SIGURO dapat nang ilabas ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pangalan ng mga local officials na kinasuhan at iniimbestigahan dahil sa anomalya sa Social Amelioration Program o SAP. Ito ay para malaman ng taumbayan kung kasama ba ang kani-kanilang Barangay Chairman o kaya ay ang Mayor nila sa mga kinasuhan. Ang bilang ng mga Punong Barangay sa buong Pilipinas ay 42,036, 146 ang City Mayors at 1,488 naman ang Municipal Mayors. Pero wala pang 400 na mga barangay kapitan at alkalde ang kakasuhan ng DILG dahil sa…
Read MoreMonth: June 2020
Grupo ng manggagawa sa ‘Anti-Terrorism Law’ PH, MAGIGING NO. 1 KILLING FIELD
KUMBINSIDO ang pinakamalaking alyansa ng mga pederasyon at unyon ng mga manggagawa sa Pilipinas na magiging numero unong “killing field” ang bansa sa buong mundo kapag nagkaroon ng Anti-Terrorism Law. Ibinatay ang prediksiyong ito ni Atty. Jose Sonny Matula, tagapangulo ng NAGKAISA Labor Coalition, sa pahayag ng International Trade Union Confederation (ITUC) na ang Pilipinas ay isa sampung bansa na notoryus sa pagpaslang ng mga lider-manggagawa at ‘pagpatay’ sa mga unyon nitong 2019. Ang siyam na iba pa ay ang Bangladesh, Brazil, Colombia, Kazakhstan, Turkey, Zimbabwe, Egypt, Honduras at India.…
Read MoreFB PAGE ILULUNSAD SA UUWING LSIs SA LUZVIMINDA
INANUNSYO ni Hatid Tulong Project chief at Presidential Management Staff ASec. Joseph Encabo na ilulunsad nila ang facebook page ngayong linggo para sa mga uuwi sa probinsya. Sa kasalukuyan ay nasa 13,000 pa ang nasa kanilang listahan na target mapauwi sa iba’t ibang lalawigan sa Luzon, Visayas at Mindanao. Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, ang LGUs ang nakatokang kumalap ng pangalan ng locally stranded individuals (LSIs) at kanila itong isusumite sa Department of Transportation (DOTr) kapag ang LSI ay estudyante habang sa Department of Labor and Employment (DoLE) kapag stranded…
Read MoreLOCSIN NAG-SORRY SA BRITANYA
HUMINGI ng paumanhin si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sa United Kingdom, kasunod ng nangyaring pagkamatay ng isang British national nang tanggihan umano ng isang ospital sa Cebu province ngayong may COVID-19 pandemic. Kinilala ni Locsin ang namatay sa pangalang “Barry” na dumanas umano ng atake. Sinasabing tumanggi ang isang ospital sa Mandaue City at itinuro ang biktima sa isang ospital sa Cebu. Pero sa report, naghintay ang biktima ng 8 oras sa ambulansya. “He never complained; got cardiac arrest; doctors didn’t help. He died. Shame. Abject apologies to…
Read More102 PINOY SA SINGAPORE, GUMALING SA COVID-19
NAKAREKOBER na mula sa COVID-19 ang tinatayang 102 Filipino sa Singapore. Sinabi ni Philippine Ambassador to Singapore Joseph Del Mar Yap, na 102 mula sa 150 Filipino sa nasabing bansa ang gumaling at nakalabas na ng ospital. Tanging 48 na lamang aniya na mga kababayan natin ang nananatili at patuloy na nagpapagaling sa mga pagamutan o isolation areas sa naturang bansa. Aniya pa, simula noong June 2 ay inalis na ng pamahalaan ng Singapore ang istriktong lockdown implementation at ngayong araw, ipinatupad na aniya ang mas relax o mas maluwag…
Read MoreP126-M SA DEPED, UTANG O TULONG NG US?
MAKATATANGGAP ng P126 milyon o $2.5 milyon ang Department of Education (DepEd) mula sa Estado Unidos upang magtuluy-tuloy ang batayang edukasyon sa bansa kahit patuloy na humahagupit ang coronavirus disease-2019 (COVID-19). Hindi lang malinaw kung ang perang manggagaling sa US Agency for International Development (USAID) ay utang o donasyon. Kung utang, babayaran ito ng pamahalaan. Pumasok ang P126 milyon habang sunud-sunod ang pautang ng World Bank (WB) at Asian Development Bank (ADB) sa administrasyong Duterte ngayong unang kwarter ng 2020. Ayon sa USAID, magiging “partner” nito ang DepEd sa pagbibigay…
Read MoreIpasasagot ng NTF sa PhilHealth MEDIAMEN LIBRE SA COVID-19 TESTING
PLANO ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Sec. Vince Dizon na magkaroon ng libreng coronavirus testing sa hanay ng ng media. Ayon kay Sec. Dizon, kanyang isusulong ang regular na COVID-19 testing sa mga miyembro ng media na nakaliligtaang sektor at maituturing ding frontliners. Sa plano ni Sec. Dizon, kada dalawang linggo ang test sa mga mamamahayag at libre ito sa Department of Health (DOH) sa pamamagitan ng PhilHealth. Kasama ni Dizon si Philippine Red Cross Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Sen. Richard Gordon nang…
Read MoreSOLON: MANANAKAY ‘DI SAFE SA ‘HILAW’ NA DOTr GUIDELINES
KUWESTYONABLE kay Senador Nancy Binay ang ipalalabas na transport guidelines ng Department of Transportation (DOTr) kung talagang ligtas ang mamamayan kapag tuluyan nang binuksan ang public transportation sector. Sa pahayag, tinanong ni Binay ang transport executive kung nasubukan at nasuri ang transport guidelines na ipatutupad sa general community quarantine (GCQ). Nangangamba si Binay na tila hindi ligtas at mahina ang pagpaplano ng guidelines na ipatutupad ng DOTr para sa mga pasahero. “This is not the time to stretch experiments. Improving mobility and maximizing space are important, but spending on costly…
Read MorePONDO PARA SA TESDA SCHOLARSHIP, IBALIK
HINIMOK ni Senador Joel Villanueva ang gobyerno na ibalik ang pondo para sa scholarship programs ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Binigyang-diin ni Villanueva na malaking tulong ito sa mga manggagawang nawalan ng trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic. Kinumpirma ng senador na naapektuhan ang pagbibigay ng training ng TESDA sa mga displaced worker at OFWs nang i- realign ang P2.3 bilyong budget nito para sa COVID-19 response. “Sa panahon natin ngayon, mas kailangan ang tech-voc upang iahon ang ating mga manggagawa sa kanilang sitwasyon,” saad ni Villanueva.…
Read More