2021 PBA Philippine Cup Finals, Game 4 TNT MINUS TROY

Ni ANN ENCARNACION

NGAYONG gabi ang Game 4 sa pagitan ng TNT at Magnolia sa kanilang best-of-seven ­Philippine Cup final series kung saan angat ng isa (2-1) ang Tropang Giga.

Ngunit lalaro ang TNT na wala ang isa sa kanilang key player na si Troy Rosario, na na-injure noong Game 3, na pinagwagian ng Magnolia, 98-106.

Iniulat ng koponan na ang 29-anyos na forward ay nagtamo ng spinal shock matapos bumagsak bunsod ng flagrant foul ni Hotshots Jackson Corpuz ng Magnolia.

Ang spine injury ay nagdulot kay Rosario ng halos 70 percent lamang na reaksiyon sa kaliwa nitong binti, ayon sa TNT franchise.

Bukod dito, sumailalim sa surgery ang ­dating big man ng National ­University dulot ng open finger dislocation na ­natamo rin noong Linggo.

Bumagsak mula sa ere si Rosario sa natitirang 3:02 minuto sa ikatlong yugto ng laro matapos ang banggaan nila ni Corpuz, na na-thrown out sa game matapos ang technical foul na nasundan pa ng ­flagrant foul.

139

Related posts

Leave a Comment