KALAHATING Filipino na nga si Eugenio “Gabby” Lopez III, hindi pa ito tapat sa pagiging Filipino. Sa esensya, ito ang punto ni Supreme Court Justice Noel Tijam nang magbigay siya ng kanyang pananaw o obserbasyon sa pahayag ni Lopez sa mga kongresista habang binubusisi ng mga mambabatas ang kanyang pagkakaroon ng dalawang pagkamamamayan sa Kamara de Representantes ilang araw na ang nakalilipas. Si Tijam ay retiradong mahistrado, ngunit kasapi ng Judicial Bar Council (JBC) bilang kinatawan ng akademya. Ang JBC ang pumipili ng mga kandidato na maging kasapi ng mataas…
Read MoreMonth: June 2020
MALAKANYANG: 2ND TRANCHE NG AYUDA TULOY KAHIT MAG-EXPIRE ANG BAYANIHAN ACT
TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na maipamamahagi ang second tranche ng COVID-19 cash aid sa mahihirap na pamilyang Filipino kahit na ang batas na sumasakop dito ay mag-expire ngayong buwan. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang June 25 expiry ng Bayanihan to Heal as One Act ay hindi makaaapekto sa second round ng cash assistance para sa mahihirap na pamilyang Filipino sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan. “Hindi po apektado ng expiration ‘yan dahil ‘yung obligasyon at ‘yung pera ay naririyan naman po,” ayon kay Sec.…
Read MoreFB GLITCHES IPINAUBAYA NG MALAKANYANG SA NPC, NBI
IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa National Privacy Commission (NPC) at National Bureau of Investigation ang pag- iimbestiga sa napaulat na pagsulpot ng mga peke at duplicate na Facebook account ng ilang estudyante, mamamahayag at maging mga pribadong indibidwal kasunod ng mga protesta laban sa anti-terror bill. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ipinagbabawal at pinarurusahan sa ilalim ng Cybercrimes Act ang mapatutunayang nasa likod ng usaping ito. “sapat po na ang ating Privacy Commission is investigating the matter and I think the NBI is also investigating this matter dahil…
Read More1 PANG MAMBABATAS TUMALON SA LAKAS-CMD
IKINATUWA ni House Majority Leader at Leyte Representative Martin Romualdez ang pagkakaroon ng panibagong miyembro ng Partido Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) matapos ang isang oath taking ceremony kamakalawa. Sa kasalukuyan ay nasa 35 na ang miyembro ng LAKAS-CMD sa House of Representatives kabilang na ang 18 Party-list allies. “We are in the process of beefing up our ranks by recruiting more lawmakers. We are working very hard to keep with our promise to solidify and strengthen our political influence,” ani House Majority Leader Rep. Romualdez na siyang presidente ng Lakas-CMD…
Read MoreMERALCO MAY BAWAS-SINGIL NGAYONG HUNYO
BABABA ang singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong Hunyo. Ito ay dahil sa ipatutupad na bawas-singil ng naturang kumpanya kasunod ng naranasang ‘bill shock’ noong Mayo. Sa abiso ng Meralco, 2.16 centavos per kilowatt hour ang ibababa sa singil sa kuryente ngayong buwan. Kaya para sa mga kumokonsumo ng 200kw kada buwan, P4 ang bawas sa kanilang June billing. Anim na piso naman ang bawas sa kada 300khw, P8 sa kada 400kwh at P12 para sa mga kumokonsumo ng 500kwh kada buwan. Ang bawas-singil ay bunsod ng…
Read MoreCOVID-19 DEATH SA QC, 194
UMAKYAT na sa kabuuang 194 ang bilang ng mga nasasawi sa coronavirus disease 2019 sa lungsod ng Quezon matapos itong madagdagan ng dalawa noong isang linggo. Samantalang ang mga nakarekober sa sakit ay mayroon nang 1,134. Batay sa impormasyon ng QC Health Office, nadagdagan ng 51 ang bilang ng nakarekober sa lungsod sa nagdaang linggo. Nadagdagan naman ng 82 ang mga nagpositibo sa virus kaya mayroon nang 2,376 COVID-19 positive cases sa lungsod. Sa mga positibong kaso, 2,273 ang may kumpirmadong kumpletong address sa Quezon City habang 2,198 ang bilang…
Read MoreCHINA, KUNG NAGING RESPONSABLE LANG SANA
Noong ilabas ng Philippine Statistic Authority (PSA) ang kanilang report na umabot na sa ‘double digit’ (17.7%) ang unemployment rate na epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at umaabot na sa P1.2 trilyon ang nawala sa gobyerno, gustong kong sigawan at sabihin sa China: “tingnan n’yo ang ginawa n’yo sa Pilipinas!” Kung naging responsable lang sana ang China, hindi natin pagdadaanan ang pandemya sa COVID-19 at hindi mawawalan ng trabaho ang may 5 milyong Filipino sa isang iglap lang sa loob ng dawalang buwan. Mas darami pa ang mawawalan ng…
Read MoreWALANG TURISTA, MAYROONG TERORISTA
MAY nag-request sa PUNA na isulat daw natin ang mainit ngayong isyu, ang Anti-Terrorism Bill na isinusulong sa Kongreso. Tanong nila sa atin, bakit daw tinututulan ito ng mga taga-oposisyon at ilang showbiz personalities? Tatamaan daw ba sila nito? Hindi ba kaya nga Anti-Terrorism Bill dahil laban ito sa mga terorista? Ayaw daw ba nilang tumahimik ang bansa natin? May punto po ang sinasabi ng ating mga taga-subaybay na matagal nang naghihirap ang taumbayan dulot ng mga magugulong grupo. Kung hindi naman sila sumusuporta sa mga terorista bakit naman nila…
Read MoreGCQ PARA SA MULING PAGBANGON NG EKONOMIYA SA GANANG AKIN
ANG pagtatapos ng buwan ng Mayo ang naging hudyat nang pagtatapos ng enhanced community quarantine (ECQ) sa bansa partikular na sa Metro Manila. Sa unang araw ng Hunyo sinimulang ipatupad ng pamahalaan ang general community quarantine (GCQ). Ang pagluwag ng restriksyon mula ECQ patungong GCQ sa kabila nang patuloy na pagtaas ng bilang ng positibong kaso ng COVID-19 sa bansa ay nangangahulugan na ang desisyong ito ay ginawa ng pamahalaan hindi dahil sa handa na tayo kundi dahil kailangan nang umpisahan ang pagbangon at pagbabalik-operasyon ng ekonomiya. Ang pagpapatupad ng…
Read More