PEDICAB PAPADYAK NA SA HIGHWAY

MAAARI nang bumiyahe sa mga national highway ang mga sidecar. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na puwede nang bumiyahe ang mga sidecar sa mga highway ngayong karamihan ng lugar sa bansa ay nasa ilalim na ng general community quarantine (GCQ) at modified GCQ (MGCQ). “Pinapayagan na po ngayon ang mga sidecar sa national highways,” ani Sec. Roque. “‘Yan po ay para maibsan ang kakulangan ng transportasyon ngayong nag-GCQ na at MGCQ sa maraming areas,” dagdag pa niya. Matatandaang ipinagbawal kamakailan ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga tricycle at…

Read More

RUTA NG BUS, DARAGDAGAN

INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga transport official na magdagdag ng bus routes sa Metro Manila para maginhawaan ang mga mananakay na labis na dumaraing ngayong general community quarantine dahil sa kawalan ng masasakyan. Ang Metro Manila ay isinailalim na sa ‘less stringent GCQ’ ngayong linggo subalit ang public transport services ay nananatiling limitado dahilan para mapilitan ang mga mananakay na maglaan ng ilang oras sa lansangan para lamang makarating sa kanilang destinasyon. “Ramdam din po ng Presidente ang hirap ni Juan dela Cruz sa pagko-commute,” ayon kay…

Read More

SIMBAHAN BUBUKSAN NA SA MGCQ

MAAARI nang magdaos ng religious gatherings ang mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine. Iyon nga lamang, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ay kailangan na maximum ng 50%’ worship venue capacity lamang. Ani Sec. Roque, ang desisyon ay ginawa ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases matapos umapela ng partial reopening ang mga lugar ng sambahan. Tanging limang katao ang maaaring dumalo sa religious gathering sa lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine at 10 katao naman sa mga lugar na…

Read More

KASO NG COVID-19 SA BANSA, HIGIT 20K NA

LUMAGPAS na sa 20,000 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos magtala ng karagdagang 634 ngayong araw, ayon sa Department of Health (DOH). 321 sa 634 ang late confirmed cases habang 313 naman ang fresh cases at nasa 20,382 na ang kabuuang bilang nito. Sa ngayon ay umabot na sa 984 ang kabuuang bilang ng mga namatay dahil sa sakit matapos magtala ng 10 karagdagang bilang. Samantalang umakyat naman sa 4,248 ang bilang ng mga nakarekober na sa naturang sakit matapos madagdagan ng 95. D. ANIN 205

Read More

HB No. 78 isang pagtatangka para alisin ang telcos bilang public utilities – Carpio CHINA TELECOM THIRD TELCO?

PINALUSOT ang House Bill No. 78 para makakawala ang telcos mula sa 60 percent Filipino ownership requirement ng Konstitusyon, ayon kay dating Supreme Court Justice Antonio Carpio. Ang HB No. 78 ay inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso noong Marso 10, 2020, isang linggo bago isailalim ang Metro Manila at ang ilang bahagi ng bansa ni Presidente Rodrigo Duterte sa enhanced community quarantine para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 o COVID-19. “That House bill, if approved by the Senate, will amend the Public Service Act to exclude telcos…

Read More

Kumilos na kaya ang DOTr? SOLON: UPAHAN, AYUDAHAN ANG MGA TSUPER

KIKILOS na kaya sa pagkakataong ito ang kalihim ng Department of Transportation (DOTr) sa panawagan ni Senadora Grace Poe hinggil sa pagtulong ng kagawaran sa mga tsuper ng mga dyip? Sumulpot ang importanteng katanungang ito nang manawagan si Poe sa pamunuan ng DOTr, sa pangunguna ni Kalihim Arthur Tugade, na upahan at ayudahan ang mga tsuper ng dyip na sumunod naman sa mga alituntunin at kahilingan ng pamahalaan sa magiging itsura at sistema ng mga bibiyaheng pampublikong sasakyan ngayong hindi pa rin natutuldukan ang suliranin ng bansa sa coronavirus disease-2019…

Read More

MALAKANYANG: VFA TERMINATION, NASUSPINDE LANG

“NAPAKALALIM ng sagot ko dyan, I defer to SFA.” Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque sa utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na suspendihin ang pagkalas ng Pilipinas mula sa Visiting Forces Agreement nito kasama ang US. “Antayin nyo, bukas kami mag-uusap ni Presidente,” ayon kay Sec. Roque. Inamin ni Sec. Roque na dalawang linggo na niyang alam ang usaping ito ngunit wala siyang narinig mula sa Chief Executive ukol dito. “Alam mo, alam ko na yan two weeks ago, pero I did not hear it from the…

Read More

Ikinukonsidera ng Palasyo sa mga ‘di pa makapasada JOBLESS NA TSUPER GAWING CONTACT TRACERS

MAAARING i-hire bilang contact tracers ang mga out of work jeepney driver sa kampanya ng pamahalaan laban sa novel coronavirus pandemic. “We are actually considering alternative livelihoods for them. There’s a suggestion that they be employed as contact tracers because we do need about 120,000 of them and its only about 30,000 employed so far,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Nangangailangan ang Pilipinas ng 95,000 mahigit na contact tracers para sa COVID-19 response. Sa kabilang dako, sinabi ng health department na ang bansa ay may 38,000 contact tracers sa…

Read More

SENIORS, BUNTIS PRAYORIDAD SA COVID-19 TEST

IPAPRAYORIDAD ng gobyerno sa gagawing mass testing sa COVID-19 sa pamamagitan ng Polymerase Chain Reaction (PCR) ang mga senior citizen, buntis at iba ng sektor ng lipunan. Ito ang nakasaad sa House Bill (HB) 6865 na inakda ni Iloilo Rep. Janette Garin na pinagtibay na sa ikalawang pagbasa at inaasahang aaprubahan sa huling pagbasa bago ang sine die o pagsasara ng first regular session ng 18th Congress. Bukod sa matatanda at buntis, ipaprayoridad din sa PCR, ang mga health care worker, food handlers, public market vendors, sales people sa groceries…

Read More