IKINALUNGKOT ng Malakanyang ang “record-high” unemployment rate sa buwan ng Abril. Para kay Presidential spokesperson Harry Roque, hindi na ito nakagugulat dahil sa epektong dala ng lockdown measures sa Luzon. Umakyat kasi ang unemployment rate sa 17.7 percent noong Abril na may katumbas na 7.3 million Filipino workers. Iniulat ni National statistician Claire Dennis Mapa na ito ang preliminary results ng labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA). “We are saddened – albeit unsurprised – by the April 2020 unemployment rate released by the Philippine Statistics Authority which registered…
Read MoreMonth: June 2020
Iba pang paglabag uungkatin sa Lunes KAMARA MARAMI PANG ‘BALA’ VS GABBY LOPEZ
HINDI pa tapos ang mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso sa paggisa kay Eugenio “Gabby” Lopez III sa kanyang pagiging American citizen habang kasama sa mga may-ari ng ABS-CBN bukod pa sa ibang paglabag. Inatasan ni House committee on legislative franchise chairman Franz Alvarez, si Lopez na muling humarap sa pagpapatuloy ng pagdinig sa kanilang prangkisa at umano’y paglabag ng ABS-CBN sa batas, sa Lunes, Hunyo 8. Noong Miyerkoles, Hunyo 3, ay humarap si Lopez sa joint hearing ng komite ni Alvarez at House Blue Ribbon committee ni Bulacan…
Read MoreTRIKE BALIK-PASADA NA SA MAYNILA
PUWEDE nang bumiyahe ang mga tricycle driver sa mga lansangan sa lungsod ng Maynila. Mismong si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang nag-utos sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na hayaan nang makabiyahe ang mga tricycle driver. Gayunman kailangan din sundin ang mga patakaran ng bawat driver matapos iutos ng alkalde kay MTPB Chief Dennis Viaje na babantayan ang posibleng over pricing ng pasahe at i-impound ang tricycle kapag napatunayang lumabag dito. Maari lamang sumingil ang mga trike driver ng P20 kada unang kilometro at karagdagang P5 sa…
Read MoreOPISYAL NG MANILA POLICE DISTRICT, KINASUHAN NG RAPE, ABORTION
BUKOD sa kasong kriminal, nahaharap din sa kasong administratibo ang isang opisyal ng Manila Police District (MPD) matapos akusahan na gumasa ng isang babaeng police trainee at pinilit na ipalaglag ipinagbubuntis noong Marso. Kasabay nito, iniutos ni MPD Director P/BGen. Rolando Miranda ang pagsibak sa puwesto sa suspek na si P/Cpt. Heherson Zambale, hepe ng Barbosa Police Community Precinct ng Sta. Cruz Police Station. Nangyari umano ang pangagahas noong Marso 7 ng suspek sa biktima na isang Criminology student at nag-aplay para sa ‘on-the-job training’ sa naturang istasyon. Nalaman na…
Read More30 KAWANI NG BRGY. SOUTH TRIANGLE, QC, POSITIBO SA COVID-19
PANASAMANTALANG sinuspinde ng Barangay South Triangle sa Quezon City ang kanilang operasyon kasunod ng resulta ng isinagawa nilang rapid test na 30 sa kanilang mga empleyado ay positibo sa COVID-19. Ayon sa post sa Facebook page ng barangay, tatlong araw na isususpinde ang kanilang operasyon para sa isasagawang disinfection sa kanilang tanggapan. Kasalukuyang naka-quarantine ang mga empleyado ng barangay habang nakatakda rin silang isailalim sa polymerase chain reaction test. Sa pinakahuling tala ng Department of Health, nasa 2,294 na ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod. (KIKO CUETO)…
Read More20 PASYENTE SA DAVAO GUMALING SA COVID
DAVAO CITY – Inanunsyo ng Davao Oriental Task Force on COVID-19, ayon sa report ng Department of Health (DOH)-Davao Region at Southern Philippine Medical Center (SPMC), na nakarekober na ang 12 positibo sa nasabing sakit. Ikinatuwa ng mga residente sa bayan ng Banay-Banay at San Isidro na negatibo na sa “repeat swab test” noong Mayo 30 ang 12 na nagpositibo, kabilang ang walong overseas Filipino workers (OFWs) at apat na may travel history sa Maguindanao province. Ngunit ayon kay Provincial Task Force on COVID-19 action officer Dr. Reden Bersaldo, sasailalim…
Read More8 ARESTADO SA ILLEGAL QUARRYING
INARESTO ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) ang walong indibidwal na sangkot sa illegal quarrying sa Tarlac City. Ayon kay NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric B. Distor, ang mga arestado ay kinilalang sina Rene Santiago, Joseph Acuña, Norman Ibasco, Jeovy Mojello, Raul Laxamana, Ernesto Torres, Reynaldo Balajadia at Ryan Santos. Inaresto ang mga suspek matapos makatanggap ng impormasyon ang NBI na may nangyayaring quarry operation at processing ng mga mineral sa Brgy. Telabanca, Concepcion, Tarlac. Ang mga suspek ay inaresto dahil wala umanong maipakitang permit mula…
Read More1 SA ‘MORONG 43’ NAPATAY SA SAGUPAAN
ORIENTAL Mindoro – Patay ang isang babaeng umano’y health worker na miyembro umano ng NPA, at isang batang lalaking sibilyan naman ang nasugatan, sa pakikisagupa sa militar sa Brgy. Mangangan Uno, bayan ng Baco sa lalawigang ito noong Huwebes. Kinilala ni Col. Jose Augusto Villareal, Commander ng 203rd Infantry Brigade ang napatay na si Lorelyn Saligumba alyas Fara, isang political instructor ng KLG ICM Platoon Dos, at miyembro umano ng tinaguriang “Morong 43”na nagpanggap na grupo ng health workers na konektado sa NPA. Nangyari ang sagupaan ng mga sundalo at…
Read MoreONLINE SELLER DEDBOL KAY UTOL
LAGUNA – Patay ang isang 21-anyos na dalaga makaraang saksakin ng kanyang nakababatang kapatid nang sermunan ng una sa Sta. Rosa City sa lalawigang ito noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si Lyka Caserez de Guzman, online seller, residente ng Brgy. Market Area, Sta. Rosa City. Batay sa report ng Sta. Rosa City police, sinaksak ng kanyang kapatid na si Jaylord Caserez Magsumbol, 18, ang biktima makaraan ang mainitan nilang pagtatalo sa kanilang apartment. Magkapatid lamang sa ina ang dalawa ngunit magkasamang naninirahan sa isang bahay. Umuwi umanong lasing…
Read More