SHABU, ECSTASY IBINEBENTA ONLINE EX-FHM MODEL HULI SA DROGA

ARESTADO ang isang dating modelo ng FHM sa buy-bust operation nang pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Taytay Municipal Police Station (MPS) at Philippine Drug Enforcement Agency noong Miyerkoles ng hapon. Ang suspek na si Charlene Midel Mecayer alyas “Cindy”, 24, single, at residente ng Phase 9, Brgy. Sta. Ana ng nasabing bayan, ay nadakip sa ikinasang anti-drug operation sa Greenwood Executive Village ng nabanggit na Barangay bandang alas-4:30 ng hapon. Inaresto ang suspek matapos bentahan ng isang sachet ng hinihinalang shabu ang mga operatiba ng Taytay MPS, sa…

Read More

BABAE HINIGOP NG IPO-IPO, NATAGPUANG PATAY SA BANGIN

DIGOS City – Patay ang isang babae makaraang mahulog sa bangin nang tangayin ng ipo-ipo ang sinasakyang motorsiklo noong Sabado ng umaga. Kinilala ang biktimang si Kristelle Ann Abapo, 24-anyos. Ayon sa mga saksi, mabagal lamang ang takbo ng motorsiklo na sinasakyan ni Abapo ngunit pagdating sa Brgy. Cogon nang biglang humampas ang malakas na hangin kaya sumabit sa nakalaylay na kable ang biktima bago nahulog sa bangin. Samantala, nakaligtas ang driver ng motorsiklo na si Froilan Ladio ngunit nahihirapang lumakad dahil sa mga sugat sa kanyang katawan. Malaki ang…

Read More

P6.9-M SHABU NASABAT SA LADY COURIER

NAKUMPISKA ang mahigit isang kilo ng umano’y shabu, tinatayang P6.9 milyon ang halaga, sa isang babaeng hinihinalang courier ng ilegal na droga, makaraang ikanta ng tatlong lalaking unang natimbog sa Sta. Cruz, Manila, iniulat ng pulisya kahapon. Unang naaresto sa buy-bust operation sina King Carl Ferrer y Darguan, alyas “Boss”, ng 471 Soler St., Binondo; John Christopher Tayao y Yumol, 32, ng 2021 Yakal St., Sta. Cruz, at Wilson Tan y Pascual, 26, ng 1326 Alvarez St., Sta. Cruz. Ang tatlo ay natimbog sa buy-bust operation sa panulukan ng Ipil St., at…

Read More

PALASYO AYAW MAKISAWSAW SA AWAY SA KAMARA

malacanang

DEDMA lang ang Malakanyang  sa  muling pag- init ng girian sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco Sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo, tanging ang nga kongresista lang ang dapat  na magresolba ng usapin at sila rin dapat ang magdesisyon sa anumang kasunduang mabubuo. Wala namang nakikitang problema si Panelo  at naniniwala siya sa sinabi ni Cayetano na susunod ito sa napagkasunduan habang si Velasco naman ay nagsabing tatalima sa gentleman’s agreement kaugnay sa term sharing. Iginiit ni Panelo na hindi makikialam ang pangulo sa away ng…

Read More

KAHIT TINANGGAP NI DUTERTE ANG ‘APOLOGY” PAGPAPASARA VS ABS – CBN, TULOY 

HINDI inaatras ni Solicitor General Jose Calida ang petisyong quo warranto laban sa ABS – CBN – Corporation at ABS – CBN Convergence sa Korte Suprema. Kahapon, walang inilabas na “opisyal” na pahayag ang tanggapan ni Calida sa media na nagsasabing iniaatras na ng Office of the General (OSG) ang petisyon makaraang  tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihinging paumanhin (apology)  mula sa ABS – CBN – Corporation, sa pamamagitan ng pangulo at chief excutive officer nito na si Carlo Lopez Katigbak. Nitong Pebrero 24, sa kalagitnaan ng pagdinig ng…

Read More

INC KOKONTRA SA PRANGKISA NG ABS-CBN?

MAUGONG sa mababang kapulungan ng Kongreso na isa ang Iglesia Ni Cristo (INC) sa mga maghahain ng position paper sa prangkisa sa ABS-CBN. Base sa impormasyon na kumakalat ngayon sa Kamara, inaabangan umano ng mga mambabatas ang ihahaing position paper ng INC sa House committee on legislative franchise. “Through a private lawyer, balita naman they (INC) are planning to file a position paper,” ayon sa impormante na hindi na nagbanggit ng pangalan kapalit ng impormasyong ito. Lumutang ang impormasyon matapos buksan ng nasabing komite na pinamumunuan ni Palawan Rep. Franz…

Read More

COUP ATTEMPT SA KONGRESO PAKANA NI VELASCO – CAYETANO

INAMIN kahapon ni House Speaker Alan Peter Cayetano na chairmanship sa ilang committee sa Kamara at budget allocation ang ipinapangako ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco sa mga mambabatas sa harap ng usapin ng kudeta laban sa  pamumuno ng una. Sinabi ni Cayetano, verified ang report ukol sa tangkang pagpapatalsik sa kanya bilang House Speaker ng kampo ni Velasco na mapapatunayan ng 20 mambabatas na lumapit sa kanya. Magkagayunman, hindi umano niya ito pinepersonal. Nanindigan si Cayetano na bilang bahagi ng coalition bloc ni Pangulong Rodrigo Duterte, kanyang susundin ang napagkasunduan…

Read More

HINDI KO KAILANGANG MANG-AGAW – VELASCO

Malaki ang kumpiyansa  MALAKI ang paniwala ni Marinduque Rep Lord Allan Velasco na siya ang magiging Speaker ng Kamara pagdating ng Oktubre kaya’t hindi niya kailangang agawin pa ito mula kay Speaker Alan Peter Cayetano. Ang pahayag ay ginawa ni Velasco matapos mismong sabihin ni Cayetano na planado ang kudeta sa Kamara at itinuturo ng speaker na nanguna ay ang mambabatas mula sa Marinduque. “I am issuing this statement to once and for all end baseless reports attributed to unnamed sources and sly innuendos being peddled by certain camps with…

Read More

CAYETANO NA-INSECURE KAY VELASCO

Onsehan sa term-sharing deal NERBIYOS ang naramdaman ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa tangkang pagtanggal sa kanya sa bilang House Speaker ng kampo ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco. Ito ang pananaw ni Wilson Fortaleza, tagapagsalita ng Partido Manggagawa (PM), makaraang isiwalaat nitong Pebrero 27 ni Cayetano na 20 kongresista ang nagbunyag sa kanya ng coup attempt na pinangunahn ni Velasco. Nangako raw si Velasco ng ‘malaking pera’ at ‘posisyon’ upang ikasa ang kudeta laban kay Cayetano.  Itinanggi naman ni Velasco at mga kaibigan nito sa Kongreso ang akusasyon…

Read More