NAGBITIW na si Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang tracing czar kaugnay sa COVID-19. Iyon nga lamang ay hindi tinanggap ng National Task Force against COVID-19 ang pagbibitiw ni Magalong. Patuloy kasi, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na nagtitiwala at kumpiyansa ang liderato ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa kanya. “We confirm that Baguio City Mayor Benjamin Magalong tendered his resignation as the government’s Tracing Czar. Mayor Magalong’s resignation, however, has not been accepted. He continues to enjoy the trust and confidence of the leadership of the…
Read MoreMonth: January 2021
Pagbabakuna sisimulan sa Marso SINOVAC DARATING NGAYONG PEBRERO
PARATING na sa Pilipinas ang bakuna mula sa China na inaasahang tatapos sa COVID-19. Tiniyak ni Presidential spokesperson Harry Roque na sa Pebreroo 20 ang dating ng Sinovac sa bansa. Sa susunod naman na buwan o sa Marso ay inaasahang maituturok ang bakuna na kung saan ay prayoridad na mabigyan ang medical health workers. “Ang sa akin po, sinisikap natin na masimulan iyan ng Pebrero bagamat ang bulto ng mga naunang mga bakuna ay talagang siguro maituturok na iyan ng Marso. Pero puwede naman tayong magsimula at inaasahan natin na…
Read MoreNCR, DAVAO CITY MANANATILI SA GCQ
MANANATILI sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) classification ang National Capital Region (NCR) at Davao City simula sa Lunes, Pebrero 1 hanggang Pebrero 28, 2021. Bukod sa NCR at Davao City ay isinailalim din sa GCQ ang mga lalawigan ng Batangas at Cordillera Administrative Region na kinabibilangan ng Abra, Apayao, Benguet, Baguio City, Ifugao, Kalinga, at Mountain Province para sa Luzon; Tacloban City para sa Visayas; Davao del Norte, Lanao del Sur at Iligan City para sa Mindanao. Ang Santiago City, Ormoc City, at iba pang lugar ay isinailalim…
Read MoreSOLON: UNEMPLOYMENT BAGO EKONOMIYA
IGINIIT ni Senador Grace Poe sa pamahalaan na dapat munang solusyunan ang problema sa unemployment sa bansa kung nais nitong maabot ang target na pagbangon ng ekonomiya. “They’ve been telling people to go out and spend to prop up the economy. But before they can spend, they need to have the money to do so. Allowing kids to go out doesn’t address that problem,” sabi ni Poe, na isang child advocate. Aniya, ang ekonomiya ng Pilipinas ay bumulusok sa pinakamababang antas noong nakaraang taon mula pa noong 1946 nang unang…
Read MoreDELAY SA BAKUNA NG PHL, ‘BLESSING IN DISGUISE’ – SOLON
ITO ang pananaw ni Senate Committee on Health Chairman Senador Christopher Bong Go na hindi kasama ang Pilipinas sa mga naunang bansang nakabili ng bakuna kontra COVID-19. Ipinaliwanag ni Go na makikita kasi ang epekto ng mga bagong bakuna sa mga bansang unang gumamit para na rin sa ika-kakampante ng isip ng mga Pilipino. Ayon kay Go, sa kanyang pag-iikot sa buong bansa, napatunayan niyang marami talagang Pilipino ang takot na magpabakuna kontra COVID-19 dahil sa pangamba sa side effect nito. Ito aniya ang dahilan kaya hinihikayat niya ang mga…
Read MoreKung gaganapin laban ngayon RYAN GARCIA TALO KAY MANNY PACQUIAO
MALUGOD na pagbati kay Juliet Dalupan, kaibigang matalik ng kabiyak kong si Annie mula pa noong nasa kolehiyo pa sila (University of the East) na nakarating na naman sa isang mahalagang pangyayari sa kanyang buhay sa kanyang ika-70 taon noong Miyerkoles, Enero 27. Si Juliet, maybahay ng namayapang si Ludovino “Ludy” Dalupan, pinsan ng maalamat na coach na si Virgilio “Baby” Dalupan, ay nabuhay sa mahabang taon bilang isang single parent sa kanyang apat na supling kay Pareng Ludy mula noong ang huli ay naratay sa banig ng karamdaman at…
Read MoreMGA ANAK NG OFW NAUBOS SA SUNOG, OWWA SUMAKLOLO
WALA na sigurong makakapantay sa sakit ng kalooban ng isang ina kung ang kanyang anak ay sabay-sabay na namatay. Ganito ang nangyari sa pamilya ng isang OFW na nasa Kuwait na kung saan ang kanyang apat (4) na anak ay nasunog sa loob ng kanilang tahanan. Bagaman hindi pa malinaw ang tunay na pangyayari, ngunit aking napag-alaman na ang ama ng mga bata ay kasalukuyang nakakulong dahil sa hinala na ito ay may kasalanan sa pagkasunog ng tahanan. Ang OFW na namatayan ng kanyang apat na anak na lalaki na…
Read MoreWALANG SAYSAY ANG SKYWAY, LRT-1, LRT-2 AT IBA PA
ANG pagkakaroon ng mga tren at elevated highways ay hindi lang aksyon upang paunlarin ang sistema ng pampublikong transportasyon ng bansa, kundi nakatuon din sa pagsulong ng ekonomiya. Katunayan, estratehiyong sangkap sa ekonomiya ang tranportasyon at kalsada. Magkadikit at magkatuwang ang puwesto ng transportasyon at kalsada sa ekonomiya. Samakatuwid, tama at nasa tamang direksyon ang pagpapahaba sa inaabot at sinasakop na ruta ng LRT-1 (mula Caloocan hanggang Baclaran kung saan malapit nang buksan ang ruta hanggang Cavite) at ng LRT-2 (mula Maynila hanggang Pasig na ilang buwan na lang ay…
Read MoreSINAS, KINASTIGO SA ‘PANG-IISNAB’ SA SENADO
KINASTIGO ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa si PNP Chief, Police General Debold Sinas sa hindi pagdalo sa public hearing ng Senado sa mga kaso ng pagpatay. Sinabi ni dela Rosa na mahalaga ang pagdinig ng Senate Committe on Justice and Human Rights upang maipaliwanag din ng pulisya ang kanilang mga aksyon. “When I was PNP chief, I always attended Senate hearings and I bring my command group and all directorial staff because I know how important they are. Our credibility as an organization would be in question…we cannot ignore…
Read More