2 MIYEMBRO NG JOCSON ROB GANG, TIKLO

NADAKIP ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang dalawa umanong miyembro ng Jocson robbery group makaraan ang inilatag na buy-bust operation sa Tondo, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Rodrigo Loveria, 21, ng #2637 Lico St., Tondo at 17-anyos na binatilyo. Ang mga suspek ay nakumpiskahan ng hindi nabatid na dami ng marijuana at apat na sachet ng umano’y shabu. Base sa ulat ni P/ Capt. Kherwin Evangelista, hepe ng Station Drug Enforcement Team ng MPD- Jose Abad Santos Police Station 7,…

Read More

2 CHINESE NASAGIP SA ILLEGAL DETENTION

NASAGIP ng Makati City Police sa rescue operation ang dalawang Chinese national mula sa illegal detention ng kanilang dalawang kababayan sa Barangay San Lorenzo alas-11:00 ng umaga noong Lunes. Ang rescue operations ay ikinasa ng mga pulis-Makati, sa pamumuno ni P/Maj. Gideon Ines, para sa biktimang si Xu Yan, 26-anyos, base sa sumbong ng Filipina girlfriend nito na kinilalang si Marissa Guillermo, 24-anyos. Ayon kay Guillermo, simula pa noong Marso 15 ng taong kasalukuyan ay hindi na pinalabas ng mga suspek ang kanyang boyfriend sa isang unit sa #3820 Kroma…

Read More

P3.4-M SHABU NASABAT, 2 SUSPEK ARESTADO

ARESTADO ang dalawang hinihinalang drug pusher sa buy-bust operation ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) Masambong Police Station 2 at Police Station 3 ng Manila Police District (MPD) sa Quiapo, Maynila noong Martes. Kinilala ni QCPD Director, P/BGen. Ronnie Montejo, ang mga arestado na sina Casmir Caris; 36-anyos, at Montiyah Madaya, 38-anyos, pawang mga vendor at residente ng Brgy. 384, Zone 39, Quiapo, Maynila. Ayon sa report, nakatanggap ng impormasyon mula sa confidential informant ang mga awtoridad kaugnay sa illegal drugs activities ng mga suspek. Bunsod nito,…

Read More

31 MM BUS ROUTES BINUKSAN NG LTFRB

BINUKSAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Route 10 (Cubao-Doroteo Jose) upang kumpletuhin ang 31 rationalized city bus routes sa Metro Manila simula kahapon. Sinimulan noong unang linggo ng Hunyo ang pagbubukas ng mga bagong ruta na kinabibilangan ng portion ng Route E (EDSA Carousel) to augment MRT-3 partial operation; Route 1 (Monumento-Balagtas); Route 2 (Monumento-PITX); Route 3 (Monumento-Valenzuela Gateway Complex); Route 4 (North EDSA-Fairview); Route 5 (Quezon Avenue-Angat); Route 6 (Quezon Ave., EDSA Taft Avenue); Route 7 (Quezon Avenue-Montalban); Route 8 (Cubao-Montalban); Route 9 (Cubao-Antipolo)…

Read More

PINOY UNAHIN SA BBB PROJECTS

KINALAMPAG ni Senador Risa Hontiveros ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na tugunan kaagad ang tumataas na bilang ng nawawalan ng trabaho sa mga Filipino sa harap ng pahayag ng Malacañang na sinisipat nito ang panukala na payagan ang dayuhan na magtrabaho sa flagship projects sa bansa. Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na dapat Filipino muna ang bigyan ng trabaho kaysa dayuhan dahil patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga manggagawa na nawawalan ng trabaho. “Hire Filipinos first,” ani Hontiveros. “Milyun-milyong [mga] Pilipino ang nawalan ng kabuhayan at…

Read More

$9-B mawawala sa ekonomiya JOBLESS OFWs AABOT SA 400K

MAKSIMUM na 400,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang mawawalan ng trabaho ngayong taon kapag nagpatuloy ang paghinto ng kanilang pagtatrabaho sa iba’t ibang bansa dulot ng coronavirus disease-2019 (COVID – 19). Sa kasalukuyan, umabot na sa 50,000 ang pinabalik sa Pilipinas dahil sa COVID-19, banggit ni Senador Emmanuel Joel Villanueva. Kapag umabot sa 400,000 OFWs ang nawalan ng trabaho ngayong 2020, aabot sa siyam na bilyong US dollar ang mawawala sa ekonomiya ng bansa, pahayag ni Villanueva. Ngunit, hindi naman babagsak ang ekonomiya ng bansa kapag nawala ang $9 bilyon…

Read More

Hindi pa man naaawat sa Cebu COVID-19 CASES SA LEYTE, TUMAAS DIN

SUSUNOD na tututukan ng pamahalaan ang sitwasyon sa lalawigan ng Leyte kasunod ng ulat na tumataas din ang bilang ng kaso ng COVID-19 doon. Ayon sa ulat, tututukan din ng National Task Force Against COVID-19 ang sitwasyon ng COVID-19 cases sa Leyte. Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, siya at si National Task Force on COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez ay magtutungo sa Tacloban City upang pag-aralan ang sitwasyon doon. Bigla umanong tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Leyte matapos umuwi ang mga LSI at OFWs. Nauna nang inatasan…

Read More

BENEPISYO NG CENTENARIANS PINAMAMADALI

UMAPELA si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na madaliin ang pamamahagi ng benepisyo ng centenarians. Ayon kay Go, dapat bilisan ng DSWD at ng iba pang ahensya ng pamahalaan ang pagpa-facilitate at pagpoproseso ng mga benepisyo para sa mga centenarian at elderly. “Nanawagan ako sa DSWD na bilisan natin ang pag-facilitate at pag-process ng benefits ng ating mga centenarians and, in general, sa mga elderly. Sila ang isa sa mga most vulnerable sectors ng ating lipunan. Dapat silang alagaan sa panahon ngayon,”…

Read More

Sa kawalan ng malinaw na polisiya sa mga manggagawa PAGBUBUKAS NG EKONOMIYA, WALANG SAYSAY

NANINIWALA si Senador Joel Villanueva na mawawalan ng saysay ang lahat ng pagsisikap na muling buksan ang ekonomiya ng bansa kung magpapatuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID 19. Sa Zoom press briefing sa Senate Media, sinabi ni Villanueva na nakikita niyang may dalawang hadlang sa pagbuhay ng ekonomiya. Una na rito ay ang hindi pa rin mapigilang pagdami ng mga COVID 19 cases at ang ikalawa ay ang kawalan ng malinaw na polisiya sa pagtulong sa mga manggagawa para maka-adapt sila sa new normal. Binigyang-diin ni Villanueva na habang…

Read More