IPINASA sa pangulo ang kapangyarihan kung itataas o hindi ang halaga ng buwanang bayarin ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) na mahigpit na tinutulan ng mga opisyal ng ahensiya. Sa pahayag, sinabi ni Senador Richard Gordon na binigyan ng kapangyarihan ang pangulo ng Pilipinas na ipagpaliban ang pagtataas ng kontribusyon o buwanang bayarin sa Social Security System (SSS) sa panahon ng kalamidad o pambansang kagipitan. Ayon kay Gordon, nagkasundo ang miyembro ng Senate committee on government corporation and public enterprises, na bigyan ng kapangyarihan ang Pangulo na ipagpaliban…
Read MoreMonth: January 2021
PRICE FREEZE, IBABALANSE SA MGA NEGOSYANTE
TINIYAK ni Senador Bong Go na ibabalanse sa epekto sa ekonomiya at sa mga negosyante ang ilalabas na executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa price ceiling upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng karne ng baboy at manok. Sinabi ni Go na pinag-aaralan ng executive department ang kanilang ilalabas na kautusan upang hindi rin maagrabyado ang mga hog raisers sa price freeze. Ito ay kasunod ng pahayag ng mgma hog raisers na posibleng ihinto nila ang pagkatay kung pipigilan ang pagtataas nila ng presyo dahil ngayon pa lamang…
Read MoreSENADO, NANAWAGAN SA PAG-REVIEW SA TERMINATION NG DND-UP ACCORD
INAPRUBAHAN ng Senado ang adoption ng Senate Resolution na humihiling sa Department of National Defense na rebisahin ang desisyon nitong i-terminate ang 1989 DND-University of the Philippines accord. Sa kanyang sponsorhip speech sa Senate Resolution 616, sinabi ni Senador Kiko Pangilinan na welcome sa kanila ang desisyon ng DND na sagutin ang panawagan para sa dayalogo sa UP kaugnay sa termination ng kasunduan. Samantala, nag-abstain sa adoption ng resolution ang dating PNP chief at ngayo’y Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa at muling iginiit ang kanyang pagsuporta sa pagkansela sa kasunduan.…
Read MoreOFW SA KUWAIT PINATAY O NAGPAKAMATAY?
HINDI pa man nagsisimula ang pagpapadala ng mga Household Service Workers (HSW) sa Kuwait ay eto na naman at mainit na pinaguusapan ang isa na namang kaso ng pagkamatay ng isang OFW sa bansang Kuwait. Kamakailan ay may nagpadala sa akin ng larawan na kung saan isang OFW ang nakahandusay sa gilid ng kanyang kama na wala ng buhay. Palaisipan sa mga kamag-anak kung ang naturang bangkay ng OFW ay pinatay o kung siya ba ay sadyang nagpakamatay. Ang OFW na aking tinutukoy ay si OFW Jocelyn Reonal na mula…
Read MoreDTI SECRETARY RAMON LOPEZ, NEWLY APPOINTED SC JUSTICE LOPEZ
ANO ba talaga DTI secretary Ramon Lopez, ekonomiya nga ba ang dahilan o dikta lamang ng ilan?? Anong mayroon sa 10-14 years old para palabasin na sila sa lansangan? Makakatulong ba talaga sila sa ekomiya gayung wala naman silang pera upang gastusin sa kanilang paglabas? Di ko makita ang logic ni DTI Sec Lopez sa pagpayag nito sa pagpalabas sa mga kabataan dahil makakatulong daw ito sa paglago ng ekonomiya?? Ang labo yata noon, dahil yun mismong ginagastos ng mga menor de edad ay mula din naman sa kanilang mga…
Read MoreManny Pacquiao: Ang Alamat (Unang Bahagi)
Ni EDDIE ALINEA ENERO 22, 1995 nang si Emmanuel “Manny” Pacquiao, na noon ay tumutugon sa pangalan niya sa ring na “Kid Kulafu,” ay ipinakilala sa ibabaw ng parisukat na lona para lumaban sa isang beteranong nagngangalang Enting Ignacio sa loob ng apat na round sa Sablayan, Occidental Mindoro. Patpatin at tumitimbang lamang ng 98 libra, kulang ng 8 libra para sa mababang timbang na 106 libra para sa junior flyweight, kinailangan ng bagitong si Manny, may taas lamang noon na 4 tampakan at 11 pulgada, na maglagay ng pabigat…
Read MoreTarget na mayor nakaligtas ISA PATAY, ISA MALUBHA SA BIFF
NASAWI ang isang biktima at isa ang malubhang nasugatan sa pagpapasabog na hinihinalang kagagawan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter kahapon ng umaga sa lalawigan ng Maguindanao. Nakilala ang nasawi na si Alberto “Panong” Delos Santos habang sugatan ang kanyang hindi pa nakilalang angkas. Ang mga ito ay residente ng Barangay Purikay, Lebak, Sultan Kudarat. Pinaghahanap na ng mga tauhan ni Joint Task Force Central Commander Major General Juvymax R. Uy ang mga responsable na pinaniniwalaang miyembro ng BIFF group. Sa pagsisiyasat ng 57th Infantry “Masikap” Battalion at South Upi Municipal…
Read MorePARI PINAHIRAPAN BAGO NILIKIDA
MALUPIT na kamatayan ang sinapit ng isang paring Katoliko sa Malaybalay, Bukidnon. Kasabay ng panalangin ng simbahan para sa hustisya ay inaaalam na ng mga awtoridad ang motibo ng mga salarin sa pag-torture at pagpatay sa biktimang si Fr. Rene Regalado, na natagpuang duguan sa labas ng kanyang sasakyan malapit sa Malaybalay Carmel Monastery sa Sitio Pal-ing, Barangay Patpat, Malaybalay City. Ayon kay Col. Jerry Tambis, hepe ng Malaybalay police, tinitingnan nila kung may kinalaman sa pagpatay sa pari ang adbokasiya nito laban sa illegal logging. Dati rin umanong nadawit…
Read MoreMAG-ASAWA PINASOK SA BAHAY, PINATAY; ANAK TINANGAY
PINAGBABARIL at napatay ang mag-asawa na pinaghihinalaang konektado sa kalakalan ng ilegal na droga habang tinangay ng mga salarin ang kanilang anak kagabi sa Biñan City, Laguna. Pinaghihinalaang distributor at financier ng droga ang mag-asawang Jose Garry Domingo Sr. at Loida Domingo kaya kabilang ito sa mga tinitingnang motibo sa krimen. Ayon sa ulat, dumating ang mga hindi pa nakikilalang salarin at pinasok ang bahay ng mag-asawa sa Zone 1, Dulong Ilaya, Malaban, sa nasabing lungsod. Agad pinagbabaril ang mga biktima at sa pagtakas ng mga salarin ay tinangay ng…
Read More