ANTI-TERRORISM BILL, ‘DI PA NABABASA NI PDU30

duterte12

PINAG-AARALAN pa ng Office of the Executive Secretary (OES) ang isinumite sa Malakanyang na anti-terrorism bill ng dalawang Kapulungan ng Kongreso. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, bagamat nasa Malakanyang na ang panukalang batas, hindi pa rin ito naita-transmit sa lamesa ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Ito marahil aniya ang dahilan kung kaya’t hindi pa nakapagdedesisyon si Pang. Duterte kung ibi-veto o lalagdaan nito ang anti-terrorism bill. Sinabi ni Sec. Roque na posibleng may hinihintay si Pang. Duterte na mga paglilinaw mula sa mga mambabatas partikular na kay Sen. Panfilo…

Read More

5G WALANG MASAMANG EPEKTO SA KALUSUGAN — EXPERTS

HABANG gumagamit ang mundo ng teknolohiya upang harapin ang ‘new normal’, matindi rin ang pagsisikap na siraan ito at maghasik ng takot sa mga tao. Ang mga sumusulpot na teknolohiyang ito ay laging paboritong paksa ng mga malisyoso at walang batayang pahayag. Kamakailan, ang 5G ay naging paksa ng naturang mga pahayag sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kabilang ang United States at sa Europa. Ang 5G ang pinakabagong wireless internet connectivity na nangangako ng mas mabilis, mas mataas na bandwidth, at mas matatag na internet connections kumpara sa 4G.…

Read More

PAKIKIRAMAY BUMUHOS SA PAGYAO NI DANDING COJUANGCO

NAGPAHAYAG ng kanilang pakikiramay ang iba’t ibang sektor sa pagpanaw ng kilalang negosyante na si Eduardo “Danding” Murphy Cojuangco, Jr. Ayon sa ulat, binawian ng buhay si Danding sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, Taguig kagabi. Sinasabing matagal nang iniinda ng 85-anyos na negosyante ang lung cancer. Si Danding ay dating chairman at CEO ng San Miguel Corporation, ang pinakamalaking food and beverage company sa Southeast Asia. Dati siyang naging ambassador ng Pilipinas sa Estados Unidos at dating governor ng Tarlac. Si Danding ay naging chairman emeritus ng…

Read More

MARIA RESSA AT ABS-CBN

MAGKAHALINTULAD ang sigaw nina Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa at ang ABS-CBN na pagsikil sa malayang pamamahayag umano ang kanilang kinakaharap na problema na gawa ng kasaluku yang Administrasyon. Mahiya naman kayo, eh paano naman ang karapatan ng mga taong sinira ninyo ang pangalan at sakit na idinulot ninyo sa kanilang pamilya? Pag kayo ang nakasuhan dahil mayroon kayong nagawang paglabag sa batas, isinisigaw ninyo press freedom. Kakapal ng mukha ninyo. Itong si Ma. Ressa, nagdrama pa sa kanilang press con ference, may paiyak-iyak pa, yun bang luha at…

Read More

PROGRAMA NG OWWA PARA SA AKTIBONG OFWs

MAAARING hindi popular para sa maraming overseas Filipino workers (OFWs) ang a king tema. Pero, mayroon tayong kasabihan na ang nagsasabi nang tapat ay magsasama nang maluwat. Kaya sa pagkakataong ito ay “real talk” muna tayo. Tuwing ako ay nagpapaskil ng mga benepisyo o suporta ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga OFW ay sangkaterbang negatibong komentaryo o “bashing” ang aking natatanggap. Malimit nga na sabihin nila na ang tagal-tagal na nilang miyembro ng OWWA, pero kahit minsan ay hindi nila napakinabangan ang ahensiyang ito. May reklamo rin…

Read More

PAGTUGON NG GOBYERNO SA 300K UUWING OFWs, BUBUSISIIN SA SENADO

PAIIMBESTIGAHAN ni Senador Risa Hontiveros sa inihaing resolusyon ang plano ng pamahalaan sa reintegrasyon ng Overseas Filipino Workers na nawalan ng trabaho kabilang ang kanilang pamilya. Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na kailangan nang tapusin ang patuloy na problema at paghihirap ng OFWs na nawawalan ng trabaho upang suklian ang kanilang sakrispisyo sa bayan. “We must put an end to the suffering of our migrant workers and their families during this pandemic. Dapat may malinaw tayong plano para tugunan ang financial, medical at mental health needs ng dumaraming bilang ng…

Read More

139 kaso isinampa ng DILG vs local officials SABIT SA ANOMALYA SA SAP, TINULUYAN

TINATAYANG 139 kaso ang naisampa na ng Department of Interior and Local Govermment (DILG) laban sa local government officials na inireklamo sa maanomalyang paghawak ng pondo para sa cash subsidy program sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic. Sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Lunes, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na ang tips o sumbong mula sa 452 complainants ang naging dahilan ng imbestigasyon sa 649 lokal na opisyal. Mula sa bilang na ito, nakapaghanda ang PNP Criminal Investigation and Detection Group ng 250 cases kung…

Read More

PDU30 SA PUBLIKO: HINDI PA TAPOS ANG LABAN SA COVID-19

PINAALALAHANAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na panatilihin ang minimum health standards gaya ng physical distancing, pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay. Aniya, hindi pa tapos ang laban sa COVID-19. “We are gradually easing restrictions to make way for our economic viability as individuals and as a nation. But it does not mean that we will forget our minimum health standards,” ayon sa Pangulo sa kanyang public address nitong Lunes. Sinabi ng Pangulo na hindi pa ito 2nd wave ng COVID-19 kundi malinaw na tumaas lamang ang…

Read More

LOCALIZED LOCKDOWN SA NCR, HIHIGPITAN

MAGIGING agresibo ngayon ang gagawing pagpapatupad ng barangay lockdown Sa Metro Manila. Sa ginanap na pagpupulong sa Malakanyang, sinabi ni Department of Interior and Local Government Sec. Eduardo Año, na bagama’t lumiliit na ang bilang ng mga nasasawi dahil sa COVID-19, hindi naman nagkakaroon ng pagbaba ang mga tinatamaan nito. Ayon pa kay Sec. Año, ito ang dahilan kung kaya’t pinalawig pa hanggang June 30 ang ipinatutupad na general community quarantine (GCQ) sa buong Kamaynilaan. Nauna rito, inihayag ng Kalihim na noong Sabado ng gabi, nakipagpulong siya at ang mga…

Read More