NIA KINALAMPAG SA SIRANG RUBBER GATE NG BUSTOS DAM

UMAPELA sa National Irrigation Administration (NIA) ng agarang aksyon si Bulacan Governor Daniel Fernando para mapalitan ang lahat ng rubber gates ng Bustos Dam matapos bumigay ang isa mga ito madiskubreng depektibo ang ginamit na materyales dito. Sa isinagawang ocular inspection nitong Martes sa sa paanan kung saan nakadisenyo ang rubber gates, ipinakita ni Fernando sa mga opisyales ng NIA ang bumigay na Rubber Gate Bay 5 kung saan nabatid na ang ginamit na materyales ay ‘made in China’. “I will do everything in my power to safeguard the Bulakenyos…

Read More

PHIL. ARENA HANDA NA SA PAGDAGSA NG UUWING OFWs

NAKALATAG na ang mga kaukulang preparasyon ng Philippine Arena quarantine facilities sa pagdating ng tinatayang 300,000 Overseas Filipino Workers na magbabalik-bansa dulot ng epekto ng COVID-19 pandemic. Ayon sa pamunuan ng Philippine Arena, ang kanilang pasilidad ay magpapatuloy sa pagtanggap at pagtulong sa mga uuwing Pilipino sa kanilang We Heal as One Center na matatagpuan sa napakalaking istruktura ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Bocaue, Bulacan. Ayon kay Maligaya Development Corporation Chief Operating Officer Atty. Glicerio “Ka GP” Santos IV, “alam natin na mayroon pa rin tayong libo-libong kababayan na…

Read More

BALIK PROBINSYA SUSPENDIDO

SINUSPINDE ng pamahalaan ang implementasyon ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa Program upang gamitin ang resources o pondo para rito sa pagpapaalis ng mga stranded individual sa Metro Manila patungo sa mga lalawigan. Sinabi ni National Housing Authority (NHA) General Manager Marcelino Escalada Jr. na nagbigay si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng malinaw na kautusan para tulungan ang mga tao na-stranded dahil sa COVID-19 restrictions. “This was a clear instruction from the President, unahin pauwiin ang ating mga kababayan na stranded dito sa Maynila and these are the OFWs (Overseas Filipino…

Read More

BUWIS SA ONLINE SELLERS, INALMAHAN

INALMAHAN ni Senador Risa Hontiveros ang plano ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na magpataw ng buwis sa mga nagsasagawa ng online selling. Iginiit ni Hontiveros na sa halip na online sellers, dapat unahing singilin ng gobyerno ang P50 bilyong hindi pa rin nababayarang buwis ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). Ipinaliwanag ng senador na maliit lamang ang kita ng nga online seller na pandagdag lamang nila sa pang-araw-araw na gastusin kaya’t hindi makatarungan na perwisyuhin pa sila ng BIR. “Bakit ba ang luwag natin sa POGO pero ang lupit…

Read More

ILEGAL NA OPERASYON NG RESORT SA LAGUNA, BUKING SA NALUNOD NA GUEST

CALAMBA CITY – Ipinasara ng lokal na pamahalaan ng siyudad na ito ang isang resort na natuklasang patagong nag-operate matapos malunod ang isa sa mga guest nito noong Martes. Ayon sa ulat, nalunod ang limang taong gulang na batang babae sa 4ft. na lalim ng swimming pool sa hindi pinangalanang resort sa Brgy. Pansol, Calamba City. Agad dinala ang bata sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot nang buhay. Dahil sa pangyayari, natuklasan ng lokal na pamahalaan na nagbukas ang resort sa kabila na ipinagbabawal pa ito sa ilalim ng…

Read More

CAINTA LGU MAGTATAKDA NA RIN NG BIKE LANE

NGAYONG parami nang parami ang gumagamit ng bisikleta sa gitna ng pinaiiral na community quarantine, nagpasya ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Cainta sa Rizal na maglagay na rin ng bicycle lane upang masiguro ang kaligtasan ng mga biker. Sa naturang bayan ay marami na ring manggagawa ang nagbibisikleta sa pagtungo sa trabaho at pag-uwi dulot ng kahirapang sumakay dahil hindi pa rin pinahihintulutang bumiyahe ang mga jeepney kahit nasa GCQ na ang Rizal. Ayon kay Mayor Kit Nieto, maglalagay ng bicycle lane sa mga pangunahing kalsada tulad sa…

Read More

JANE DE LEON, NAAAWA SA MGA BAGUHANG ARTISTA NG ABS-CBN

LABIS na ikinalungkot ni Jane de Leon ang nangyari sa maraming baguhang artists ng ABS-CBN sa pansamantalang pagkakasara ng TV network noong May 5, 2020 dahil sa bisa ng cease and desist order na inisyu ng National Telecommunications Commission (NTC). Si Jane ay ilan lamang sa mga baguhang artista na nagsisikap makagawa ng pangalan sa tulong ng ABS-CBN, pero dahil nagsara ang istasyon, wala pang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari sa kanila. “Sobrang nalungkot po ako nung nag-sign-off na ang ABS-CBN dahil hindi pa po ako makapaniwala na wala na,…

Read More

MALILIIT NA NEGOSYANTE KUMAKAPIT NA SA UTANG

LIBONG maliliit na negosyante na ang kumakapit sa utang o loan upang maipagpatuloy ang pagnenegosyo matapos maapektuhan nang husto sa pinairal na enhanced community quarantine. Ito ang lumabas sa virtual hearing ng House committee on micro, small and medium enterprises (MSMEs) kaugnay ng kalagayan ng maliliit na negosyante sa bansa sa gitna ng pandemya. Ayon kay Frank Gonzaga, head ng Small Business (SB) Corporation, mula Abril, umaabot na sa 110,137 MSMEs operators ang nagtanong kung papaano makautang ang mga ito upang maipatuloy ang kanilang pagnenegosyo. Sa nasabing bilang, 287 loan…

Read More

IMPORTASYON NG MANOK TINUTULAN

TUTOL si Senate President Pro Tempore Ralph G. Recto sa plano ng Department of Agriculture (DA) na mag-import ng manok para matulungan ang mga local chicken grower. Sinabi ni Recto na nagtataka ito na sa kabila ng pagmamalaki ng DA na aabot sa 160 days ang supply ng manok ay uunahin pa ang mag-import. “Ipinagmalaki mismo ng DA sa kanilang State of the Food Report noong Mayo 21 na aabot sa minimum na 160 days ang supply ng manok, at sa best case scenario ay 314 days. Sa average scenario…

Read More