NAGKAROON ng espesyal na ugnayan sina Janella Salvador at Markus Paterson noong isang taon at kontrobersyal ang naging hiwalayan diumano ng dalawa. Ano nga ba ang tunay na namagitan kina Janella at Markus? “We’re good. I like it when it’s not straight. So let’s not set things straight muna,” makahulugang sagot ni Markus. Kay Joshua Garcia na nauugnay si Janella ngayon dahil naging malapit sa isa’t isa nang maging magkatambal sa teleseryeng ‘The Killer Bride’ na nagtapos kamakailan. “I don’t really need to talk to anyone about it. Like whatever…
Read MoreMonth: February 2020
LUPANG SINASAKA, PINAG-AAGAWAN MAGSASAKA KINATAY NG SARILING PAMILYA
CAGAYAN de Oro City – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang magsasaka makaraang pagtulungan siyang pagtatagain ng kanyang sariling pamilya, kabilang ang sariling ama, kapatid, biyenan at pamangkin na menor de edad, iniulat nitong Biyernes ng umaga sa lungsod na ito. Kinilala ni Major Valentines Baja, Lumbia Police Station commander, ang biktimang si Roland Soyawan, 43, habang ang mga suspek ay sina Rene Soyawan, 38, kapatid, asawa ni Rene na si Masia Soyawan, 35, ang ama nilang si Pedro Soyawan, 83, at menor de edad na pamangking lalaki, at pawang mga…
Read MoreNABABAHALA SA NCOV SEX WORKERS IWAS MUNA SA CHINESE
TAGUM City – Iniwasan muna ng sex workers ang pakikipagtalik sa mga Chinese na kustomer dahil sa takot na mahawa sa kinatatakutang sakit na 2019 Novel Coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD). Sinabi ni alyas Jessa, 21, nagtratrabaho bilang GRO o kilala sa tawag na “Angel of the Night” sa mga bahay aliwan ng lungsod, ikinababahala niya na madapuan siya ng 2019 nCoV kaysa magkaroon ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) o Acquired Immunodeficiency Syndrome (AIDS), dahil marunong na silang umiwas sa HIV sa pamamagitan ng paggamit ng condom habang nakikipagtalik sa…
Read MoreSPD DIRECTOR SIBAK SA SUGALAN
SIBAK sa tungkulin ang kontrobersyal na si Southern Police District (SPD) Director Police Brig. Gen. Nolasco Bathan dahil umano sa kabiguang masawata ang ilegal na sugalan sa kanyang nasasakupan. Hindi umano nakasunod ang heneral sa direktiba ni PNP Chief Archie Gamboa na linisin ang lahat ng mga komunidad laban sa lahat ng uri ng kriminalidad at ilegalidad. Maging sa kanilang hanay sa PNP ay tuluy-tuloy rin ang ‘pagpupurga’. Isang buwan pa lang ang nakalipas nang maging kontrobersiyal si Gen. Bathan matapos agawin ang cellphone ng GMA TV reporter na si…
Read More3 DRUG PUSHER TIMBOG SA PASIG
NATIMBOG ng mga tauhan ng Eastern Police District-District Drug Enforcement Unit (EPD-DDEU) ang tatlong umano’y tulak ng ilegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy-bust operartion sa Pasig City, nitong Huwebes ng gabi. Sa ulat ng Pasig City Police Station (CPS), kinilala ang mga nadakip na sina Carlito Ventura y Miranda, 56; Jerry Cuadrante y Swenen, 28, at Gerald Fernandez y Jacoba, 35-anyos. Dinakip ng mga tauhan ng DDEU, sa pangunguna ni P/Capt. Allan Hernandez, ang mga suspek sa inilunsad na anti-drug operation sa bahay ni Ventura makaraang bentahan ng…
Read MoreTULAK PATAY SA ENCOUNTER
NANLABAN umano sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang umano’y tulak ng ilegal droga, sa inilatag na buy-bust operation sa Malate, Manila, nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang napatay na suspek na si Leonardo Ybanez Uy alyas “Nor”, binata, residente ng Dakota, Adriatico St., Malate. Base sa isinumiteng ulat ni Det. Jansen Rey San Pedro kay P/Capt. Henry Navarro, hepe ng MPD-Homicide Section, bandang alas-2:15 ng madaling araw nang mangyari ang engkuwentro sa pagitan ng mga operatiba at ng suspek sa panulukan ng Don Pedro St. at…
Read MoreNEGOSYANTE DINISMIS SA ESPINO AMBUSH CASE
INILABAS na ng mga tagausig ng estado ang kapasyahan nito sa naging papel ng isang negosyante na sinasabing may-ari ng sasakyan na hinihinalang ginamit sa pag-ambush kay dating Pangasinan governor Amado Espino Jr. noong Setyembre 11, 2019. Sa pangunguna ni Deputy City Prosecutor Mitchel Go ng DOJ panel of prosecutors kasama ang mga miyembro na sina Assistant City Prosecutors Dennis Anthony Fito at Rohail Castro na siyang humatol sa 24-anyos na tubong Baguio na si Jewel Castro na hindi ito maaaring kasuhan sa pananambang kung saan napatay ang dalawang security…
Read MoreLOLO NASUNUGAN GUSTO PANG HUTHUTAN; 3 BUMBERO KALABOSO
HUMANTONG sa karsel ang tatlong kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP) makaraang madakip sa entrapment operation nang tangkaing huthutan ang isang nasunugang senior citizen sa Navotas City, nitong Huwebes ng hapon. Ayon sa pulisya, dakong ala-1:30 kamakalawa nang damputin sa 81 Nicasio St., Brgy. San Rafael Village, Navotas City ang mga bumbero na sina SFO2 Benjamin Mabborang Jr., 47; FO1 Federico Sablay II, 28, at FO1 Kimberly Reyes, 29-anyos. Batay sa reklamo ni Jessie Que, 67, ng 1 Faith St., Teresa, Brgy. Bahay Toro, Quezon City, humingi si FO1 Sablay ng…
Read More31 BABAE NASAGIP SA PROSTITUSYON
NASAGIP ang 31 babaeng biktima ng human trafficking at prostitusyon dakong alas-10:30 ng gabi nitong Huwebes sa pagsalakay nang magkasanib ng pwersa ng WCPC Camp Crame, SIDMS ng Makati Police Station, Makati Social Welfare Division at ng DOLE, sa isang hotel sa Brgy. Poblacion, Makati City. Habang walong lalaking Chinese national na nagsilbing mga customer ang dinala sa WCPC sa Crame para sa malalim na imbestigasyon. Ayon sa ulat, tatlong linggong isinailalim sa surveillance operation ang Hotel 88 sa Guerrero Street, Brgy. Bangkal at nang matuklasang ginagamit bilang prostitution den…
Read More