbuo ng komiteng mag-iimbestiga ng dayaan.

Ang komite ay binubuo nina Konsehal Raul Corro ng Muntinlupa City, Raymond Alvin Garcia ng Cebu City at Darwin Icay ng lungsod ng Taguig.

Inatasan din ang tatlo na magrekomenda ng kaukulang aksiyon upang hindi maulit ang dayaan.
Nakipag-ugnayan ang PCL sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa naging desisyon ng PCL.

Ayon kay Olores, nasayang ang kanilang oras at pera ng bayan.

Halos 12,000 konsehal mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa convention center sa Pasay City ng limang oras, pagkatapos ay magkakaroon din lang ng dayaan, patuloy ni Olores.

Iprinisinta ng ilang dumalong konsehal na gawing manual na lang ang botohan pero hindi umano ito agad inaksyunan ng election board.

β€œWe demanded for manual. Nag-convene ang Comelec there is grave doubt sa integrity. Ang problema hindi sila bumaba sa plenary para ipaliwanag. Doon nagalit ang tao dahil ang tagal nila naghihintay. Hindi biro ang pera ng gobyerno na nasayang natin. Dapat sinigurado po na the system will work,” tugon ni Atty. Miles Raquid Arroyo, Naga City Councilor, PCL national executive.

Lubos namang umaasa ang mga konsehal na lumuwas pa sa Maynila mula sa kanilang mga bayan na agad aaksyunan ang insidente, malaman ang puno’t dulo ng glitches sa mga election device at makapagtalaga ng mga uupong opisyal para sa kanilang liga. NELSON S. BADILLA

 

414

Related posts

Leave a Comment