MAGPAPATUPAD ang Malacañang ng half-day, work-from-home arrangement para sa mga empleyado ng gobyerno ngayong Miyerkoles Santo, Abril 1, 2026.
Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali ay work-from-home ang mga kawani ng gobyerno, habang wala nang pasok simula 12:01 ng hapon hanggang 5:00 ng hapon.
Batay ito sa Memorandum Circular No. 116 na nilagdaan ni Executive Secretary Ralph Recto, sa pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na may petsang Marso 31, 2026.
Ang nasabing adjustment ay alinsunod sa paggunita ng Semana Santa, kung kailan maraming Pilipino ang bumibiyahe papuntang mga lalawigan o nakikilahok sa mga gawaing panrelihiyon.
Samantala, ang Maundy Thursday (Abril 2) at Good Friday (Abril 3) ay regular holidays, habang ang Black Saturday (Abril 4) ay special non-working day.
Ipinauubaya naman sa mga pribadong kumpanya ang pagpapatupad ng work arrangements para sa kanilang mga empleyado.
(CHRISTIAN DALE)
98 