CEBU vs QUEZON CITY KAPIT LANG

Mali man na paglabanin ang Quezon City at ang lungsod ng Cebu sa dami ng naitalang kaso ng COVID-19, hindi maiiwasan na pag-usapan bakit sila ang mga tinaguriang epicenter ng p­atuloy pa ring pan­demya. Sa ngayon, tila napabuntong hininga si ­Mayor Joy Belmonte dahil hindi na ang Quezon City ang may mataas na insidente ng kumpirmadong COVID-19 cases matapos silang maungusan ng Cebu City sa dami ng mga biktima. As of June 20, umaabot sa 2,911 ang nakumpirma ng DOH na nagpositibo sa QC. Mayroon silang 217 deaths at 1537…

Read More

RECORD HIGH COVID-19 CASES, NAITALA NG DOH

MULING nakapagtala ng mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 ang Department of Health (DOH). Nitong Martes, umabot sa 1,150 ang mga bagong kaso ng sakit kaya umakyat na sa 31,825 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa. Sa 1,150 bilang, 789 ang “fresh cases” o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta at na-validate sa nakalipas na tatlong araw. Ang 361 naman ay “late cases” o mga kaso ng sakit na lumabas ang resulta sa nakalipas na apat na araw, pero ngayon lang na-validate. Ang 1,150 bagong…

Read More

BILANG NG BANGKAY NG MGA BAGONG BAYANI, NALANTAD NA

NALANTAD na rin sa wakas ang bilang ng mga bangkay ng mga OFW sa Saudi Arabia. Ito’y matapos i-anunsiyo ni Ambassador Adnan Alonto ng Embahada ng Pilipinas ang tagubilin ng ­gobyerno ng Saudi Arabia na kailangan na maiuwi ang mga bankay ng mga OFW sa loob ng 72 oras. Sa unang ulat na ipinalabas ni Department of Labor Secretary Silvestre Bello III, umaabot lamang sa 282 ang bilang ng bangkay ng OFW at 50 dito ay dahil sa COVID-19 virus. Samantala sa pahayag naman ni Ambassador Alonto, umaabot pala sa…

Read More

RIDER TINUMBOK NG BIKE, PATAY

CAVITE – Nalagutan ng hininga ang isang 51-anyos na motorcycle rider makaraang umano’y tumbukin sa likurang bahagi ng isang bisekleta sa bayan ng Naic sa lalawigang ito. Isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang biktimang si Esteban Bernal, may asawa, ng Poblacion, Indang, Cavite ngunit idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Antony Macario ng Naic Municipal Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang itim na motorsiklong Honda Wave at binabagtas ang kahabaan ng Naic-Indang Road dakong alas-7:00 noong Lunes ng gabi. Ngunit pagsapit sa Brgy. Calubcod ng…

Read More

TATAY TODAS KAY JUNIOR

CAVITE – Patay ang isang garbage collector makaraang pagsasaksakin ng kanyang anak habang sila ay nag-iinuman sa kanilang bahay sa Cavite City sa lalawigang ito. Idinekalarang dead on arrival sa Bautista Hospital ang biktimang si Jerry Asero Sr. habang arestado naman ang anak nitong suspek na si Jerry Asero Jr., 24-anyos, isa ring garbage collector. Ayon sa ulat ni P/MSgt Jonathan Baclas ng Cavite City Police Station, dakong alas-10:30 noong Lunes ng gabi nang magkayayaang mag-inuman ang mag-ama sa kanilang bahay. Sa gitna ng kanilang inuman, nagkaroon ng pagtatalo ang…

Read More

ARMY LIEUTENANT PATAY, 9 SUGATAN SA ABU SAYYAF

SULU – Pinaigting ng mga tauhan ng AFP-Joint Task Force Sulu ang inilunsad na opensiba laban sa nalalabing mga miyembro ng teroristang grupo kasunod ng huling sagupaan na ikinamatay ng isang army lieutenant at malubhang ikinasugat ng siyam pang mga tauhan ng Army 32nd Infantry Battalion sa Sitio Tubig Bukayon, Barangay Pansul sa bayan ng Patikul sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, naging matindi ang sagupaan ng mga tauhan ng Philippine Army 32nd Infantry Battalion, sa pangunguna ni Lt. Col. Ralph De Mesa, at ng 40 miyembro ng bandidong Abu…

Read More

1 PATAY, 14 ARESTADO SA P.3-M SHABU

CAVITE – Tinatayang P.3 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa buy-bust operation na nagresulta sa pagkamatay ng isang drug suspect at pagkakaaresto sa 14 iba pa sa Bacoor City sa lalawigang ito. Kinilala ang napatay na si Eduardo tagala, alyas “Wardo” habang ang mga arestado ay sina Luis Ballidio, Ralph Anthony Malig, Joshua Delos Reyes, Roger Clerigo Jr., Daniel Ugalde, Diana Rose Estrada, Eduardo Pinto, Alfel Estrada, Romeo Melando, Bryan Joseph Lintan, Emolfe Ecanza, Kristopher Ferrer, Glenn Guillermo y Sebastian at Milbert Daigan. Sa ulat ni P/SMSgt. Christian…

Read More

OFW, 3RD CASE NG COVID SA STA. CRUZ, DAVAO DEL SUR

DAVAO DEL SUR—-Nakapagtala na naman ng panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Municipal Health Office (MHO) sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito. Ayon kay Dr. Raygene Madronero, MHO officer sa lugar, isang 50-anyos na overseas Filipino worker (OFW) na umuwi mula sa Kuwait ang dumating sa Manila noong Hunyo 4. Ito ang pangatlong kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar. Sinabi ni Madronero, nag-negatibo ang OFW sa isinagawang Rapid Test-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) nang dumating ito. Noong Hunyo 10 nang dumating ang OFW sa Francisco Bangoy International…

Read More

Nadakma sa sabungan sa Batangas RET. GENERAL PINAPUSLIT SA RAID NG NBI?

ITINANGGI ng National Bureau of Investigation (NBI) na pinapuslit ng kung sinumang kanilang agent ang sinasabing retired police general na kasamang nadakma sa ilegal na sabungan sa compound ng GC Berberabe Subdivision sa Pallocan East, Batangas City. Ayon kay Atty. Topher Hernandez ng NBI Batangas, nawala ang retired general matapos na magkagulo at magtakbuhan ang mga nagsasabong nang dumating ang mga awtoridad. Hindi rin nila matiyak kung ang pangalang nakasulat sa entry na Edgardo Tinio ay si dating Quezon City police director, Chief Superintendent Edgardo Tinio na retirado na sa…

Read More