CASH LANES SA NLEX BALIK NA SA LUNES

SIMULA sa Lunes ay muling magkakaroon ng cash lanes sa North Luzon Expressway (NLEX), ayon sa opisyal nito. “Target natin po natin Monday. By Monday cash lanes should be open, pahayag ni Metro Pacific Tollways Corporation chief communications officer Romulo Quimbo. Ang MPTC ang concession holder ng NLEX, Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX), Cavite Expressway (CAVITEX), Cavite Laguna Expressway (CALAEX), Cebu Cordova Link Expressway (CCLEX), at NLEX Connector. Naunang sinabi ni Quimbo na ang NLEX ay magbubukas ng cash lanes katabi ng RFID lanes dahil sa traffic congestion sa toll…

Read More

SENIOR CITIZEN TINADTAD NG BALA

QUEZON – Tinadtad ng bala ng armalite ng hindi kilalang gunmen ang isang senior citizen habang lulan ng kanyang kotse sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga. Kinilala ng Tiaong Police ang biktimang si Roberto Sumbillo Perez, 71, residente ng Barangay Del Rosario, Tiaong. Ayon sa report ng pulisya, sakay ang biktima sa kanyang minamanehong kotseng Honda City na nakahinto sa gilid ng national highway sa Barangay Cabay at naghihintay sa tapat ng bahay ng kanilang kasambahay dakong alas-7:30 ng umaga. Bigla na lamang umanong dumating…

Read More

Bahay nawasak MAG-IINA KRITIKAL SA ‘SINTURON NI HUDAS’

CEBU – Pawang nasa malubhang kalagayan sanhi ng third degree burns ang tatlong miyembro ng isang pamilya nang biglang sumabog ang ginagawa nilang Judas Belt o pinagsama-samang rebentador noong Huwebes ng gabi sa Barangay Babag sa Lapu-lapu City sa lalawigang ito. Ang Barangay Babag ng Lapu-Lapu City ang tinaguriang Bocaue o “firecracker capital” ng Central Visayas. Ayon sa pagsisiyasat ng pulisya, nasa loob ng bahay ang mga biktima habang inaayos at pinagkakabit-kabit ang mga rebentador para gawing Judas Belt, nang biglang sumabog ang mga ito. Sa lakas ng pagsabog ay…

Read More

BAHAY SINALPOK NG PICK-UP, 1 PATAY

BATANGAS – Binawian ng buhay ang isang ginang habang sugatan ang dalawang kaanak nito matapos salpukin ng isang pick-up na minamaneho ng isang babae, ang kanilang bahay sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga, Disyembre 10. Agad nalagutan ng hininga ang biktimang si Lolita Viado dahil sa grabeng pinsala sa kanyang katawan. Nilalapatan naman ng lunas sa Metropolitan Hospital sa nasabing bayan ang magkapatid na sina Jenelyn Bautista Binsol, 30, at John Adrian Bautista Binsol, 15-anyos. Batay sa report ng Nasugbu Police, nag-uusap ang tatlo sa…

Read More

Sumilong sa tunnel 6 MOTORSIKLO INARARO NG SUV 1 PATAY, 7 SUGATAN

CEBU City – Patay ang isang babaeng rider habang pito ang sugatan, kabilang ang isang pulis, makaraang araruhin ng isang SUV ang anim na motorsiklo sa tunnel ng South Road Properties (SRP) sa lungsod na ito, noong Huwebes ng gabi. Pawang sakay ng mga motorsiklo ang mga biktima na umiwas lamang na mabasa ng ulan. Lumilitaw sa pagsisiyasat ng Waterfront Police Station (Cebu City Police Station 3), biglang inararo ng rumaragasang sports utility vehicle (SUV) ang anim na motorsiklo sa southbound lane ng tunnel na sumilong dahil sa malakas na…

Read More

WANTED SA RAPE NATUNTON NG PNP-AKG

BUMAGSAK sa mga kamay ng mga tauhan ni PNP-AKG chief, P/BGen. Jonnel C. Estomo ang suspek sa panggagahasa sa ikinasang law enforcement operation sa El Salvador City, Misamis Oriental. NAGWAKAS ang tatlong taong pagtatago ng isang wanted personality na may kasong panggagahasa nang madakip ito ng mga tauhan ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, pinuno ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group sa El Salvador City, Misamis Oriental. Kinilala ni PNP-AKG spokesman, P/Major Ronaldo Lumactod ang nadakip na suspek na si Welmor Roxas Sutin ng Barangay Poblacion, El Salvador City. Base…

Read More

Resbak sa pagkamatay ng NDF spokesman? PULIS PATAY, 3 SUGATAN SA NPA ATTACK

PATAY ang isang pulis habang sugatan ang tatlong kasamahan nito at isang detainee sa pananambang ng hinihinalang mga NPA sa Barangay Logero, Marabut, Samar. Ayon sa Marabut Police Station, pabalik na sa kanilang himpilan ang apat na pulis sakay ng kanilang patrol car nang bigla silang pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek. Napag-alaman, nagsilbing escort at naghatid lamang ng isang detainee ang mga pulis sa bayan ng Basey para dumalo sa paglilitis. Ngunit pabalik na ang mga pulis, tinambangan sila sa national highway sakop ng Barangay Logero. Nauna rito, isang…

Read More

LIVE-IN PARTNERS HULI SA P10.2-M SHABU

NASAMSAM sa isang mag-live-in partner na hinihinalang big time drug pushers, ang P10.2 milyong halaga ng umano’y shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City noong Huwebes ng gabi. Kinilala ni Valenzuela City Police chief, Col. Fernando Ortega ang mga arestado na sina Ernesto Francisco alyas “Ikong,” 49, at Genelyn Mararac, 33, kapwa watch listed ng pulisya. Ayon sa report ni Col. Ortega kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Eliseo Cruz, dakong alas-10:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement…

Read More

Sinuro ng pulang kotse 1 PATAY, 6 SUGATAN SA DIVISORIA

PATAY ang isang 53-anyos na lalaki habang isa ang kritikal ang kalagayan sa pagamutan at lima ang sugatan makaraang suruin ng isang pulang kotse ang limang sasakyan at ilang mga taong naglalakad sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue sa Divisoria, sakop ng Tondo, Manila, nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ang namatay na si Lauro Lucaycay, ng Blk. 3, Lot 9, San Patricio St., Tondo. Samantala, sina Jeffrey Del Rosario, 41, driver ng Hyundai H100 na puti (NBS-0953); Jonathan Ratin, 40, jeepney driver (DCU-947) na nadamay sa insidente ay nasugatan…

Read More