LABOR VIOLATIONS NG ABS-CBN HIHIMAYIN NA

HAHALUKAYIN na sa mababang kapulungan ng Kongreso ang mga labor violation umano ng ABS-CBN kasama na ang totoong bilang ng kanilang empleyado dahil hindi makapaniwala ang mga mambabatas na umaabot sa 11,000 ang kanilang pinasusuweldo. Ngayong araw, Martes ay ipagpapatuloy ng House committee on legislative franchise at committee on good government and public accountability ang pagdinig sa prangkisa at paglabag ng ABS-CBN sa batas. Noong Miyerkoles, inatasan ni Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado ang ABS-CBN na isumite na ang mga dokumentong hinihingi ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta tulad ng bilang ng…

Read More

PAG-ABUSO SA CALL CENTER AGENTS, BUSISIIN

NAIS ni Senador Imee Marcos na busisiin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga kaso ng pang-aabuso sa mga call center, bunsod ng kanilang flexible na oras ng trabaho dulot ng pandemyang COVID-19. Ayon kay Marcos, maaaring ginagamit ng mga call center ang inilabas na advisory ng DOLE, bago magpatupad ng lockdown nitong Marso, para ipitin ang sahod ng kanilang mga empleyado o kaya ay ipasa sa mga ito ang operational costs ng kumpanya para hindi malugi. Kabilang sa mga reklamong natanggap ni Marcos ay ang hindi pagbibigay…

Read More

3-year modernization program MORE TATAPOS SA ILOILO CITY BROWNOUT

TINIYAK ng kasalukuyang power distribution utility sa Iloilo City na More Electric and Power Corp. (More Power) na matatapos na ang mga nararanasang brownout sa lungsod sa ipinatutupad nilang 3-year modernization program bilang tugon sa napabayaang power distribution facilities ng pinalitan nilang Panay Electric Company (PECO). Ipinaliwanag ni More Power Chief Operating Officer and President Roel Castro na sa ilalim ng kanilang ikinasang modernization program ay nasimulan na nila ang pagsasaayos ng power distribution system pangunahin na rito ang paglalagay ng looping system sa 69-kilovolt sub- transmission facility na siyang…

Read More

Opinyon ng OSG ginagamit para makaiwas sa buwis PALUSOT NG POGO OPERATORS, SINOPLA

SINOPLA sa mababang kapulungan ng Kongreso ang depensa umano ng ilang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) na hindi sila dapat singilin ng 5% na franchise tax dahil nakabase ang kanilang negosyo sa ibang bansa. Ayon kay House committee on dangerous drugs chairman Robert Ace Barbers, mistulang ginagamit na ng ilang POGO operators ang legal opinion ng Office of the Solicitor General (OSG) para makaiwas sa pagbabayad ng franchise tax. Base sa legal opinyon ng OSG, lahat ng gaming firms na nakabase sa ibang bansa ay hindi dapat singilin ng 5%…

Read More

Robredo nasupalpal sa Palasyo SCHOOL OPENING SA AGOSTO, ITINAKDA NG BATAS – ROQUE

MISTULANG ipinaalala ng Malakanyang na ang batas ang nagtakda ng pagbubukas ng klase sa Agosto ngayong taon. Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque sa naging pahayag at pakikiisa ni Vice President Leni Robredo sa panawagan na i-reschedule ang pagbubukas ng klase upang mabigyan ng sapat na panahon ang mga guro na makapaghanda sa alternatibong ‘modes of teaching’ ngayon. Ang pagbubukas ng klase ay itinakda sa Agosto 24. “As far as the actual date of classes, may batas po ‘yan [Republic Act 7797]. We have to comply with the…

Read More

Hirit ng PECO sa ERC na balik-operasyon hinarang SISTEMANG PALPAK ‘WAG IBALIK – MORE

HINARANG ng distribution utility na More Electric and Power Corp. (MORE Power) sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang inihaing motion for reconsideration (MR) ng Panay Electric Company (PECO) na humihiling na maibalik ang kanilang Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) na una nang kinansela at pinawalang bisa. Sa inihaing komento ng MORE Power sa apela ng PECO sa ERC, iginiit nito na wala nang dahilan para ibalik ang operational permit ng PECO dahil napaso na rin ang kanilang legislatve franchise gayundin kanselado na ang kanilang business permit mula sa…

Read More

CHINA BANK NAHAHARAP SA DOSRI COMPLAINT

NAGSAMPA ang DOSRI (directors, officers, stockholders, and their related interests) ng reklamo laban sa mga director at opisyal ng China Banking Corporation (CBC), China Bank Savings Inc. (CBSI), at China Bank Capital Corporation (CBCC) dahil sa umano’y paglabag sa Section 36 ng General Banking Law. Ito ay kaugnay umano sa umaabot sa mahigit apat na bilyong pisong halaga ng pautang sa Philippine Primark Properties Inc. (Primark), isang mall development company na naging 51% na pag-aari ng SM Investment Corporation (SMIC) nang ibigay ang mga pautang. Isinampa ang reklamo noong Hunyo…

Read More

CHILD LABOR POSIBLENG LUMALA SA LOCKDOWN

NANGANGAMBA ang isang senador na lumala ang kaso ng child labor sa panahong pinaiiral ang lockdown dulot ng COVID-19. Ayon kay Senador Win Gatchalian, dapat paigtingin ng National Council Against Child Labor (NCLC) ang pagsugpo sa child labor ngayong milyon-milyong kabataan at kanilang pamilya ang nanganganib na lumubog sa kahirapan sanhi ng pandemya. Sa pahayag, sinabi ni Gatchalian na ibinabala niya ito base sa pahayag ng United Nation’s Children’s Fund o UNICEF at ang International Labour Organization (ILO) na baka muling umakyat ang bilang ng mga kabataang biktima ng child…

Read More

Kasama sa CDO ng ABS-CBN pero nasa ere pa rin NTC KINUWESTYON SA OPERASYON NG TV PLUS

KINUWESTYON sa mababang kapulungan ng Kongreso ang patuloy na operasyon ng TV Plus ng ABS-CBN gayung kasama umano ito sa cease and desist order (CDO) na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC) noong Mayo 5, 2020. Sa joint hearing ng House committee on legislative franchise at committee on good government and public accountability noong Miyerkoles, Hunyo 17, inatasan ni presiding chairman Mike Defensor ng Anakalusugan party-list, ang NTC na magsumite ng paliwanag sa Kamara kung bakit nabigyan ng provisional authority ang ABS-CBN na ilipat sa TV plus ang radio program…

Read More