BAGONG FERTILIZER SCAM HIHIMAYIN SA SENADO

MAGHAHAIN ng isang resolusyon si Senador Cynthia Villar upang imbestigahan ang panibagong fertilizer scam sa natuklasang overpriced na fertilizer contract sa Department of Agriculture (DA) na nangyari sa gitna ng paglaban ng pamahalaan sa corona virus 2019 (COVID-19). Sa pahayag, sinabi ni Villar na kanyang ipatatawag ang lahat ng agricultural stakeholders sa pagbubukas ng sesyon ng Senado sa huling Lunes ng Hulyo para sa ikalawang regular session ng 18th Congress. Aniya, nakatakda nang maghain ng isang panukalang resolusyon ang Senate committee on agriculture and food na kanyang pinamumunuan upang magkaroon…

Read More

66 NEW COVID-19 CASES SA REGION 8, PAWANG LSI

MGA indibidwal na nagbalik-probinsya ang 66 bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa Region 8. Ayon kay Secretary Carlito Galvez, Chief Implementer of the government’s national policy on addressing the coronavirus pandemic, na ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa nasabing rehiyon at sa lalawigan ng Lanao ay matapos pauwiin ang ilang locally stranded individuals (LSIs). “Pagdating po doon ay tinest po sila dahil po ‘yung Region 8 meron na po tayong dalawang testing center do’n, tinest po sila ng polymerase chain reaction machine, at mayroon po silang nakuha na…

Read More

Validation ng DOH, makupad – solon COVID-19 POSITIVE SA PINAS, 32K NA

HINDI 26,000 tulad ng ini-report ng Department of Health (DOH) ang COVID-19 positive sa Pilipinas kundi lagpas na umano ito sa 32,000 noong Hunyo 13, 2020 pa. Ito ang dahilan kaya kinalampag ni House assistant majority leader Bernadeth Herrera ang DOH na bilisan ang kanilang kilos para sa validation ng mga backlog upang makita ang tunay na larawan aniya ng COVID-19 cases sa bansa. “Based on the DOH website, there are 26,420 confirmed COVID-19 cases in the Philippines as of June 15. The Health department did not update its data…

Read More

4 KALABOSO SA P1.7-M SHABU

KALABOSO ang apat katao matapos makumpiskahan ng ng aabot sa P1.7 milyong halaga ng umano’y shabu buy-bust operations noong Lunes sa mga lungsod ng Caloocan at Navotas. Bandang alas-5:30 ng hapon nang isagawa ang operasyon sa kanto ng Sabalo at Sugpo Streets, Brgy. 8, Zone 1, Dist ll, Caloocan City kung saan nadakip sina Orlan Binarao, 25, ng 2760 Old Panadero St., Sta Ana; Joanna Marie Alonzo, 23, ng 2829 Javier St., Gagalangin, Tondo; at John Jendrix Tinagan, 28, ng 1567 Pedro Gil St., pawang ng lungsod ng Maynila. Nasamsam…

Read More

PEDI-GRAB IPAPALIT SA PEDICAB SA MAYNILA

MAGLULUNSAD ng mga “taxi-cle o pedi-grab” ang Maynila upang palitan ang mga lumang pedicab sa layuning maitaas ang dignidad ng mga de padyak na drivers sa lungsod. Ito ang iniulat ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagsabing ang bagong tri-wheel motorized vehicle na tinawag niyang ‘taxi-cle o ‘pedi-grab’ ay piso lamang ang down payment na hihingiin sa mga pedicab driver. Sa serye ng pakikipagpulong sa Pedicab Operators and Drivers’ association (PODA), sinabi ng alkalde na maraming de padyak na driver ang nagpahayag ng kanilang interes na magkaroon ng…

Read More

5 HOLDAPER SWAK SA REHAS

LIMANG hinihinalang holdaper ang nadakip ng mga tauhan ng Manila Police District sa follow-up operation sa Mel Lopez Boulevard (dating Road 10) sakop ng Port Area, Manila, iniulat ng pulisya. Kinilala ang mga suspek na sina Jesus Nacion, 28, kapatid nitong si Jasson, 20; Arnie Nacion, 25, ang pinsan ng magkapatid na si Juandren Narvalte, 18. At isang 17-anyos na binatilyo, pawang mga residente ng 12th Street, Port Area. Ang mga suspek ay nahaharap sa mga kasong robbery hold-up, physical injury at malicious mischief. Batay sa ulat na isinumite kay…

Read More

MANILA COURTS, 4-DAY LOCKDOWN

SIMULA Hunyo 15 hanggang Hunyo 19, isinailalim sa lockdown ang Manila courts sa Old Ombudsman Building na kinaroroonan ng mga sala ng Manila Regional Trial Court at Metropolitan Trial Court. Sa memorandum na inisyu ni Executive Judge Carissa Anne Manook-Frondozo, sa nabanggit na panahon ay ipagbabawal ang pagpasok ng sinuman sa nasabing gusali. Ang lahat ng mga empleyado na nag-oopisina sa gusali ay obligadong sumailalim sa self-quarantine, umiwas na magkaroon ng contact sa publiko, gayundin ay magsasagawa ng contact tracing sa lahat ng nakahalubilo ng mga ito sa sa nakalipas…

Read More

QC NAGTALA NG 5 BAGONG NAMATAY SA COVID

LIMANG panibagong kaso ng pagkamatay ang naitala sa Quezon City base sa pinakabagong resulta na inilabas ng Department of Health (DOH). Base sa ulat, hanggang Hunyo 15, ng DOH, ang Quezon City ay may naitalang limang bagong kaso ng pagkamatay ng COVID-19. Ito ay nagresulta ng kabuuang bilang ng pagkamatay sa nasabing siyudadsa bilang na 213. Sa nasabi ring petsa ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Quezon City ay umabot na sa 2,673. Ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso na may addresses sa siyudad ay kasalukuyang 2,592.…

Read More

GLOBE MAY LIBRENG WI-FI SA QUARANTINE AREA SA CLARK CITY

GLOBE-1

BILANG bahagi ng kanilang pagsisikap na suportahan ang government-designated quarantine facilities, ang Globe ay magkakaloob ng libre, maaasahan at mabilis na internet access sa We Heal As One Center-National Government Administrative Center (NGAC) sa New Clark City. Magbibigay ang Globe ng libreng wi-fi para sa mga uuwing overseas Filipino workers (OFWs), at sa mga nurse, doktor at iba pang medical staff sa pasilidad na ginawang quarantine area. “We acknowledge the essential need to provide mobile and internet services in areas for healing including designated quarantine centers, especially for our OFWs.…

Read More