PATULOY sa pagtaas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa bansa. Sa pinakahuling tala ng DOH ay may 607 na dumagdag sa bilang ng mga ito. 504 dito ang ‘fresh’ o newly validated cases na karamihan ay mula sa National Capital Region (NCR) habang 103 naman ang late cases at sa ngayon ay 25,392 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng sakit. Tumaas naman sa 5,706 ang mga nakarekober matapos dumagdag ang 252 na gumaling sa naturang sakit. Umakyat din sa 1,047 ang bilang ng mga namatay matapos…
Read MoreMonth: June 2020
DICT, DEPED, CHED TULOY ANG UGNAYAN PARA SA FREE WI-FI SA MGA PAARALAN
PATULOY ang pakikipag-ugnayan ng Department of Information Communications and Technology (DICT) sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) para mapabilis ang paglalagay ng mga free Wi-Fi Sa ibat ibang lugar sa bansa. Ayon kay DICT deputy spokesperson Atty. Adrian Echaus, bahagi ito ng ginagawang paghahanda ng ahensya upang matugunan ang pangangailangan ng maraming guro at mag-aaral para Sa online classes o blended learning na ipatutupad ng DepEd at cHED sa pagbubukas ng klase sa buwan ng Agosto. Ani Echaus, nag-issue na ng direktiba si DICT Sec.…
Read MoreGCQ O MGCQ? DEPENDE SA DESISYON NI PDU30
NASA kamay na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kapalaran ng community quarantine sa bansa. Ito’y matapos na ipinaubaya ng inter-agency body sa Chief Executive ang pagdedesisyon sa susunod na hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 habang binabalanse ang public health at ekonomiya ng bansa. “Meron na pong rekomendasyon. Ang rekomendasyon bahala na po si Presidente,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. “Nakikita natin na ang numero po medyo hindi bumababa sa Metro Manila at sa Cebu City. Pero kung anong gagawin, iniwan na po kay Presidente,” aniya pa…
Read MoreSTAYSAFE APP, HINDI PA APRUBADO NG DICT
PATULOY ang isinasagawang pag-aaral ng Department of Information Communications and Technology (DICT) sa staysafe Application. Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ni DICT deputy spokesperson Atty. Adrian Echaus na hinihintay na lamang nila itong matapos para malaman kung fit o maaari bang gamitin ang staysafe app para sa contact tracing ng mga nakasalamuha ng mga COVID-19 positive. Magiging depende na aniya sa ilalabas na guidance at direktiba ng mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na nagsasagawa ngayon ng collaboration effort ang magiging desisyon ng DICT kung puwedeng gamitin o hindi…
Read MoreMALI-MALING REPORT NG DOH, PINABUBUSISI
NAIS ni Senador Leila de Lima na imbestigahan ng Senado ang iba’t ibang isyu na bumabalot sa Department of Health (DOH) partikular ang mali-maling reporting nito. Sinabi ni de Lima na dahil sa mga mali-maling datos, nakukuwestyon ang reliability ng ahensya. Sa kanyang Senate Resolution 443, iginiit ni de Lima na ang tama at up-to-date na datos hinggil sa COVID 19 ang mabisang sandata ng bansa para labanan ang krisis. Iginiit ng senador na mahigit dalawang buwan na simula nang ideklara ang state of calamity, subalit tila hindi pa rin…
Read MorePDU30 HINIMOK NA PIRMAHAN NA ANG ANTI-TERROR BILL
HINIKAYAT ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na lagdaan na ang batas na naglalayong palakasin ang kampanya ng pamahalaan laban sa terorismo. Aniya, may sapat na panuntunan naman para maiwasan ang pang-aabuso. Ang rekomendasyon na ito ni Sec. Panelo ay matapos ang maingat at masusing pagrerebisa sa batas matapos ulanin ng kritisismo ang probisyon nito. Binalaan din nito ang mga kritiko sa ‘up-to 24-day warrantless detention period’ para sa mga suspected terrorist, at sa di umano’y kapangyarihan ng Anti-Terrorism Council na binigyang pahintulot na…
Read MoreKALAYAAN, MABUHAY (NGA BA)?
IPINAGDIWANG natin kahapon ang ika-122 taong kalayaan ng ating Inang Bayan… ang minamahal nating Pilipinas. Ang paglaya ng “lahing kayumanggi” sa mahigit 3 siglong pananakop ng Espanya. Salamat sa mga Bayaning Filipino na inalay ang buhay para makalaya sa mga Espanyol na naging malupit sa mga kalahi natin na tinawag nilang Indio lalong lalo na sa mga tulad nila Gat Andres Bonifacio, Gat Jose Rizal at mga Filipinong walang pangalan pero sila ang nagbigay lakas at puwersa kaya nagtagumpay ang himagsikan. Ika nga ni Andres Bonifacio na utak ng KKK…
Read MoreBILHIN NG LGUs MGA GULAY NG MGA MAGSASAKA
NABANGGIT ni Senador Francis Pangilinan sa kanyang press statement nitong Hunyo 10 ang ibinalita ni Agriculture Secretary William Dar na mahigit dalawang bilyon daw ang binili ng mga pamalaang lokal na mga gulay at prutas ng mga magsasaka nitong panahong ng enhanced community quarantine (ECQ). Ang mga nabiling kalakal ay isinama ng local government units (LGUs) sa kanilang food reliefs sa kani-kanilang nasasakupan. Kalahating totoo, kalahating kasinungalingan ang pahayag ni Dar. Kalahating totoo dahil totoo namang mayroong mga LGU na namili ng mga gulay at prutas mula sa mga magsasaka…
Read MoreDSWD binalaan sa ‘palusot’ SAP2 SA MGA TSUPER PINAMAMADALI
INAASAHAN ng isang senador na titigil na ang mga pinuno ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagpapalusot sa pamamahagi ng ikalawang bugso ng ayudang pinansiyal sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan. Ang tinutukoy ni Senadora Grace Poe ay ang ikalawa at huling parte ng Social Amelioration Program (SAP) na itinakda ng Bayanihan to Act as One. Natapos ang buhay ng Bayanihan Law nitong Hunyo 5. Hindi pa naipasa ng Kongreso ang Bayanihan Act 2 o ang Bayanihan to Recover as One na pumapalo sa P140 bilyon hanggang…
Read More