KALARO KRITIKAL7-ANYOS HINIGOP NG ILOG

NAGA City – Nalunod ang isang 7-anyos na batang lalaki habang kritikal ang kasama niyang 5-anyos, nang maglaro sa gilid ng ilog, iniulat nitong Biyernes ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ang biktimang namatay na si Adrian Sumanday, habang inoobserbahan sa ospital ang 5-anyos. Lumabas sa imbestigasyon, naglalaro ang mga bata sa gilid ng Naga River na sakop ng Balatas, Naga City, nang bigla na lamang nadulas ang mga biktima at nahulog sa ilog. Agad nagresponde ang mga awtoridad at natagpuan ang mga biktimang palutang-lutang sa ilog kaya mabilis na…

Read More

DALAGITA GINAWANG PARAUSAN; STEPDAD SWAK SA KULUNGAN

ISABELA – Bumagsak sa kulungan ang isang lalaki makaraang gawing parausan ang dalagitang anak-anakan, iniulat nitong Biyernes ng umaga sa lalawigang ito. Kinilala ang arestadong suspek na si James Natividad, 29-anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Masipi East, Cabagan, Isabela. Batay sa report ng Tumauini Police station, nadakip ang suspek matapos isilbi ang warrant of arrest sa Centro, Cabagan, Isabela. Ayon sa pulisya, nahaharap ang suspek sa 16 na bilang ng kasong rape matapos paulit-ulit na gahasain ang dalagitang anak ng kanyang kinakasama. Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa…

Read More

PDu30 muling binira ang Maynilad, Manila Water; IBALIK ANG PERA NG TAUMBAYAN

BINANATAN na naman ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga pribadong water concessionaire na Maynilad at Manila Water para ibalik ng mga ito ang perang ibinayad ng publiko para sa water services kung ayaw umanong na i-takeover ng gobyerno ang distribusyon ng tubig at serbisyo sakali’t tumanggi sila. Sa naging talumpati ng Pangulo sa mass oath-taking ng mga bagong presidential appointees na idinaos sa Rizal Hall, Malakanyang kamakalawa ng gabi ay isinapubliko ng Pangulo ang ginagawang panliligaw umano sa kanya ng mga may-ari ng dalawang water concessionaire matapos gumawa ang…

Read More

LIDER NG NPA, 4 PA ARESTADO

LEYTE – Arestado ang isang mataas na lider ng New People’s (NPA) at apat na iba pa sa ikinasang Joint AFP-PNP law enforcement operations sa Tacloban City sa lalawigang ito, nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang arestadong lider ng NPA na si Frenchie Mae Castro Cumpio, alyas Pen, secretary ng Regional White Area Committee – Eastern Visayas Regional Party Committee (RWAC-EVRPC), habang hindi naman pinangalanan ang apat na iba pang kasabay na nadakip nitong Pebrero 7 sa Tacloban City. Nabatid na pasado alas-2:00 ng madaling araw nitong Biyernes nang…

Read More

BUY AND SALE TRADER TODAS SA AMBUSH

MAGUINDANAO – Patay ang isang buy and sale trader makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek, iniulat nitong Biyernes sa lalawigang ito. Kinilala ang biktimang si Efren Saydoquis, 51, may asawa, negosyante at residente ng Sitio Bolo, Brgy. Pandan South Upi, Maguindanao. Batay sa report ng Maguindanao Police Provincial Office, sakay ang biktima sa kanyang minamanehong multicab galing sakahan at pauwi sa kanilang bahay nang tambangan ng hindi kilalang armadong kalalakihan. Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi nabatid na direksyon. Inaalam pa ng mga awtoridad ang…

Read More

DAMING NAG-REACT SA TOPLESS NI ALDEN

SWAK: Ang daming nag-react sa mga ipinu-post ni Alden Richards na naka-topless at may pa-abs pa itong ipinakikita. Siya kasi ang bagong endorser ng Century Tuna Superbods kasama si Nadine Lustre. Kaya naman kinarir din niya ang mag-gym at magpapayat para bagay na bagay naman siyang mag-endorse ng naturang produkto. Pero bukod diyan, sisimula na rin ni Alden ang bagong programa niya sa GMA 7 na Centerstage, isang musical reality show tampok ang mga batang magagaling kumanta. SANYA NA-PRANING SA CORONAVIRUS SEE: Isa si Sanya Lopez sa napa-praning sa tumitinding…

Read More

KUYA NAGSAING, NAKATULOG 6-ANYOS PATAY SA SUNOG

DAVAO Occidental – Patay ang isang 6-anyos na batang lalaki sa nangyaring sunog sa Brgy. Kisulad sa bayang ito. Kinilala ni Corporal Jun Glee delos Nieves, imbestigador ng Sta. Maria Municipal Police Station, ang biktimang si Harry Jay Yalon Banuelos. Lumitaw sa imbestigasyon ng mga awtoridad, alas-11:00 nitong Huwebes ng gabi, nagsaing si Richan Lee, 10, kapatid ng biktima, sa kanilang kusina ngunit nakatulog dahil sa pagod. Dakong 2:00 ng madaling araw nitong Biyernes, nagising si Richan Lee dahil sa init ng apoy sa nagliliyab nilang bahay. Tinangka niyang iligtas…

Read More

TEACHER WANNABE PATAY SA ROAD MISHAP

NORTH COTABATO – Patay on the spot ang isang 22-anyos binata na nag-a-apply sa pagkaguro matapos na mabangga ng isang SUV sa Barangay Poblacion 5 sa bayan ng Midsayap sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Rod Pederick “Arjay” Dillera Hervas,  residente ng Barangay Poblacion 5 ng nasabing bayan. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi pagkagaling ng biktima sa isang lamayan kasama ng mga kaibigan. Habang naglalakad umano ang grupo nang magpasya silang umihi sa gilid ng daan. Ngunit bigla…

Read More

MATATALO RAW SI MARCELITO POMOY  SA ‘AGT: THE CHAMPIONS’ GRAND FINALS?

ALAM na nating lahat ng pasok na sa grand finals ng Season 2 ng  “America’s Got Talent: The Champions” ang pambato ng Pilipinas na si Marcelito Pomoy. Gusto ko ba siyang manalo? Of course! Bakit naman hindi? Kailan ba ang grand finals? February 10 ng 8 pm sa sa America (Eastern Time), o umaga ng Febuary 11 sa atin. Pero ang results show ay February 17. All the while, akala ko ay LIVE ito. Hindi pala. Taped na pala ito noong latter part of 2019 pa. Sinabi ito sa akin…

Read More