US-RP DEFENSE TREATY BABALANSE SA SCS DISPUTE

NAKIKITA ni Senador Panfilo Lacson na magkakaroon ng balance of power sa South China Sea ngayong higit na pinahalagahan ng bagong administrasyon ng Estados Unidos ang US-PH Mutual Defense Treaty. Sa pahayag, sinabi ni Lacson, chairman ng Senate Committee on National Defense, bunga na rin ito ng komunikasyon sa pagitan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. at US State Secretary Antony Blinken. “There you go. The US-PH Mutual Defense Treaty is one yet untapped weapon in our arsenal. I certainly hope we do not draw that weapon. Meantime, we…

Read More

Habang walang covid vaccine FLU VACCINE MUNA SA SENIORS

MAGSISILBING malaking proteksiyon ang pagpapaturok ng pneumonia vaccine upang makaiwas sa peligro ng COVID-19 ang matatanda at may comorbidities. Ayon kay Dr. Charles Yu, Vice-Chancellor ng De La Salle Medical and Health Sciences Institute na karamihan ng namamatay sa covid ay hindi naman dahil sa virus kundi dahil nagkaroon ng complicating bacterial pneumonia. Nagsisilbing booster ani Dr. Yu sa immunity ang pneumonia vaccine na nakapagpapabawas sa mortality at morbidity lalo na sa mga senior, mga tinatawag na vulnerable, mga may emphysema at may diabetes. “Siguro no clear answer to that.…

Read More

MAG-ASAWA GINULANTANG NG BALA

LAGUNA – Pinaulanan ng bala ng dalawang ‘di kilalang kalalakihan ang bahay ng mag-asawa sa bayan ng Magdalena sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Tinamaan ng bala sa kaliwang siko si Renato Batralo y Oriel, 31, habang ligtas naman ang asawa nito na ayaw magpabanggit ng pangalan. Ayon sa salaysay ng mag-asawa, alas-10:25 ng gabi noong Enero 28 habang nagpapahinga sila, biglang pinagbabaril ng mga suspek ang kanilang bahay sa Barangay Baanan. Agad tumawag ang isang concerned citizen sa Magdalena MPS upang iulat ang insidente at nang magresponde ang…

Read More

Kambal na trahedya sa Batangas 5 PATAY SA TRUCK

BATANGAS – Umabot sa lima katao ang namatay habang apat ang sugatan sa dalawang insidente ng sakuna sa kalsada na kinasasangkutan ng mga truck sa lalawigang ito. Sa bayan ng Nasugbu, apat ang patay, kabilang ang isang opisyal ng PNP, habang dalawa pa ang sugatan matapos araruhin ng isang trailer truck ang tatlong sasakyan at masagasaan ang isang pedestrian, nitong Biyenes ng umaga. Kabilang sa mga namatay si P/Lt. Col. Charlie Abot na siyang nagmamaneho ng Toyota Vios na isa sa mga sinalpok ng truck. Kapwa patay naman ang driver…

Read More

Grab driver arestado naman sa ‘damo’ 3 TULAK HULI SA P17-M SHABU

UMABOT sa 2.5 kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang P17 milyon ang street value, ang nakumpiska mula sa tatlong lalaking hinihinalang tulak ng ilegal na droga, sa buy-bust operation sa Paco, Manila noong Miyerkoles ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, ang mga suspek na sina Rudjiefei Bedo, 21; Saida Ayunan, 32, at Bailyn Ayunan, 32, pawang residente ng #1671 Pedro Gil St., Paco, Manila. Batay sa ulat ng District Drug Enforcement Unit ng Manila Police District, ikinasa ang buy-bust operation,…

Read More

3 MINORS, 4 PA KULONG SA DROGA

ARESTADO ang pitong hinihinalang drug personalities, kabilang ang tatlong menor de edad, sa mga awtoridad sa Caloocan City noong Huwebes ng gabi. Ayon kay Caloocan Police chief, Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-10:50 ng gabi, nagsasagawa ang mga tauhan ng East Grace Park Police Sub-station 2 ng Oplan Galugad sa Raja Soliman St., Brgy. 37 nang isang concerned citizen ang nag-report hinggil sa umano’y nangyayaring transaksyon sa ilegal na droga sa lugar. Agad nagresponde ang mga awtoridad at nakita ng mga pulis ang mga suspek na sina Albert Baluyot Lim…

Read More

Pamemeke sa covid test result buking DINOKTOR NI DOC?

NANGANGANIB matanggalan ng lisensya bilang doktor ang tagapamahala at chief executive officer (CEO) ng isang diagnostic laboratory sa Valenzuela City. Ito ay matapos sampahan ng kasong kriminal ang manggagamot dahil sa pamemeke umano ng resulta ng COVID-19 swab test base sa sumbong mismo ng isang tauhan at reklamo ng kapwa doktor. Kasong administratibo ang unang isinampa ni Dr. Alma Radovan-Onia, medical director ng Marilao Medical and Diagnostic Clinic Inc. (MMDCI) sa Professional Regulation Commission (PRC) laban kay Dr. Jovith Royales, CEO ng Best Care Medical and Diagnostic Clinic, para alisan…

Read More

TOURIST VISA EXTENSION APPLICATIONS BUMABA NG 45% – BI

INULAT ng Bureau of Immigration (BI) na 45 porsyento ang ibinagsak ng bilang ng ‘applications for tourist visa extension’ sa taong 2020. Isiniwalat ni BI Commissioner Jaime Morente, ang Bureau’s Tourist Visa Section (TVS) ay nakapagproseso ng kabuuang 240,276 applications para sa ‘extension of stay of tourists,’ na 44.67 porsiyentong mas mababa sa 434,251 ng parehong aplikasyon na natanggap noong 2019. Sinabi pa ni Morente, ang pagbagsak ng bilang ay inasahan nila dahil nananatili ang paghihigpit sa mga dayuhan na papasok sa bansa, kasunod ng travel ban na ipinatutupad dahil…

Read More

Solusyon sa bagsak na ekonomiya JOBLESS BIGYAN NG TRABAHO

NANINIWALA si Senadora Mary Grace Poe na kailangang magkaroon ng pera ang manggagawa upang sumulong ang bagsak na ekonomiya ng bansa. Ani Poe, mangyayari ito kung mabibigyan ng trabaho ang mga walang trabaho. “They’ve been telling people to go out and spend to prop up the economy. But before they can spend, they need to have the money to do so,” patuloy ni Poe. Tinuran ng senadora, kung ang mga ekonomista ng administrasyong Duterte ay naniniwala na ang paggastos ng mga mamimili ang “susi” sa pagbangon ng ekonomiya ay kailangang…

Read More