NASAMSAM ng pinagsanib na pwersa ng Rizal PNP at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang P6.8 million halaga ng shabu sa buy-bust operation sa lungsod ng Antipolo kagabi. Nadakip sa operasyon ang suspek na kinilala ni PDEA Dir. Gen. Wilkins Villanueva na si John Lennon Tadena, alyas “Lin”, 23-anyos, residente ng Zontaville, San Isidro. Nakumpiska sa suspek ang tinatayang isang kilo ng shabu na may market value na P6.8 million at tatlo pang sachet ng pinatuyong marijuana. Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of…
Read MoreMonth: June 2020
DOTr, LTFRB binira sa paghihirap ng commuters NCR KULANG NG 58K JEEPNEY
KUMBINSIDO si Senadora Grace Poe na hindi makatao ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung ipipilit nilang modernong dyip lang ang papayagan nilang pumasada. “Hindi makataong ipilit ang modernisasyon lalo na kung marami sa ating mga jeepney driver ang kumakalam ang sikmura dahil hindi nakakapasada,” tirada ni Poe, pinuno ng Senate Public Services Committee. Pahayag ito ni Poe matapos na modernong dyip lamang ang pinayagan ng DOTr at LTFRB na pumasada simula nitong Hunyo 22. Si Secretary Arthur Tugade ang…
Read MoreIloilo LGU umaksyon sa nakawan ng kuryente CRACKDOWN VS JUMPER
NAGBANTA si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na mananagot sa batas ang mga nasa likod ng pagnanakaw ng kuryente sa nasabing lungsod na itinuring nito bilang isa nang “organized business”. Ang banta ay ginawa ni Treñas matapos mahuli sa akto ang dalawang suspek na sina Nazareno Pagayon, 54, isang barangay tanod at Jason Mark Gualin, 26, kapwa residente ng Brgy. Yulo Drive, Arevalo, Iloilo City, na nagtatanggal ng electric meter ng More Electric and Power Corporation (More Power). Sa interogasyon, inamin ng dalawang suspek na kanilang tinatanggal ang metro base…
Read MoreRAMON ‘AGIMAT’ REVILLA SR. PUMANAW, 93
SUMAKABILANG BUHAY na ang aktor at dating senador na si Ramon Revilla Sr. sa edad 93. Mismong si Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang naghayag ng balita sa kanyang Facebook live ngayong hapon. “Wala na po ang tatay ko, please pray for him,” emosyunal na pahayag ng senador. Sa Facebook Live din ipinakita ni Senator Revilla ang eksena sa hospital room matapos pumanaw ang ama. Noong May 31 ng gabi nang isugod sa ospital ang nakatatandang Revilla matapos makaranas ng hirap sa paghinga. Ilang araw din itong namalagi sa ICU…
Read MoreApela ni PDu30 sa ASEAN leaders TENSYON SA SOUTH CHINA SEA ‘WAG GATUNGAN
HINILING ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa lahat ng lider na nakiisa sa 36th ASEAN Summit na iwasan dagdagan pa ang tensyon sa usapin ng South China Sea. Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na makabubuting ang lahat ay sumunod sa kanilang responsibilidad sa ilalim ng international law, lalung-lalo na sa 1982 UN Convention on the Law of the Sea. Hinimok ng Pangulo ang lahat ng bansa na sumunod sa rule of law at sa mga commitment aniya nila sa international instruments kasama na ang 2002 Declaration on the…
Read MoreMAAYOS, LIGTAS NA DYIP PINABABALIK SA LANSANGAN
INIHAYAG ni Senador Grace Poe na kapag nakapasa sa roadworthy test ang alinmang tradisyunal na pampasaherong dyip, dapat na itong payagang pumasada sa kanilang ruta upang punan ang pangangailangan sa transportasyon ng commuters sa Metro Manila habang patungo sa pinaluwag na quarantine. Sa pahayag, sinabi ni Poe na dapat tumutupad ang alinmang dyip na ibabalik sa lansangan sa mga usaping pangkaligtasan at health protocols upang malimitahan ang banta ng pagkahawa sa corona virus 2019 (COVID-19). Ayon sa chairperson ng Senate committee on public services na lubhang nakararanas ng paghihirap ang…
Read MoreCHINESE COMPANY NA SUBCONTRACTOR NG MWCI PALPAK DAW GUMAWA?
BARA-BARA daw ang gawa o trabaho ng isang Chinese Company na sub-contractor ng Manila Water Company Inc. (MWCI) para sa sewerage system ng concessionaire ng gobyerno sa tubig sa Eastern part ng Metro Manila. Nakuha ng MWCI bilang concessionaire ay ang Mandaluyong, Marikina, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Makati at ilang parte ng Quezon City at Maynila. Sakop din nila sa kanilang serbisyo ay ang lungsod ng Antipolo at ibang bayan sa probinsiya ng Rizal gaya ng Angono, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jala-Jala, Morong, Pililia, Rodriguez, Tanay, Taytay at San…
Read MoreOWWA MABA-BANKRUPT KUNG WALANG SUPORTA SA GOBYERNO AT OFW
MABA-BANGKAROTE na ba ang Overseas Workers Welfare Administration? SA pagdinig ng Senate Committe on Labor Employment and Human Resource Development, sinabi ni OWWA Administrator Hans Cacdac na posibleng maubos ang pondo ng OWWA kung patuloy ang pagbuhos ng mga OFW na ire-re patriate o pauuwiin dahil sa epekto ng COVID 19. Maari kasing umabot sa halos 4.5 bilyong piso ang kailangan na gastusin sa pagpapauwi ng mga OFW kasama na rin ang mga gagastusin para ipambayad sa mga hotel na ginagamit na quarantine facilities. Dagdag pa ang pagkain at transportasyon…
Read More22 ROOKIE COPS SA PAMPANGA, TINAMAAN NG COVID-19
CAMP OLIVAS, City of San Fernando, Pampanga- Dalawampu’t dalawang rookie cops sa Central Luzon ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) base sa resulta ng kanilang swab testing na isinagawa ng Philippine National Red Cross sa Clark molecular laboratory. Ayon kay Police Regional Office 3 (PRO3) Regional Director PBGen Rhodel Sermonia, lumabas ang resulta nito lamang Miyerkoles kung saan ang nasabing mga newly graduate policemen ay sumasailalim sa kanilang Field Training Program sa Angeles City Police Office (ACPO) at Mabalacat City Police Station mula pa nang magsimula ang quarantine period.…
Read More