AGAW-BUHAY ang isang security guard nang nang mapundi sa kasasayaw niya ng “Tala” ang pinsan niyang pahinanteng kasama rin sa bahay at araruhin ng saksak ang biktima sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Edwin Guiritan y Borja, 35, binata, ng Area C, Interville, Talipapa, Barangay 164, Caloocan City. Kakasuhan ng frustrated murder ang arestadong suspek na si Jonald Caligner y Borja, 40, ng kaparehong address. Napag-alaman, puyat at pagod umano ang suspek galing sa biyahe kaya’t gusto nitong magpahinga ngunit ayaw paawat sa kasasayaw ng…
Read MoreMonth: February 2020
KAHERA LUMIPAD SA 6TH FLOOR, PATAY
PALAISIPAN sa mga awtoridad kung itinulak o sadyang nagpatihulog ang isang 36-anyos na babae makaraan umanong mahulog mula sa ika-6 na palapag ng gusali kahapon ng umaga sa Tondo, Manila. Kinilala ang biktimang si Maricel Arellano y Leynes, cashier, residente ng Rm. 606 Josefa Building, Padre Rada St.,Tondo. Base sa ulat nina Det. Donald Panaligan at Det. Dennis Suba ng Manila Police District-Homicide Section, bandang 8:35 ng umaga nang mangyari ang insidente mula sa ika-6 na palapag hanggang sa ika-2 palapag ng gusali. Nauna rito, nakipagtalo umano ang biktima sa…
Read MoreNabuking na sumasalisi kay misis; ‘AHAS’ NA BAYAW PINATAY
ISANG tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang 30-anyos na vendor makaraang patraydor na binaunan ng bala sa likod sa Binondo, Manila nitong Biyernes ng hapon. Namatay habang inoobserbahan sa Philippine General Hopital ang biktimang si Haslem Casim y Makasil, may asawa, ng #58 Constitutional Road, Batasan Hills, Quezon City. Samantala, arestado naman at nahaharap sa kasong murder ang suspek na kinilalang si Samanudin Cawasa y Mangontra, alyas “Sam”, 40 anyos, may asawa, negosyante, ng nasabing lugar. Batay sa ulat na isinumite ni Det. Bernard Cayabyab…
Read MoreIsinusulong sa Eddie Garcia Act; EXTRA, CREW SA SHOWBIZ POPROTEKSYUNAN
HINDI lamang ang malalaking aktor at aktres ang makikinabang sa Occupational Safety and Health Standards Act (OSHA) sa film, television at theater industry kundi ang mga extra at crew members. Ito ang tiniyak ni Quezon City Rep. Alfred Vargas sa nasabing panukala na mas kilala bilang “Eddie Garcia Act” na kasalukuyang pinagdedebatehan sa House committee on labor. “I was close to Tito Eddie Garcia as I worked with him in 2 projects. Siguro, ito na rin ang legacy niya sa atin kasi hindi lang ‘yong mga sikat ang masasama dito…
Read MorePRESYO NG SURGICAL MASK BANTAY-SARADO
NAGBABA ng Executive Order ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Valenzuela para protektahan ang mamamayan nito laban sa mapagsamantalang negosyante. Ang aksyon ng Valenzuela LGU ay kaugnay ng sunod-sunod na pagtaas at pagsasamantala sa presyo ng surgical masks at N95 face masks ng mga negosyante sa gitna ng pangamba sa 2019 novel coronavirus (nCoV). Ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, kailangan sumunod ang mga negosyante sa Suggested Retail Price (SRP) sa pagbebenta ng mask alinsunod sa Department of Health (DOH) Memorandum No. 0005, Series of 2020, at batay…
Read MoreKALIWA DAM LOAN DEAL ILEGAL; Makabayan solons nanindigan
HINAMON ng Makabayan bloc sa Kamara ang administrasyong Duterte na patunayang hindi lugi ang mga Filipino sa pinasok nitong kontrata sa China para sa pagtatayo ng Kaliwa Dam at Chico River Pump Irrigation na magmumula sa Quezon hanggang sa Tanay sa Rizal. Nanindigan ang grupo na labag sa Konstitusyon ang loan agreement para sa naturang dam project na nagkakahalaga ng P12.20 bilyon. Inilista ni Bayan Muna Rep. Isagani Carlos Zarate ang ilang ilegal na probisyon sa kontrata kabilang ang 1) Article 5.7 na nagsasaad na “Philippines or any of its…
Read MoreHIGIT P2-B GUGUGULIN SA PAGSUGPO SA NCOV ARD
HIGIT dalawang bilyong piso ang supplemental budget na isinusulong sa Kongreso para tugunan ang 2019-novel coronavirus Acute Respiratory Disease (2019-nCoV ARD). Nabatid na inihain na nina House Committee on Health Chairman Angelina Tan at House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang dalawang panukala. Sa House Bill 6166 na inihain ni Tan at House Bill 6177 ni Salceda, aabot sa P2.040 Billion ang supplemental budget na gagamitin para tugunan ang mga pangangailangan ng mga Filipino laban sa sakit. Gagamitin ang pondo para sa pagbili ng protective equipment, surgical…
Read More2020 MPBL Lakan Cup: DAVAO, MAKATI ON TOP
NANANATILI sa 1-2 posisyon ang Davao Occidental at Bacoor sa South division, habang ang Makati ay nakabalik naman sa North division sa papalapit na pagsasara ng Chooks-to-Go MPBL Lakan Season elimination round sa magkahiwalay na laro, Huwebes sa Alonte Sports Arena sa Binan, Laguna. Ang Davao Occidental Tigers ay nagwagi laban sa Binan City Luxxe White Krah Heroes, 72-66 para selyuhan ang No. 1 seed laban sa Bacoor Strikers, na naunang nagtala ng 79-68 win matapos talunin ang Iloilo United Royals. Inakay naman ni Jeckster Apinan ang Makati Super Crunch…
Read MoreBEACH VOLLEYBALL U-18, HAHATAW SA TAGUIG
GAGAMITIN ng mga batang atleta ang kanilang talento sa pagsabak sa Philippine Volleyball Federation (PVF)-Tanduay Athletics Beach Volleyball Under 18 Boys and Girls Championships bukas (Pebrero 9) sa Athletics Volleyball Center sa Taguig City. Kabilang sa mga koponang kasali sa torneo ay mula sa Pangasinan, Pampanga, Bataan, Laguna, Quezon, Bulacan, Muntinlupa at Metro-Manila. Ang naturang beach volleyball tourney ay bahagi ng grassroots sports development program ng PVF sa pamumuno ni presidente Edgardo ‘Tito Boy’ Cantada. Tulad sa mga nakalipas na programa ng PVF at pamilya Cantada, tiniyak ng mga ito…
Read More