SUNDALO PATAY SA AMBUSH NG NPA

AGUSAN DEL NORTE – Patay ang isang kasapi ng Philippine Army (PA) matapos tambangan at pagbabarilin ng hinihinalang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA), iniulat nitong Sabado ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Col. Neil Denoso, intelligence operative ng 23rd IB Philippine Army, habang sugatan naman si PFC Rick Boy Elegaria. Batay sa report ng Carmen Police Station, nangyari ang insidente sa Sitio Campo Uno, Barangay Rojales, Agusan del Norte. Lumabas sa imbestigasyon, sakay ng motorsiklo ang mga biktima galing ng Barangay Manoligao at pabalik…

Read More

RIDER PATAY SA PLASTIC BARRIER

RIZAL – Patay ang isang rider nang sumemplang ang kanyang motorsiklo makaraang bumalagbag sa kanyang daraanan ang isang plastic barrier na tumalsik matapos mabunggo ng isa pang rider sa bayan ng San Mateo sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga. Sa ulat ng San Mateo Municipal Police Station (MPS), nangyari ang insidente dakong alas-7:45 sa kahabaan ng Gen. Luna St., Brgy. Guitnang Bayan 1, sa nasabing bayan. Hindi umabot nang buhay sa Ynares Hospital si Jerry John Fernandez, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng rider na sakay ng ‘di naplakahang motorsiklo…

Read More

PULIS PATAY SA NAKA-SUV

LEYTE – PATAY ang isang pulis makaraang dikitan ng Sports utility vehicle habang minamaneho ang motorsiklo saka pinagbabaril noong Biyernes ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Patrolman Ramil Aruelo, nakatalaga sa Bato Leyte Police Station, at residente sa bayan ng Hilongos, Leyte. Batay sa report ng pulisya, dakong alas-7:30 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Barangay Lunang, Hilongos Leyte. Lumabas sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima galing sa kanyang trabaho nang bigla siyang dikitan ng naturang sasakyan at pinagbabaril. Nagpapatuloy ang follow-up operation ng mga awtoridad para…

Read More

18 KALABOSOSA MAHJONG

BULACAN – Umabot sa 18 katao ang nadakip ng mga awtoridad sa ikinasang anti-illegal gambling operation ng Bulacan PNP sa Malolos City, Meycauayan City at mga bayan ng Pulilan at Bocaue nitong Biyernes. Base sa report ng pulisya, apat katao ang nadakip nang pinagsanib na puwersa ng 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC) at Malolos City PNP sa Grand Royale Subdivision sakop ng Barangay Pinagbakahan, Malolos City nang mahuli sa aktong nagma-majhong sa pampublikong lugar at nakakumpiska ng apat na silya, isang mesa, mahjong set at P4,040 cash. Samantala, siyam…

Read More

NEGOSYANTENG BAON SA UTANG NAGBIGTI

CAGAYAN – Nagpasyang magbigti ang isang negosyante dahil sa pagkakabaon sa utang na hindi niya mabayaran, iniulat nitong Sabado ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Nicanor Melad, 53, negosyante, at residente ng Brgy. Virginia Sto. Niño, Cagayan. Batay sa report ng Sto. Niño Police Station, natagpuan na lamang ng kanyang pamangkin ang biktima habang nakabitin sa tindahan nito at wala nang buhay. Lumabas sa imbestigasyon, lubog umano sa utang ang biktima at hindi sapat ang kinikita ng tindahan nito para magbayad. Kuwento pa ng kaanak at kaibigan…

Read More

VAN BUMALIKTAD, 3 GURO PATAY

ISABELA – Patay ang tatlo katao habang siyam pang mga biktima ang sugatan makaraang bumaliktad ang sinasakyan nilang pampasaherong van, iniulat nitong Sabado ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang mga namatay na sina Roderick Sucliyao, Crisencia Wandag Cayangao at Marcelina Dupagan Sapon, pawang mga guro, habang ang mga sugatan ay kinilalang sina Ralyn Lugao Dao-ayan, James Ballay Abuwak, Fernando Salvador Ducasao, Arian Kathlyn Dulanao, Leonida Abuwak Puctiyao, Hubert Abuwak, Francisca Dangpason Addagan, Nathaniel Dalanao Jr., at ang driver na si Jay-ar Ducasao. Batay sa report ng Kalinga Police Station,…

Read More

ELECTRICIAN TIKLO SA BUY-BUST

DRUGS TAGUIG

ARESTADO ang isang electrician makaraang pasukin ang pagtutulak ng ilegal na droga para masuportahan ang kanyang live-in partner sa Las Piñas City. Ang suspek na kinilalang si Alden Recto, 40-anyos, ay nadakip sa ikinasang buy-bust operation sa #1 Torch Lilly St., Talon Village, Brgy. Talon 4 ng nasabing lungsod. Nakumpiska mula sa suspek ang apat na sachet ng umano’y shabu na tinatayang P102,000 ang street value. Napag-alamang mahina ang kontrata sa trabaho ni Alden bilang electrician at hirap buhayin ang live-in partner kaya pinasok ang pagtutulak ng ilegal na droga.…

Read More

DRUG PUSHER, GUN RUNNER TIKLO SA MAKATI

drugs200

INARESTO ang isang lalaki makaraang makumpiskahan ng ilegal na droga at baril sa kanyang bahay sa Makati City, nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ang suspek na si Earl Hubert Sering na bukod sa pagtutulak umano ng ilegal na droga ay sangkot din sa gun running activities. Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, makaraang makumpiskahan ng droga at baril sa kanyang bahay sa Puerto Rico St., Barangay Palanan, Makati City. Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati…

Read More

Kuya patay, 5-anyos malubha; MAG-UTOL NABUNDOL NG ARMORED VAN

HINDI na nailigtas sa pinagdalhang pagamutan ang isang 12-anyos na lalaki habang malubha ang nakababatang kapatid nito makaraang mabundol ang kanilang bisekleta ng isang armoured van sa Tondo, Manila iniulat ng pulisya nitong Linggo. Kinilala ang namatay na biktimang si C-jay Calderon, ng 1915 Capulong St., Tondo habang sugatan naman ang kapatid nitong si Jay-C, 5-anyos. Samantala, nahaharap sa kasong reckless irudence resulting in homicide at damage to property with physical injuries ang driver na si Simplicio Calma  Jr., y Dela Cruz, may asawa, ng #393 Balut, Tondo. Batay sa…

Read More