TULONG SA OFWs NA UMUWI SA DAVAO REGION, UMABOT NA SA P31-M

DAVAO City – Aabot sa P31 milyong halaga ng tulong ang naipagkaloob sa mahigit 1,000 overseas Filipino workers na nakauwi sa Davao Region, ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE-XI). Sinabi ni DOLE-XI Mediation Arbitration and Legal Services Unit chief, Atty. Connie Torralba, simula nang tumama sa buong mundo ang coronavirus disease, kabilang sa mga lubhang apektado ang OFWs dahil karamihan sa pinaglilingkuran nilang mga establisiyemento ay nagsarado. Ayon kay Torralba, ito ang dahilan kung bakit gumawa ng inisyatibo ang DOLE upang makatulong sa mga OFW sa…

Read More

SUMALPOK SA CENTER ISLAND, RIDER PATAY

CAVITE – Hindi na naisalba ang buhay ng isang 27-anyos na lalaki nang sumampa sa center island ang minamanehong motorsiklo sa Dasmarinas City sa lalawigang ito. Namatay habang ginagamot sa Pagamutan ng Dasmarinas City ang biktimang si Jonathan Ron Panaligan, ng Block 4, Lot 1, Phase 2, San Jose Town Homes, Pasong Camachile, Gen. Trias City. Ayon sa ulat ni Patrolman Norman Guerra ng Dasmarinas City Police Station, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo binabagats ang kahabaan ng Governor’s Drive dakong alas-3:45 ng madalaing araw nang pagsapit sa harapan ng…

Read More

BAYAW NI MISIS, ITINUMBA NI MISTER

CAVITE – Bunsod nang matinding selos pinagsasaksak at napatay ng isang lalaki ang bayaw ng kanyang misis sa bayan ng Ternate sa lalawigang ito. Hindi umabot nang buhay sa Maragondon Municipal Hospital ang biktimang si Jonnel Dolloso, 36, ng Sitio Ubasan, Brgy. Poblacion 1A, Ternate, habang arestado naman ang suspek na si Rowel Rodriguez. Sa ulat ni P/SMsgt, Andres Agcaoili ng Ternate Municpal Police Station, dakong alas-6:30 noong Biyernes ng gabi, nang dumating ang biktima sa kanilang bahay ang biktima ay bigla na lamang itong pinagsasaksak ng suspek. Nauna rito,…

Read More

4 SUNDALO PATAY, 17 SUGATAN SA ABU SAYYAF

SULU -Apat na mga tauhan ng Philippine Army ang namatay habang 17 pa nilang kasamahan ang nasugatan makaraan ang sagupaan ng mga tauhan ng mga Western Mindanao Command at mga Abu Sayyaf terrorist sa bayan ng Patikul sa lalawigang ito. Ayon kay Major Arvin Encinas, tagapagsalita ng WESTMINCOM, nagsasagawa ng combat operation ang mga tauhan ng 6th Special Forces Battalion nang masabat ang 40 kasapi ng local terrorist group sa Sitio Lagaron, Brgy. Kan-Ague sa Patikul. Agad nagkaroon ng matinding sagupaan na tumagal may 40 minuto bago tuluyang umatras ang…

Read More

2 BATA PATAY, 3 SUGATAN SA LANDSLIDE SA DAVAO

DIGOS City – Binawian ng buhay ang magkapatid na bata makaraang gumuho ang kanilang bahay dahil sa landslide sa Sitio Batangon, Brgy. Binaton sa llungsod na ito. Kinilala ni Lieutenant Col. Vici Anthony Tababa, hepe ng Digos City Police Office, ang mga biktimang sina Roniel Jay Laguna, 13, at Roxel, 10-anyos. Habang sugatan naman ang 7-anyos na kapatid ng mga biktima, inang si Mary Jean, 29, at amain na si Dommy Aquil, 31- anyos. Ayon sa ulat ng pulisya, bumuhos ang malakas na ulan noong Huwebes ng gabi at dakong…

Read More

MARIPOSA HOTEL, IPINASARA

RIZAL – Tuluyang ipinasara ni Taytay Municipal Mayor Joric Gacula ang Mariposa Hotel na lantarang lumabag sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force on COVID-19 dahil sa patuloy na operasyon sa kabila na ang kanilang bayan ay nasa ilalim ng general community quarantine. Sa pangunguna nina Taytay Tourism Department head Rod Santos, Taytay Business Permit and License Officer Judith Ines, Taytay Police Chief, Major Rodel Ban-o, tinungo ang mga awtoridad noong Biyernes ang Mariposa Budget Hotel at ipinad-lock ang nasabing establisimiyento Bago tuluyang ipinasara ang hotel, inabisuhan ang lahat ng mga…

Read More

Pinoy mas gustong mag-stay at home kahit GCQ UMIIWAS SA VIRUS MAS MARAMI KAYSA PASAWAY

BAGAMAN may mga nakikitang pagsisikip sa daloy ng trapiko sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila ay mas marami ang Filipino na nananatili sa kanilang bahay kaysa sa mga pasaway. Ayon sa National Task Force Against COVID-19 chief implementer, mas pinipili pa rin ng nakararami na manatili sa kanilang bahay sa gitna ng nararanasang pandemya sa kabila ng pagluluwag sa ipinatutupad na community quarantine protocols. Sa ginanap na Laging Handa briefing, inihayag ni Secretary Carlito Galvez Jr., na sa kasalukuyan ay nakararanas ng minimal traffic sa mga “key convergence area”…

Read More

Higit 21K na KASO NG COVID-19 SA PINAS, NADAGDAGAN PA

PATULOY sa pagdagdag ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease 2019. Sa huling ulat ng Department of Health, umaabot na sa 21,340 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Ito ay matapos makapagtala ang ahensya ng 714 na panibagong kaso. 111 naman ang panibagong nadagdag sa bilang ng recoveries na umaabot na sa kabuuang 4,441. Habang ang mga nasawi ay nadagdagan pa ng pito kaya umakyat na sa bilang na 994 ang kabuuan nito. Samantala, walong Filipino ang nadagdag sa panibagong bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa ibang bansa.…

Read More

Bagong mukha ng palengke sa Binangonan “I-CHAT MO, DADALIN KO”

SA umiiral na patakarang nagtatakda ng limitadong galaw ng tao, lumikha ang bayan ng Binangonan ng bagong mukha ng kanilang pamilihang bayan — “i-chat mo, dadalin ko.” Sa unang araw ng proyektong bunga ng pinagsamang sikap ng lokal na pamahalaan at mga volunteer group sa likod ng Binangonan Action Center, hindi na kailangang lumabas ng kani-kanilang tahanan ang mga nagnanais tumungo sa pamilihang bayan upang mamalengke, saad ng mensahe ni Russel Callanta Ynares na siyang utak ng programang tinawag na “ePalengke.” Gamit ang isang mobile app, icha-chat na lang aniya…

Read More